Nakakabinging katahimikan ang nakapalibot sa loob ng tinutuluyan kong silid. Yakap-yakap ang sariling mga tuhod, nakaupo sa katreng kahoy.
"Oh, Leioqe gising kana pala. Gising na pala ang maganda kong anak." bungad ni mama pagpasok nito sa loob ng silid kung nasasaan ako. Bahid ang labis na ngiti sa kaniyang labi habang naglalakad papalapit sa aking kinarorooan may dala-dalang isang paper bag na hindi ko alam kung anong laman.
"Ang dugyot-dugyot ng itsura mo, nasisira ang 'yong kagandahan. Maligo ka roon at nang umayos ang iyong itsura." Dumampi ang kamay ni mama sa aking pisnge pumadaosdus papunta sa aking buhok para suklayin gamit ang kaniyang mga daliri.
Nanatili akong tahimik. Ano nanaman kaya ang balak nitong gamit? Kakaiba ang ugali nito ngayon, maamo't tila mo'y ako ang pinakamamahal niyang anak, ngunit kabaliktaran ito ng totoong trato nito sa'kin, ng buong pamilya ko-pamilya ko nga ba sila?
Sila ang naging dahilan kung bakit naging miserable ang buhay ko. Kung bakit ako naririto ngayon. Ikinulong buong buhay ko sa madilim na k'wartong 'to, pinapakain na parang aso at tinatratong parang hayop. Hindi ko alam kung anong naging kasalanan ko kung bakit ako pinaparusahan ng ganito. Mahigit labing anim na taon na akong nakakulong sa silid na ito, pagkasilang ko palang ay naririto na ako kahit na ngayong labing anim na taong gulang na ako.
"Bilisan mo na Leioqe, bago ko pa hablutin 'yang buhok mo tungong banyo. 'Wag mong sagarin ang pasensiya ko, Leioqe." nakakakilabot na saad ni mama, tinatago ang kaniyang tunay na ugali sa isang anghel na ngiti. "Ngayon mag kakaroon kana ng silbi sa pamilyang 'to. Mawawala kana rin sa pamamahay na'to. Mawawala kana rin sa aming lahat." isang nakakalokong ngiti ang gumuhit sa kaniyang labi bago tumayo at naglakad palabas ng silid.
"Suotin mo ang damit na nasa paper bag, pagtapos mong maligo. Babalikan kita, dapat naka ayos kana kung ayaw mong may mangyaring masama sa'yo." pahabol na segunda ni mama bago tuluyang sinara ang pinto. Muling bumalot ang kadiliman sa loob ng aking silid.
Nangangapang bumangon ako sa pagkakaupo, at marahang naglakad para buksan ang ilaw. Ayokong nilalabag ang mga utos ni mama dahil alam ko ang mga kaakibat na kahahantungan ko sa oras na pumalag ako mula rito. Kinuha ko ang paper bag na dala ni mama kanina't kinuha ang laman no'n. Isang pink dress, bra at panti, kasama ang magpares na sandald na itim. Para saan ang mga 'to?
Nagtataka man, nagtungo parin ako sa maliit na banyo ng silid na'to para maligo. Kinuskos ko ang buonf katawan para matanggal ang mga duming nakakapit sa aking balat gamit ang hinubad kong damit. Ilang minuto matapos maligo, tinuyo ko ang sariling katawan, sabay suot ng dress na dala ni mama.
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng tuwa dahil ito ang unang beses na binigyan ako ni mama ng ganitong damit at sandals. Ito ang unang beses na nakatanggap at nakasuot ako ng ganitong uri ng pananamit, kaya hindi matanggal ang ngiti sa aking labi. Ano kayang dahilan bakit ako pinagsuot ni mama ng ganito?
Isasama ba nila ako sa labas at ipapakilala sa mga kasosiyo nito sa kumpanya na ako ang anak nila? Pero imposible, pero bakit ako nakasuot ng ganit? Baka na realize na nila anak nila ako? Pero bakit ang sabi ni mama'y mawawala na ako sa bahay na'to sa pamilyang 'to? Ano ang ibig sabihin no'n? Anong magiging silbi ko sa kanila?
Naudlot ang malalim na pag iisip ko nang bumukas muli ang pinto ng k'warto ko't bumungad doon si nanay Linda ang kasambahay sa bahay na'to, ang naging karamay at nagpalaki sa'kin.
"Nanay Linda! Tingnan niyo po ang ganda ng suot kong damit! Bigay po sa'kin ni mama 'to!" masayang salubong ko rito habang nakangiti. Ngunit pansin ko ang pananahimik nito.
"Umiiyak po ba kayo?" tanong ko saka ito niyakap. Mas lalo namang lumakas ang bawat hikbi ni nanay linda at niyakap ako pabalik. "Ano pong meron nanay linda? Bakit po kayo umiiyak?"
YOU ARE READING
His Obsessionist Lust
RandomR-18 | Parental Guidance Is Advice. Beware of DARK ROMANCE! Leioqe grew up in a room where she was confined by her parents, and the only solace she had was her mother, Nay Linda. Her family was once very wealthy, but suddenly their company collapse...