Chapter 2: Auction

597 5 1
                                    

Halos kilabutan ako nang biglang magdilim ang tinatahak na daan nitong sinasakyan namin. Habang ang tatlong lalaking 'to'y presentableng nakaupo lang at parang normal lang ang lugar. Mukha itong k'weba o malaking kanal na lagusan. Madilim buti nalang at meroong malakas na bumbilya ang sasakyan kaya nabibigyan nito ng liwanag ang tinatahak naming daan.

Ilang minuto ang lumipas nang muling magliwanag. Nasa ilalim na kami ng parang isang malaking istraktura. Maraming magkakaibang uri ng mga sasakyan na naroroon. Nang huminto ang sasakyan, isa-isang bumaba ang mga kasamahan ko sa loob. Tanging ako lang ang naiwan, hindi ko naman magawang buksan ang pintuan dahil hindi ko alam kung papa'no ito gumagana.

“Ano pang hinihintay mo riyan? Bakit hindi kapa bumababa?” tanong ng lalaking nagmaneho nitong sasakyan nang buksan ang pinto nitong sasakyan.

“H-hindi ko po kasi alam kung pa'no buksan 'yung pinto, kaya maraming salamat po sa pagbukas.” inuyuko ko naman ang aking ulo bago tuluyang lumabas ng sasakyan.

“Sumunod ka sa'min. 'Wag kang lilihis ng daan, sumunod kalang kung saan kami paparoon.” tumango ako bilang tugon kasabay no'n ang paglalakad ng tatlong lalaki sa harapan ko.

Napatigil kami sa paglalakad nang mapadpad kami sa bakal na pinto. Anong gagawin namin dito? Napa nganga naman ako nang biglang mahati sa gitna ang bakal at meroong ispasiyo sa loob no'n! Astig! Ngayon lang ako nakakita ng ganiyon, nakakamangha.

“Ano pang hinihintay mo diyan? Pasok na!” dali-dali naman akong pumasok sa loob kasama ng tatlong lalaking 'to. Inililibot ang tingin, astig dahil salamin ang loob ng kahon na'to kitang-kita ko ang sarili ko.

“A-ano pong nangyayari?!” tarantang tanong ko habang nakakapit sa isang lalaki. Naiinis naman nitong tinabig ang kamay ko papalayo sa kaniya.

“P'wede ba'ng manahimik kanalang diyan?” utos nito na puno ng awtoridad ang boses kaya kahit natatakot dahil parang gumagalaw ang kahon napatahimik ako't ginagaya silang kalma lang. Maya-maya pa'y biglang nahati na naman ang bakal na pinto pero laking gulat ko dahil iba na ang lugar niyon.

Saan na kami napunta? Tanong ko sa sarili habang humahakbang papalabas ng kahon na 'yon nasa likod naman ako ng tatlong lalaking 'to nakasunod na parang buntot nila.

“Ow it's her?” salubong ng isang babae. Manghang-mangha naman ako dahil sa ganda nito ang pupula ng labi at ang ganda ng mukha. “She's beautiful, mukhang naka bingwit tayo sa babaeng 'yan.” saad nito kaya nangunot ang aking noo.

“May pagka tanga nga lang.” napayuko ako dahil sa kahihiyang sinabi ng isang lalaki. Kinagat ko ang pang ibabang labi, hindi ko naman kasalanan na lumaki ako na hindi nasasaksihan ang mundo at tanging nakakulong lang sa isang silid na napupuno ng dilim.

“Ayos lang 'yan, gagawin lang namang parausan ang babaeng 'yan ng bilyonaryong bibili sa kaniya. Ipasok niyo na 'yan do'n sa room kasama ng mga iba pa niyang kasamahan. Mamayang gabi na gaganapin ang auction kaya i-ready niyo 'yang mga babaeng 'yan.” utos ng babaeng 'to, mukha siyang masungit parang si mama.

Hinawakan naman ako ng kung sino at hinila papasok sa isang silid sabat tulak. Napaupo naman ako sa malamig na sahig. Ganitong-ganito ang trato ni mama sa'kin kapag galit ito at ako ang pinagbubuntungan ng galit. Pansin ko namang hindi lang ako ang tao roon, napatingin ako sa aking paligid at nang makitang lahat sila'y nakatingin sa'kin agad akong napatayo at inayos ang sarili.

“H-hello po!” bati ko sa kanila pero ni isa sa kanila'y walang bumati sa'kin pabalik. Kaya natutop ang aking bibig saka naupo sa bakanteng upuan. Mahigit dalawampu kaming lahat na nandito, siguro'y kagaya ko'y ibinenta rin sila ng kanilang mga magulang. Lahat sila'y magaganda, makikinis ang mga balat, at ang puputi pa.

His Obsessionist LustWhere stories live. Discover now