Lumipas ang oras at ngayon ay nasa numero sampo na ang sinundo kanina. Pagbalik ng babae'y alam kong ako na ang sunod dahil ako ang labing isa sa bilang. Kanina'y wala akong nararamdaman na kahit na anong kaba pero ngayon, labis-labis ang kabang nararamdaman ko sa hindi maipaliwanag na dahilan.
“Good luck Leioqe!” saad ni Almira at hinawakan ang dalawa kong kamay. Ngumiti lang ako, hindi ko na magawang magsalita dahil kinakabahan ako. Namamawis na rin ang kamay ko, at parang tumatambol ang dibdib ko.
“Kaya mo 'yan Leioqe.” hagod ni Nixy sa aking likuran. Hindi ko alam kung saan napupunta ang mga babaeng nauna sa'kin dahil matapos itong mga tawagin hindi na ito muling bumabalik pa rito sa loob ng silid kaya kakaunti nalang kaming naririto.
“Number 11, please it's now your turn.” bungad ng babaeng sumusundo sa'min. Kaya halos umikot ang paningin ko dahil sa labis na kaba. Mahigpit ang pagkakahawak ni Almira sa kamay ko, bago niya 'yon bitawan ng tumayo na ako.
Wala na akong natanggap pang kahit na anong tugon sa kanila nang maglakad na ako papalapit sa babaeng nakadungaw sa pinto. Ngumiti ito sabay puri sa'kin.
“Ang ganda mo ah, in fairness pusta ko maraming mag aagawan sa'yo. 'Yung ibang mga nauna, mura lang naming nabenta sa'yo kaya magkano ang kikitain namin?” tanong niya habang naglalakad kami sa isang pasilyo, tanaw ko naman sa dulo nito ang parang isang pagdiriwang na ginaganap dahil sa maliwanag na ilaw at mga iba-ibang kulay.
“And now! Are you ready for our slot 11. She's here!” sambit ng isang babaeng may hawak-hawak na mikropono. Nasa intablado ito nakatayo, at sa harap nito'y maraming mga lalaking nakaupo. Hindi pa man ako nakakarating sa entablado pinakilala na kaagad ko nito.
“Let's welcome, Ms. Leioqe.” pagtanggap nito sa'kin kasabay no'n ang paglantad ko sa entablado na nakahubo't walang kahit na anong saplot. Ramdam ko naman ang maiinit na tinginan sa'kin ng mga lalaking 'to kaya labis-labis ang aking pagkailang. Andoon lang ako nakatayo sa harapan nila. Ang malalagkit nilang titig na pinapasadahan ang buong katawan ko.
“And now start bidding!” sigaw ng babaeng may hawak na mikropono.
“10 million!” sigaw ng isang lalaki habang nakataas ang isang kamay.
“50 million!” muling sigaw ng ibang lalaki.
“Hmm, mukhang pag aagawan si Leioqe tunay ng ating mga very wealthy man here at the auctions, who's greater than 50 million?!” muling sigaw ng babae.
“150 Millions!” taas kamay na sigaw ng lalaking nasa harapan ko. Labas pa ang dila't pinagnanasahan na kaagad ang buo kong katawan. Napakagat labi ako dahil sa mga 'to.
“300 Million!” pursigidong sigaw ng lalaking nasa likod naman. Alam ko ang bilang na sinisigaw nila, ito ang magiging halaga ko na patuloy na tumataas.
“Wala na ba'ng mas aangat pa sa 300 millions? Mr. Gera will get Leioqe now.”
“500 million!” patuloy sa pagtaas ang binabato nilang halaga ko. Na parang uhaw na uhaw sa'kin kung pag agawan ako.
“800 Million!”
“850 Million!”
“1 Billion!” sigaw nang kung sino mula sa likuran ng isang lalaki.
“Wow! That's a large price! Wala na bang mas tataas pa sa isang bilyong piso? Mr. Doven will be the winner.” walang umimik sa kanila at tanging napuno ng katahimikan. Isang bilyon ang halaga ko? Mag aaksaya sila ng ganoong kalaking salapi para lang makuha ako?
“Mukhang wala nang itatas ang 1 bilyon ni Mr. Doven. I'll announce Ms. Leioqe is n—”
“5 Billion pesos!” simpleng saad ng isang lalaking, nakakuha ng aking atensiyon. Nakangisi ito habang nakatitig sa akin. Kakaiba ang lalaking 'to dahil hindi ang katawan ko ang tinititigan niya kundi ang mukha ko. Makapal ang kilay nito't maputi rin ang kutis ng balat. Meroong kulay kayumangging buhok. Sa hindi malamang dahilan parang hindi na kaba ang nararamdaman ko, dahil sa matagal na nagtama ang aming mga titig.
YOU ARE READING
His Obsessionist Lust
RandomR-18 | Parental Guidance Is Advice. Beware of DARK ROMANCE! Leioqe grew up in a room where she was confined by her parents, and the only solace she had was her mother, Nay Linda. Her family was once very wealthy, but suddenly their company collapse...