25

5 2 0
                                    

Leigh:

Ayoko talagang maniwala.

Kaya ikaw na mismo ang tinanong ko.

Neil:

Totoo 'yon. I mean, iba 'yong pinili niya.

At itinigil ko na rin kasi.

Leigh:

Huh?

Weh? Paano?

Sino?

Itinigil ang alin?

Neil:

Itigil ko na ang panliligaw kay Denice.

Leigh:

Huh?

Bakit naman?

What do you mean? Okay naman kayo, a? Baʼt biglang ganoʼn?

Neil:

Remember 'yong guy na sinasabi ko sa 'yo? Siya ang pinili ni Denice.

Nakita ko mismo kung paano sila mag-usap na dalawa. Sobrang sweet pa nga nila sa isaʼt isa, e.

Leigh:

Wait? Pakilinaw nga?

Baʼt mo naman itigil kaagad?

Ang alam ko, sweet naman talaga si Denice sa ibang tao, a? Baka gano'n lang din siya sa guy na 'yon?

Baka nag conclude ka lang kaagad? 🤧

Neil:

Sana nga ganoʼn lang pero sinampal niya mismo sa akin ang katotohanan, e. Sinabi niya sa aking tumigil na ako sa panliligaw sa kaniya dahil sila na raw ng guy na gusto niya. HAHA.

Nasabi ko naman sa 'yong wala akong pag-asa. Kaya sinabi niya sa aking kalimutan ko na siya.

Pero paano? Paano ko itigil at sabihin sa litsing pusong 'to na wala na? Na tumigil na sa pagtikbo para sa kaniya kasi may pinili na si Denice at hindi ako 'yon.

Na 'wag nang umasa sa kaniya kasi may iba na 'yon, e.

Pero yawa. Ang hirap pala utusan. Ang hirap magpanggap na okay lang.

Okay lang na makita ko silang magkasama. Magka-holding hands at isampal lalo sa aking mahal nila ang isaʼt isa at bagay silang dalawa.

At ako panira lang. Audience lang. Ginawang pampalipas oras.

Ganoʼn lang ba kadali sa kaniya para gamin sa akin 'to at sabihin 'yon?

Potangina! Almost two years akong nanligaw! Pero binalewala niya lang lahat ng effort, oras at pagmamahal ko.

Ang daming tanong na gusto kong itanong, Leigh. Pero hindi ko man lang matanong.

Hindi pa ba ako sapat sa kaniya?!

Binigay ko naman lahat, a?

Tell me, Leigh. May kulang ba sa akin? 'Di ba ko sapat para mahalin?!

Leigh:

You're enough, Neil.

Sobrang worth it mo mahalin.

Sorry to say this, pero ang tanga naman kung 'di niya makita 'yon.

Kasi ako, kitang-kita ko 'yon.

Ikaw 'yong klase ng lalaking pangarap ng marami. Kaya hindi mo kawalan.

Huwag mong i-question ang worth mo. Because you are more than enough sa kahit sinong babae.

Neil:

Then why?

Bakit mas pinili niya pa rin ang gagong 'yon?!

Ang sakit... Sobra.

May nanliligaw na pala sa kaniyang iba. Tapos 'di niya man lang sinabi sa akin?!

Before niya kong sabihan, kung kailan sinagot niya na?!

Gano'n niya ba balewalain ang presence ko?

HAHAHAHAA

Nakakatawang buhay 'to. Yswa!

Leigh:

Kalma ka muna...

Neil:

Paano kumalma? Pinagsabay niya kami, Leigh!

Tanggap ko pa sana kung bago siya nag-entertain ng iba, kung pinatigil niya na ko pero hindi, e! Hindi!

Leigh:

Maybe...

She have a reason din?

Huwag kang mag conclude kaagad.

Neil:

Putanginang reason!

'Yan naman laging dinadahilan, e?!

Nakakasawa na pakinggan.

Nakakasawa nang intindihin ang ganyang reason.

Palagi na lang talaga akong iniiwan.

Pagod na ako.

Pagod na pagod na!

Unloving Him ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon