Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko siyang nakatayo sa gitna ng court.
Marcus just stood out.
At ano ang ginagawa nito dito?!
Everybody was trying to talk to him. And he just smiled.
Pupusta akong wala naman itong naiintindihan.
"Anong ginagawa niya dito?" Napalingon ako kay Jesse.
"Hesusmaryosep."
"Ha?" Tanong ko.
"Para kang nakakita ng aparisyon."
Umiling ako. "Higit pa sa aparisyon." I'm dead. I'm totally dead. "Jesse." Nagmake face ako. Ngumisi ito.
Fuck. Fuck. Fuck.
"You go girl. Galingan mo ang giling at nandyan ang lover boy mo."
Inirapan ko ito. What was Marcus doing here?!
Pinagpapawisan yung kamay ko. He would see me dance. I bit my lower lip. Well, matagal na ata talaga akong hindi nakakadaan sa simbahan. It seemed God hadn't been on my side lately.
Wala naman akong problemang magsayaw. I love dancing. Naging therapy ko ito at way para mag-lose ako ng weight and most importantly, to gain my confidence and self-esteem.
Bumuga ako ng malakas na hininga. Pumikit ako at nag-inhale at exhale. Tinawag na ang pangalan naming mga teachers at nag-line up sa labas. I mustered a smile. Siniko ko si Jesse na nakangisi sa akin.
"Baka maihi ka dyan."
Inirapan ko ulit ito. Marcus doesn't care. I don't care either. So what kung nandito siya. So what kung siya ang representative ni Mayor De Dios ngayong Foundation day.
Maraming so what.
Pero namamawis ang mga kamay ko.
Nakangiti ang Mommy sa stage. Nandito ang mga principals ng school. Principal ng High School at Middle school ang Mommy. A few of her co-teachers smiled at me. Lalo na yung mga ka-close ng Mommy na nasa dinner party nung isang linggo ng makita nila si Marcus.
The engagement was supposed to be low-key.
Naunang natapos kanina ang flag ceremony at mga sumunod na programs. Nag-folk dance ang middle school. May representative ng tinikling sa highschool.
At tinawagan ako para manguna sa mga elementary students na sumayaw ng Pantropiko ng sikat na Bini ngayon.
Napamura ako sa utak ko.
"Go Teacher Sarah G!" Tili ni Jesse. Nagpalakpakan ang matatandang mga co-teachers namin. Ngumiti ako. Iniiwas ko ang tingin sa lalaking nakaupo sa stage. Ni ayokong makita ang expression niya.
Baka tumakbo ako at di na bumalik sa bayang ito.
Minumura ko na sa utak ko si Jesse. Sinamaan ko ito ng tingin at ngumiti habang naglalakad sa unahan ng mga nakapilang Elementary students.
Bakit nga ba pumayag ako sa suggestions ng mga ito na ako ang mag-turo at mag-lead sa mga kinder, prep, grade 1 and 2 na students na sumayaw?
Nasa ground kami at nakaharap sa stage. Nakaupo ang mga bisitang pandangal doon at nakaharap naman sa amin.
Lord, save me.
Huminga ako ng malalim at nagsimula ng umindayog ang katawan ko sa tugtog. Halfway, nawala na sa loob ko ang lahat at nag-eenjoy na ako sa sayaw. Humarap ako sa mga bata at ngumiti ng makita ang enthusiasm sa galaw ng mga ito kahit hindi in sync. Pero nakakahawa ang saya sa mga mata nito. Meron ding mga napipilitan lang at lalo kong ikinatawa iyon habang nagsasayaw.

BINABASA MO ANG
The Love That Isn't Mine
RomantikNicole- or Nic felt ugly as a teenager. Mataba at madami siyang pimples. And she felt like hiding from the world when one day, something took a turn and she needed saving from the world. Marcus-she was Nic's hero. He was the town Mayor's famous and...