VI. Mood Swings

59 6 5
                                    

Nagsimula na ang pagpaparamdam ng pamilya De Dios for the upcoming election.

"Mukhang malakas ang kalaban ngayon ni Carlos." Sabi ni Daddy habang nagbabasa ng local newspaper.

Naglagay ng pinggan ng binalatang slices ng mansanas at peras ang Mommy sa coffee table.

"Anak, kinausap ako ni Silve. Isasama ka daw nila sa pagpunta sa mga ilang na barangay para magbigay ng mga libreng libro at gamot."

Tumango ako kay Mommy at kumuha ng mansanas sa plato. "Magkausap kami ni Marcus kahapon."

Tinawagan niya ako kahapon at sinabi ang upcoming activities ng Daddy nito— na involve kami ni Marcus.

"Malakas ang kalaban sa Mayoralty?"

"Yes, sweetheart. Carlos has to plant seeds with the people as early as now."

Nakatitig lang ako sa mga ito habang nakikinig.

Plant seeds huh.

"Kelangan pa ba ng Daddy ni Marcus iyon, Dad? The people knew them since... you were even kids."

"He's your tito Carlos now, sweety." Diin ni Mommy.

"Oh. Sorry." Hindi ako komportable doon.

"And soon to be my balae." Daddy beamed.

Napangiwi ako doon.

Bukod sa isang okasyon ko palang ito nakikita... ay I doubt if magiging future father-in-law ko ito. Which my parents didn't know.

"Hindi ganon kadali iyon, sweetheart. Marami ng nagbago. And some people want change. They want to see new leaders. And there are many new families that are now living in San Isidro."

Dahil sa pandemic ay maraming nag-acquire ng lupa sa San Isidro. This place was a cross between paradise and a growing economical geography.
Napatango ako. "So, this General?"

"Muhang mahigpit na makakalaban ni Carlos."

"Hindi mga taal na tagarito ang pamilya ni General Topher. Retired na sundalo. Matatanda na din ang mga anak at balita ko yung isa ay piloto at yung isa ay sundalo din." Ang sabi ng Mommy.

Napatango lang ako.

"Sino sa tingin niyo ang mananalo, Dad?"

Nagkatinginan ang mag-asawa. Magkaklase ang Daddy at si Mayor Carlos nung mga kabataan nito. Tumunog ang cellphone ko at nag-excuse ako sa mga magulang ko.

"Hello, Jesse?"

"Pupunta ka bang Anilao mamaya para sa free diving mo?"

"Yup. Why?"

"Pupunta din ng Anilao si Alice. Kasama si tito Armand. Baka gusto mong sabihin sa lover boy mo."

Natigilan ako doon.

"Naduduwag ka na ba, Rizal?"

"Shut up, Jesse."

"Ewan ko ba sayo, Nic. You're setting yourself up for heartache."

Lumingon ako sa mga magulang. Naguusap ang mga ito at nagtatawanan. I wanted to have that kind of magical feeling with someone special. That magical feeling that would last until we grow old together.

But reality wasn't that kind. Not everybody's lucky.

Not mine anyway.


***


"Nasan si Marcus?" Tanong ko kay Jesse ng makasalubong ko ito na pupungas pungas pa at halatang bagong gising. Napilit ko itong sumama at mag-drive ng hapon kahapon.

The Love That Isn't MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon