XII. The Tormentor

53 8 4
                                    

Siguro kung nakakasunog lang ang tingin, natusta na ang likod ni Marcus. How could he have said that without thought?!

Sus, kinilig ka naman Nic.

Napailing ako sa sarili ko.

Nasa bahay na kami ngayon ng matandang Chavez. Isa ito sa mga kauna-unahang Mayor ng San Isidro bago umakyat sa politika hanggang sa naging Senador. He and his remaining family here were still respected by the whole community. Kung sinuman ang sinusuportahan nito sa eleksyon ay sure win sa bayang ito.

The Pastor's side and Mayor Carlos's were both invited.

Malaki ang bahay ni Sen. Chavez at may malawak na harapan iyon. May nilagay silang malaking platform na parang makeshift stage para sa party.

Nagulat ako ng makita ko si Ino doon.

"Muntik ko ng makalimutan na magkaibigan pa tayo." Sabi ko dito. Hindi ito nagpaparamdam lately. We got used to Ino's hibernation from time to time lalo na nung tumuntong na kami ng twenties. Pero lately, we hadn't been seeing him.

Ngumiti ito. "Sorry. Been busy lately."

"Busy saan?" Ito ang naghahawak ng pawnshop business ng pamilya nito pero mahilig ang lalaki sa paintings at pangarap nito sanang maging pintor. But that just became a dream.

"Ikaw nga itong busy—" Natigilan ito at mabilis na tumalikod.

"Huy." Kurot ko sa likod nito. "Anong meron?"

Hinawakan nito ang siko ko at sabay kaming tumalikod.

"Can we get out of here?"

"Why?" Nagtatakang tanong ko.

"Wag ka ng lumingon."

Naguguluhang tinitigan ko ito. "May malaki ka bang utang?"

"Don't be ridiculous."

"Wow. Ridiculous? Sino kaya sating dalawa?" At tinitigan ko pa ito habang palinga-linga ito.

Nanlaki ang mga mata nito. At sinundan ko kung saan ito nakatingin. And I heard him swore. Na ikinabigla ko.

Ino, my friend the gentle soul.

Naningkit ang mga mata ko ng halos pakaladkad ako nitong hinila sa kabilang direksyon. Sa kabilang direksyon ni... napabuka ang bibig ko bago nag-register sa akin.

"Oh my God, Ino. Si Gabby?"

"Shit. Ang ingay mo naman, Nic. Ssshhh." Sabi nito na hinihila ako palayo doon.

Mabilis na dumiretso ako. "Ano na namang ginawa ng demonyitang yun sayo?"

Nabigla ito. "Wala siyang... ginawa." Mabagal na sabi nito.

"Kung wala siyang ginawa e ano?"

"Ah. Basta."

"Hi Gabby."

"Fuck." Nakapikit si Ino na nakatalikod. Napatango-tango ako.

I smell something fishy.

"At kelan naman ako nag-Hi kay Gabby, aber?" Mahina kong sabi dito at dinuro ito sa balikat. "Humarap ka nga sakin, Santino."

Di makapaniwalang tinitigan ako ni Ino ng ma-realize na walang Gabby sa likuran nito. Mukhang nakahinga ito ng maluwag ng makitang nakikipag-usap ang babae sa tito Armand nito at kay General Topher.

Naningkit ang mga mata ko ng humarap na ito sa akin. "Fuck."

Nakatitig lang ako ngayon dito na nakahalukipkip. "Para saan yan?"

The Love That Isn't MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon