XI. Too Late

69 5 5
                                    

Nakatitig ako ngayon kay Mayor Carlos habang nagsasalita ito. Lumingon ito sa aming dalawa ni Marcus.

Shit.

Pati ang ngiti ni Tita Silve ay hindi ko gusto.

Naramdaman ko ang paghawak ni Marcus sa baywang ko. Iiwas ko sana ang sarili pero mahigpit ang pagkakahapit nito ng bumulong ito. "Alam kong galit ka pa din. But you have to pretend otherwise they'll notice that something's off."

Ang lapit ng mga mukha namin ngayon. And Marcus smiled.

Hindi makapaniwalang tinitigan ko ito. I was fuming mad at him while he didn't seem affected. Parang lalo iyong nagningas sa galit ko. Ngumiti ito sa mga tao na napalingon sa amin. Ng mawala na ang atensyon ng mga tao ay mabilis akong lumayo dito. He didn't call me back. I was starting to feel suffocated. Pumunta ako sa likod. Nasa tapat kami ngayon ng munisipyo. At katatapos lang ni Mayor Carlos mamigay ng relief goods at donations sa mga naapektuhan ng baha ng nakaraang linggo.

"Mga kababayan ko, ako po ay nasa harapan niyo para—"

Politics.

Napailing ako. May mga nakakakilala sa akin at nakakangitian ko.

"Siya yung gilfriend ng anak ni Mayor?" Narinig kong bulungan sa gilid ko.

"Oo. Anak ata nila Mrs. Hernandez."

"Teacher din?"

"Ang pogi ni Sir Marcus. Maganda ba?"

"Maputi lang pero medyo malaman..."

"Oo nga, parang mabilog?"

I was tapping my fingers against my pants and counting seconds to stop myself from hyperventilating. And shouting.

Alam kong okay na ako. But sometimes not all the self-love and validation in the world could protect you from the ghost of the past and the monsters in the present. And too much noise.

Wala kang naririnig, Nic. Just stop caring.

"51,52,53,54..."

Nagsimula akong magbilang at humakbang pero maraming tao ang nakaharang na sa dinaanan ko kanina. I couldn't find Marcus in the sea of people. Nagsisimula ng mamasa ang mga kamay ko at magluha ang mga mata ko.

Then I felt a hand grasped my arm. I looked up and I almost cried.

Nakakunot noo ito ngayon sa akin.

"You look pale, sweetheart."

Napalunok lang ako pero kinagat ko ang ibabang labi ko para hindi maiyak. And silent tears fell from my eyes. I was brought back to my nightmare—my young self again. And the egg was in my face. At nagbubulungan ang mga tao.

"Mar—cus..."

Hinawakan nito ang mga pisngi ko. "Look at me, Nic. Focus on me."

Nanlalaki ang mga mata ko pero nanlalabo iyon dahil sa pinipigilang mga luha.

"I'm here. I won't leave you. I'm sorry."

Pero nangangatog pa din ang katawan ko.

And then he bent down and kissed me.

***


Shock was an understatement.

Pagmulat ko ng mga mata ay nakita ko ang pagkabigla din sa mukha ni Marcus.

"Marcus?"

Napalingon kami sa nagsalita. And tita Silve was standing there smiling at us. Hindi ako binitawan ni Marcus but I felt him stiffen. Like he was caught red-handed. Like we were caught doing something bad.

The Love That Isn't MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon