Malungkot na nagkatinginan ang Mommy at ang Daddy. "Carlos lost the race."
Nakatitig lang ako sa TV habang naka-tune in ang mga magulang ko sa local station na nag-announce ng pagkakapanalo ni General Topher. And yes, merong local station ang San Isidro.
"Mommy, about the engagement..."
She softly smiled at me. "Has nothing to do with the election."
Napakunot noo ako.
"Nag-usap pala kami ni Carlos kahapon, manalo matalo we still want our kids to get married." Sabi ng Daddy.
Bumuka ang bibig ko. "Well..."
"Pero iyon ay kung gusto mo lang naman, hija. I take it... okay naman kayo ni Marcus? Based on our observation these past few months, you seem... more than okay."
Lalo akong hindi nakapagsalita. Nakatitig lang ako sa mga ito. The whole De Dios clan must have been devastated. This was the first time in two decades that someone not from their family had been elected as Mayor of San Isidro. And they would get more devastated if they discovered that Marcus is missing... and he's with Alice.
Marahan kong binuksan ang nakakuyom kong palad. Bumaon na pala ang mga kuko ko doon and it draw a little blood. I was feeling a little hurt and a little numb. Just in between.
Pinikit ko ang mga mata ko pag-uwi ko kagabi.
I cried myself to sleep while my heart was breaking into tiny little pieces.
At hindi ko alam kung paano ako nakatulog. It was non-working holiday today. At hindi ako nag-volunteer magbantay ng mga ballots. No one asked. Conflict of interest. Maybe because fiancee ako ng anak ng tumatakbong Mayor.
Tumingin ako sa bintana at gabi na, walang masyadong bituin sa langit. Gabi kaya o araw sa pupuntahan ng mga ito? Fuck. I bit my lower lip to stop my eyes from tearing.
I thought after the "confession" that it would not hurt. Not this much anyway.
Alas syete na ako ng gabi nagising kanina. I didn't feel refreshed. Para akong Zombie na bumangon. Naligo sa shower. At umiyak ulit sa shower.
I tried to put a little concealer on my eyebags. Pero hindi ko pa din maitago ang pamamaga ng mga mata ko. "Had a little celebration?" Tanong ng Mommy pagbaba ko ng hagdan kanina. I smiled a little. "Yeah. We... drank a little." Pagsisinungaling ko. Kumunot ang noo nito pero umiwas na ako ng tingin.
"Are you not going to call Marcus? Kamustahin siya?" Tanong ng Mommy.
"Hindi ko na muna tinawagan si Carlos. Alam ko namang masama pa ang loob nun at ayokong makadagdag. Kung matatawagan mo si Marcus, pakikamusta ang tatay niya." Genuine ang concern ni Daddy para sa kababata nito.
Tumango ako.
Tumayo ang mga ito at nag-decide ng pumunta sa labas para magpahingin. May dalang dalawang tasa ng kape ang Daddy. It was their usual siesta pagmagkasama sila dito sa bahay at walang pasok.
"Daddy..."
Napalingon ito sa akin. Bumuka yung bibig ko para sabihing wala ng engagement. I couldn't even call Marcus anymore.
"About the engagement..." I bit my lower lip. Tumigil ito at ganoon din ang Mommy sa paglalakad. "What is it, sweetheart? Are you okay?" Tanong nito.
"Marcus and I..."
Pareho itong nakatitig na ngayon sa akin.
"We're not really in love. We are..."
"Getting to know each other?" Sabi ng Mommy. "Or..." She trailed and looked at me.
![](https://img.wattpad.com/cover/372770791-288-k600168.jpg)
BINABASA MO ANG
The Love That Isn't Mine
RomanceNicole- or Nic felt ugly as a teenager. Mataba at madami siyang pimples. And she felt like hiding from the world when one day, something took a turn and she needed saving from the world. Marcus-she was Nic's hero. He was the town Mayor's famous and...