Chapter 1: Hi?

6 0 0
                                    


Isa sa masyadong big deal sa college ang pagpili ng organization. Mga kaklase ko nakapag decide na ng sasalihan nilang organization pati ang mga professors ko nagpaparinig na may plus na makukuha kung may organization. Para sa akin okay naman siya kaso ako na undecided at takot makipag socialize sobrang bago nito sa akin tapos wala pa nga akong org kung ano-ano na naiisip ko na sana makita ko ulit siya! Speaking of!!! Sikat agad si ate girl kasi iba nga kasi mukha niya sobrang ganda at ang mga ganung mukha ay masyadong lapitin sa Pilipinas.

"M! Ano na pala nasalihan mong organization" Tanong ng best friend kong si Avy.

"Wala pa undecided pa" sabi ko dito habang kumakain ng lunch ko.
"M! Alam mo na ba yung balita about dun sa section C" tsismis niya agad. Kilala ko na tinutukoy niya si banyo girl!

"Yeah! Baka naman bebe kilala mo siya?" alam ko naman na interesado talaga ako sa kanya.

"Syempre bebe hindi pa! Hindi ko pa close mga kaklase ko parang may mga attitude, mga mayayaman kasi" kwento pa nito.

Hindi naman kasi kami mayaman ni Avy, Galing lang kami sa saktong pamilya na kumakain ng tatlong beses sa isang araw at galing kami sa isang Public School. Kaya sobrang bago sa amin ng ganitong surrounding, but we are still thankful kasi nakapasa kami.

"Ako meron naman ng nakakausap ni Lay, yun lang iba pa rin kayo ni Errol" sabi ko dito. "Nakakamiss! Sana high school na lang ulit tayo" dagdag ko pang pagsabi dito.

"Tama ka diyan bebe ako din namimiss ko na pati si Errol" malungkot na sabi nito.


"Tara na balik na tayo tapos na lunch, sana sabay ulit yung sched natin bukas para may kasabay ako mag lunch saka umuwi" sabi ko dito.

"Ay bebe hindi eh, bukas 11am lunch naming mauuna ako sayo" sabi nito.

"okay, okay! Nakakasad naman huhu" pag-iinarte ko pa.

Lumakad na kami naghiwalay na kami ng lalakaran kasi siya sa baba lang klase nila ako aakyat pa sa taas. Naiihi pa ako! Nakita ko maraming nakapila sa CR ng mga babae dito sa second floor kaya agada ko umakyat sa third floor, masaya talaga mag CR dito kahit creepy ang tatahimik kasi ng mga estudyante mga Fine Arts ata ito saka mga Architect di ko rin sure eh. Agad akong pumasok sa loob ng CR ng biglang kumabog ng mabilis ang puso ko dahil Nakita ko siyang nanalamin. Napansin ata niyang may pumasok kaya napatingin siya sa side ko. Mas lalo atang lumakas kabog ng dibdib ko nung ngumiti siya papalapit sa akin at tinanguan ako ang ganda niya para akong nalulusaw na yelo. Ako naman itong si tanga na natulala kahit ngiti ata di ko nagawa. Nakalagpas na siya doon pa lang ako natauhan at nagmamadaling umihi. Di ko alam kung saan ako kinikilig sa ihi ko ba o sa pag ngiti niya sa akin kanina. Ano kayang pangalan niya? Masaya ako na nalaman kong section C pala siya. Tamang-tama ako B siya C ano kaya schedule nila. Nagmamadali ako magtaas ng pants mag 1pm na pala!

Pagdating ko sa classroom may dalang brochure si Lay binigay niya sa akin. Agad kong tiningnan mga listahan ng organization. Ito na naman undecided ako!

"M! Sasali kami nila Ivory sa organization na ito" sabi ni Lay.

"Ako undecided pa, thanks pala dito sa brochure, makakapili na ako" nagkwekwentuhan pa kami ni Lay ng pumasok na yung professor namin na babae na sinasabing siya ang dean.


Wala ako sa sarili ko sa mga oras na ito iniisip ko pa rin yung babaeng nasa banyo, bakit kaya lagi kami nagkikita ito ba ang tinatawag na destiny? Tama na Mika! Masyado kong pinapakilig ang sarili ko baka maihi lang ako! Natapos ang klase na wala akong naiintindihan bigla pang nagpa quiz! Bwisit na yan! Hingian pa kami ng papel! Buti na lang palagi akong ready! Ang laki pa naman ng bag ko tapos mawaawalan ng laman? Naglabas na ako ng papel at namigay na parang kandidato! Akala mo naman mga close ko na itong kaklase ko. Nag start na ang quiz wala akong maisagot, buti na lang mababait katabi ko nagpapamigay ng sagot at puro pa tama.

"Bilisan niyo baka mahuli tayo ni dean" sabi nung isa kong kaklase na pula ang buhok.

"Wait ibaba mo konti di ko makita" sabi naman nung isa niyang katabi.

Natapos ang klase! Na survive ko yung quiz sa wakas! Paglabas ko ng classroom pupunta na ako sa next class ko ng bigla na naman bumagal ang ikot ng mundo ko ng makita ko siya sa may upuan kausap yung mga kaklase niya. Sila na pala yung sunod na magkakaklase kay dean. Bumilis ang tibok ng puso ko lalo nung napatingin siya sa pinaroroonan ko at ngumiti, di ko alam pero ako na naman itong wala sa sarili na kumaway. Mas lalo ata akong sumaya nung kumaway din siya sa akin.

"M tara na" tawag sa akin ni Lay.

Nag isang tanaw pa ako kay banyo girl bago ako sumunod kay Lay para sa next class namin. Kaso wala yung isa naming prof kaya ito nakatambay lang kami sa baba. Iniisip ko na naman yung kukumpleto ng college ko. Napatingin ako sa taas nandoon siya nakatingin sa akin ang lakas na naman ng tibok ng puso ko baka atakihin ako sa kanya sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Wala silang prof sabi nung mayor naming sa classroom may meeting daw ang mga prof kasama si dean. Kaya pala kumaway siya sa akin ako din kumaway tapos Nawala lang yung atensyon ko sa kanya ng may magsalita na babaeng may hawak ng speaker at phone. Nanaawagan na sumali sa organization nila, rainbow community. Ito yung organization na gusto ko! Agad ako nag chat kay Avy about sa narinig ko or baka narinig niya din. Matagal na namin itong gusto ang makasali sa kabaklaan. Panahon na para magladlad ngayong college!

"M!" tinatawag na ako ni Lay.

"Yes?" umayos na ako ng upo.

"M, wala na daw klase sabi ni mayora pwede ng umuwi" sabi nito.

Sobrang saya ng naramdaman ko agad ako nag chat kay Avy na magkita kami sa circle garden kasi doon daw meeting doon sa Rainbow Organization. Sabi niya mauna na daw ako kasi kinakausap pa sila ng mayor nila dahil may pinaiwan daw na Gawain si dean. Kaya umupo muna ako sa upuan ng may tumabi sa akin pamilyar yung amoy. Pag-angat ng tingin ko di nga ako nagkakamali siya nga! Naka ngiti na siya sa akin, di ko alam kung dapat ba mahangin sa buwan na ito bakit ang lakas ng hangin?

"Hi!" sabi niya. Di ko alam bakit ang init ng nararamdaman ko, na ang bilis ng tibok ng puso ko na marinig ko ulit ang boses niya.

"Hi?" nahihiya pang sabi ko dito. Di ko alam kung naramdaman niya ba yung konting paglayo ko kasi baka mamaya marinig niya yung kabog ng dibdib ko.

"Masscom ka din?" Tanong niya with matching smile pa. Wag kang ngumiti ng ganyan nalulusaw ako.

"Yeah" Nawala ata kadaldalan ko sa tao na ito.

"My name is Bernadette Briar, Bree na lang" sabi nito.

Parallel (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon