Chapter 5: The reality

1 0 0
                                        

Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko, agad ko itong pinatay at tumingin sa kawalan. Bumangon ako at kinuha ang laptop ko. Nagsuot ako ng anti-radiation kong salamin at nag backread sa huli kong sinulat. Tumulo na lang bigla ang luha ko at pinatugtog ang kantang heaven by your side habang bumuntong hininga.


"September 13, 2019, 18 years old ako nung mabuo kita sa isip ko...Bree" sabi ko sa sarili ko. Buti na lang sabado ngayon, walang pasok makakapag muni ako. Sinarado ko muna ang laptop ko at bumaba para magtimpla ng kape, sinalubong naman ako ng dalawa kong pusa. Agad ko silang pinakain at nag-iisip ng susunod na kabanata.

Sa aking realidad hindi ka totoo Bree, gawa ka lamang ng malikha kong pag-iisip pero gusto kong ibalik ang college kung saan kasama kita at naging masaya tayo, gusto ko gumawa ng mundo na totoo ka at kasama kita kaya tatapusin ko ang libro na ito. Hindi ko man maramdaman sa totoong mundo ang tunay na pagmamahal na pinagkakait sa akin atleast kahit papaano sa librong ito naging masaya tayo, naging totoo ang imagination ko nung college. Kung sakaling totoo ka, baka hindi na ako nasasaktan ng paulit-ulit ng mga taong nakakarelasyon ko hindi sana ako ganito ngayon. Baliw ba ako dahil sobrang mahal kita? Kahit alam kong never kang magiging totoo pero sobrang minamahal pa rin kita alam ko kung nandito ka hindi na nila ako masasaktan at mapaglalaruan dahil ikaw lang ang buhay ko at ako din ang magiging buhay mo. Nagising na lang ako sa pagmumuni ng kumatok si mama.

"Nak" tawag sa akin ni mama.

"Bakit po ma?" agad kong sagot.

"Ano daw gusto mong ulam" tanong nito.

"Kahit ano po mama" sagot ko nagsang-ayon lang siya bago niya ako ulit iniwan mag-isa.

Malapit na birthday ko, iisipin ko na naman na gusto ko siyang kasama, na sana nandito siya mag celebrate kasama ko, hays simula ata nung nag 19 ako palagi ko na lang naiimagine sa gabi na binabati niya ako, at ngayon mag 23 na ako ganun pa rin ata gagawin ko pero ayos lang doon ako masaya eh. Si Bree ang kasiyahan ko, kaya isang malaking unfair kapag makipag relasyon ako kasi hindi na mawawala pa si Bree sa utak ko at sa puso ko kasi kahit hindi siya nag-eexist siya pa rin. Ang lungkot sa mundong walang Bree, kaya ikaw Mm diyan sa libro, diyan ka na lang dahil masaya diyan kasama mo siya. Muli kong binuksan ang laptop at ang kamay ko at nag start na muling mag type. To my universe, ito ang pinaka mahabang love letter na gagawin ko para sayo asawa ko.

Parallel (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon