1st year college, hirap akong makipag socialize sa mga tao? Bakit grabe ang kaba ko? Hindi naman bago sa akin ang pag-aaral at ang unang araw ng pasukan. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Naalala ko nung enrollment yung pag-uusap ng mga katabi ko may multo daw sa banyo na ito dahil ito ang pinaka matandang building sa university. Pero wala na akong magagwa dito ako dinala ng paa ko. Para akong naiiyak bakit ba kasi ang hina ng loob ko eh Leo naman ang sign ko.
"Excuse Me"
Napitlag ako sa babaeng nagsalita sa tabi ko. Pero mas lumakas ata ang tibok ng puso ko nung Nakita ko ang mukha niya. Hindi dahil sa mukha siyang multo o isa siyang multo kasi para akong nakakita ng isang anghel na bumaba sa lupa para kausapin ako. Ang ganda niya mukha siyang may lahi pero di naman siya ganun kaputi, ang brown ng mga mata niya, ang ganda ng hibla ng buhok niya na medyo may pagka highlight na brown din. Isa pa sa nagpakaba sa akin baka English lang salita niya.
"Ahm Excuse, alam niyo po yung..."
Nabingi na ako di ko na alam ang mga sunod niyang sinabi, bukod sa nakakatulala yung ganda niya. Natulala na din ako dahil nagtatagalog pala siya. Wala ako sa sarili ko na nagsabi ng "thank you". Tumawa siya ang ganda niya, ang ganda ng ngipin niya sana all!
"1st year ka rin siguro" salita niya pa, ako para akong naputulan ng dila. Di ako makapagsalita daig ko pa ata nakakita ng multo. Pero mas pipiliin ko na atang mag CR dito palagi kung ganito kaganda yung makikita ko sa building na ito. Bumalik na lang ako sa mundo ko nung Nakita ko siyang lumbas ng banyo. Doon lang ata ako bumalik sa ulirat.
"Gosh Mika!" saad ko sa sarili ko agad ako lumabas ng banyo at bumalik sa magiging classroom namin. Kanina konti lang kami ngayon sobrang dami na namin. Nakikita ko na yung mga magiging kaklse ko grabe ang gaganda nila saka mukhang dalaga na talaga ako mukhang napag iwanan pa rin sa high school.
"M! Tara na" sabi sa akin ni Lay, si Lay siya yung kabatch ko nung high school na kaklase ko ngayon. Tahimik lang siya and same kami na hindi pala ayos sa sarili, natutuwa ako mukhang may magiging circle na ako.
Pero napatigil ako kasi yung babae kanina sa banyo, Nakita ko same building kami hindi kaya same course din kami? Napatigil ako kasi napatingin din siya sa akin at ngumiti. Putik mukhang magiging exciting ang aking college!

BINABASA MO ANG
Parallel (GXG)
RomanceHindi ko kayang gawin kang totoo, pero naniniwala ako sa ibang buhay, na baka nga totoo ang "PARALLEL UNIVERSE" na baka totoo, na baka nandoon tayo masaya tayo, na totoo na may tayo. Pero sa pamamagitan ng librong ito magiging totoo ka na my moon, m...