Chapter 3: Midterm

3 0 0
                                        

Ang bilis ng panahon usapang midterm na! Kinakabahan ako kasi first time ko lang mapressure ng ganito sa exam. Iba ka talaga college hindi ito kagaya dati nung high school chill lang tapos kopyahan pa kahit mga final exam. Di kagaya dito sa college ang susungit pa ng mga professor akala mo mga hindi naging estudyante.

"Hello Baby!" masayang bati sa akin ng nagpapasaya ng buhay ko. Hays kapag talaga ako nagkasakit sa puso kasalanan nito laging pinapatibok ang puso ko ng sobrang lala.

"Hi baby, hindi ka ba na prepressure sa exam?" tanong ko dito. Agad siyang yumakap sa akin, okay lang nasa kwarto naman kami.

"Hmmm, hindi po beside kaya naman natin yun naniniwala ako dun" nakatingi pa na sabi na parang hindi nauubusan ng pagiging positive sa katawan. Nasabi ko na rin na ba ubod din siya ng talino parang lahat na ng biyaya ni Lord kinuha na niya. Hakot award ang peg!

"Hays nasasabi mo lang yan dahil ubod ka ng talino" sabi ko pa dito, para akong nanghihina kapag naiisip ko ang midterm.

"Baby tumingin ka sa akin" kinuha niya yung mukha ko tapos sapilitan na pinatitig sa kanya kung totoo lang yung pag nosebleed sa mukha kagaya ni sunako nakahara kada may nakikitang magandang nilalang nagawa ko na sobrang nakakasilaw ang kagandahan niya!

"Baby, wag kang mag-aalala sabay tayong mag review at sabay tayong papasa okay?" sabi nito sabay pakawala ng magandang ngiti. Agad naman ako napatango natulala na lang ako sa kagandahan niya pwede bang pasampal ako ng malakas hindi ako makapaniwala na patay na patay sa akin ang babae na ito.

"By the way Bree, hindi ito about sa exam pero, bakit mo ko nagustuhan wala namang special sa akin, hindi naman ako ganun kaganda tapos ang taba taba ko pa! Sobrang negative pa at mahina ang loob, di ko alam kung ano meron ako bakit ako yung nagustuhan mo?"seryosong tanong ko dito. Nagulat ako at kumabog ng mabilis ang puso ko ng hawakan niya ako sa kamay at tumitig ng maiigi sa mga mata ko.

"Mm ko, Nung unang beses kitang nakita alam kong may iba na akong naramdaman na connection sayo, iba ka sa mga nakilala ko, sobrang cute mong kasama at funny, at mas lalo akong nahuhulog sayo nung nakita ko yung sobrang kulit mong side, sobrang lambing, sobrang mapagmahal na hindi mo pinapakita sa iba, beside para sa akin ikaw lang yung pinaka maganda, pinaka gwapo, pinaka cute, at pinaka sexy na babae sa mundo, and it wasn't about the physical attraction, it was about the connection we shared baby" sabi niyo sabay hawak sa pisngi ko at mas lalong nagwala ang puso ko ng ilapit niya ang noo niya sa noo ko sobrang lapit namin sa isa't isa nakakahiyang huminga baka mabahuan pa siya sa hininga ko.

"You are my everything Mm, always and forever" bulong niya, mamatay na ako sa kilig ang bango pa ng hininga nakakaadik! Ngumiti lang siya ulit at nilayo niya ulo niya.

"Cute mo mag blush baby" pang-aasar pa niya di na nga ako makakibo sa sobrang kilig!

"Hays! Bakit kasi ganyan ka grabe papatayin mo ko sa kilig!" sabi ko dito at niyakap ko na lang siya.

"Wag kang mawawala sa akin Bree ah? Promise me baby?" paglalambing ko dito.

"Promise never" sincere niyang sabi.

Ano bang nagawa ko at meron akong kagaya niya! Sobrang swerte para akong naka jackpot! Kung sakali talaga, Kagaya ni Bree ang pangarap kom kahit saang buhay palaging siya ang hihilingin kong makasama kahit sa buhay na hindi siya nag exist, mas pipiliin kong mabuhay sa fantasy as long na kasama ko siya.

Iniisip ko lately ang saya ko tapos ito na next week na ang tinatawag ng mga college na hell week tapos ang mga prof ko parang hindi pa natatapos magpagawa ng mga activities and performances which is ang hirap mag focus sa pag review grabe talaga! Buti na lang may nagpapasaya sa akin, buti na lang nandyaan siya.

Parallel (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon