Itong araw na ito masama ang pakiramdam ko, di ko alam kung bakit siguro dahil malapit na birthday ko, Birth month ko na kasi eh. Pero dati hindi naman ako ganito eh. Gustong gusto ko talaga pumasok kasi si Bree sabay na kami umuuwi kahit di nagtutugma schedule naming naghahantayan kaming dalawa kaya kahit masama pakiramdam ko gusto kong pumasok. Baka kasi mamaya kung sino-sino lang titingin sa kanya! Ay wow! Feeling girlfriend naman!
"Hello Mm, may naghahanap sayo" tawag sa akin ni Lay habang ako ay nanaginip ng gasing sa upuan, agad kong tinanggal yung headset ko.
"Yes sino?" tanong ko dito.
"Hi, Good Morning" lumiwanag agad yung mukha ko ng makita ko yung taong kumukumpleto ng mundo ko.
"Bree, good morning" bati ko agad dito,
"Ahm, medyo malate kasi ako makakauwi ngayon, ayaw ko naman maghintay ka ng sobrang tagal kasi may meeting daw kami ngayon sabi ni Georgia, pero kung mahihintay mo ko mas okay" sabi nito na parang nag puppy eyes.
"Hihintayin kita" sabi ko agad. Agad naman lumiwanag yung mukha niya.
"Yehey thank you!" masayang bati nito. "Ahm by the way, nag bake ako ng waffle para sayo" sabi niya, sabay kuha sa kamay ko inabot niya yung waffle na nakalagay sa plastic, bigla akong parang maiihi sa kilig.
"Ahm, ano, thank you Bree" parang ewan na sabi ko na nauutal pa. Ngumiti lang siya sa akin sabay babye.
Gasteg kinikilig ako! Iba tingin ng mga kaklase ko na parang nagtatanong kung bakit ganun yung crush ng campus kinausap ako at binigyan ako ng waffle! Agada ko nag chat kay Avy at pinakita yung waffle na galing kay crush slash love of my life. Thank you Lord talaga!
Nung natapos ang klase nagmamadali akong lumabas ng classroom para makipag tsismisan kay Avy buti na lang tugma na naman schedule namin!
"Bebe!" tawag ko kay Avy naka upo na dito sa spot namin.
"Ano bebe! Alam mo ba nakarating na sa amin na binigyan ka daw nung Bree ng waffle ikaw ah bebe bakit di ka nagkwento close na pala kayo nun!" sabi nito.
"Pasensiya na bebe, hmm nag-umpisa nung sa sumali ako sa rainbow org dito sa campus then yun na nga masaya siyang kausap saka sobrang bait at nakakagaan talaga ng loob" pagkwento ko pa dito.
"So totoo nga yung tsismis na nagsasabay kayong umuwi?" tanong nito.
"Yes bebe" sagot ko na parang kilig na kilig.
"Teka bebe bakit parang na tsismis na agad kami" parang nagtataka pa na sabi ko.
"Syempre bebe, alam mo naman yung ganda nun kakaiba madami talagang magkakagusto dun" sabi nito. "Kaya ikaw mag-iingat ka" paalala pa nito.
Bigla akong napaisip Nawala yung kilig ko. Gusto ko lang ng tahimik na buhay at masurvive ang college ko with honors, wala sa plano ko na mapag usapan ng mga kabatch ko. Gusto ko mabuhay ng payapa. Beside tama naman si Avy yung mga ganung pagmumukha hindi bagay sa akin saka madami talagang magkaka interest. Ito na ba yung sign para umiwas. Agad akong nag text kay Bree na hindi ko na siya mahihintay.
"Alam mo bebe di ko gugustuhin na mapag usapan ako saka ang mga ganung mukha parang mas bagay sa Maganda na nilalang kagaya niya" sabi ko dito.
"Pero malay mo naman bebe" natawa na lang ako kay Avy at napagdesiyonan na naming bumalik sa mga next class namin.
Nagulat ako nung uwian na nandoon si Bree sa labas ng classroom namin at lumapit agad sa akin, Nakikita ko yung mga tinginan ng mga kabatch namin pati mga kaklase ko.
"Hindi ba talaga pwede na sabay tayo ngayon?" malungkot na tanong niya, ngayon ko lang siyang Nakita na ganito kalungkot.
"Ahm, ano kasi pinauwi ako ni mama ng maaga, sorry" sabi ko na lang at lumagpas na ako sa kanya, di ko na rin kasi kaya yung tinginan ng mga tao sa paligid namin.
Malungkot akong bumayahe puro sad song ata pinatugtog ko eh hindi naman ako broken. Medyo malungkot lang kasi hindi ko siya kasabay. Saka iba talaga pakiramdam ko ngayon ang sama ng pakiramdam ko. Para talaga akong lalagnatin. Nagulat ako ng may nag chat sa akin. Si Bree pala.
"Ingat ka Mm"- Bree
Nag chat siya with sad emoji. Gasteg namiss ko siya sobra, hays pero okay na din yun ayaw ko lang talaga na nasa spotlight ako ng mga mata ng mga tao sa paligid namin. Kinabukasan dumating na yung kinakatakutan ko nagkalagnat nga ako. Putik talaga may quiz pa naman kami sa isa naming major subject. Nagulat ako na may text sa akin si Bree ulit di ko na siya kasi nireplyan.
BINABASA MO ANG
Parallel (GXG)
Любовные романыHindi ko kayang gawin kang totoo, pero naniniwala ako sa ibang buhay, na baka nga totoo ang "PARALLEL UNIVERSE" na baka totoo, na baka nandoon tayo masaya tayo, na totoo na may tayo. Pero sa pamamagitan ng librong ito magiging totoo ka na my moon, m...