Umiiyak na hinaplos ni Perry ang natutulog na kaibigan. Awang-awa na siya rito she can't believe na umabot sa puntong saktan ng kaibigan ang sarili nito.“ Tally, are yo—”nabitawan ni Perry ang hawak nitong towel nang makita ang kaibigan, mabilis itong tumakbo sa gawi ni Crystal at agad na inagaw ang cutter na hawak nito ngunit huli na ito dahil bago pa man siya makalapit umaagos na ang dugo sa pulsuhan ng kaibigan na ikinataranta niya.
“ God! Tally… ano bang nangyayari sa'yo?!” pag-alalang tanong niya sa tulalang kaibigan habang ginagamot nito ang hiwa ng cutter sa pulsuhan nito.
“ Tally…” nabigla ang dalaga nang yakapin siya ng kaibigan at humahagulhol ito sa balikat niya.
“ I-I hate them, t-they hurt me like this!” umiiyak na saad nito habang nakayakap pa rin sa kanya.
“ I hate them to, Galit ako sa kanila dahil sinaktan ka nila ng ganito. Wala silang karapatan para saktan ka ng ganito.” she responded at niyakap ang kaibigan.
“ H-he message m-me,” may galit sa boses nitong sabi.
“ S-sabi n-nung babae ka-kaya daw kami iniwan ng walang kwenta kong ama d-dahil hindi naman daw niya mahal ang mama ko. Ang kapal ng mukha niya ni hindi manlang siya nahiya sa mama ko pagkatapos alagaan ng mama ko ang mga anak niya habang tina-trabaho niya na pala ang g*go kong ama!!” kumawala ang kaibigan sa yakap niya na ikinaalerto niya dahil ang mata nito nakatingin sa cutter na nasa mesa.
“ Don't worry hindi ko gagawin ulit ’yon.” kapagkuwang sabi nito umiling siya bilang hindi pagsang-ayon sa sinabi ng kaibigan sa sitwasyon nito ngayon possible na gagawin at gagawin nito ang ginawa niya sa sarili.
“ Alam mo ba ang pinakamasakit? Hindi itong hiwa sa pulsuhan ko kundi ito!” tumutulo ang luha nitong itinuro ang dibdib kung saan nandoon ang puso nito.
“ Ito ang masakit, Dahil mahina ‘to at madali siyang masaktan. Alam mo kung bakit nasasaktan siya ng ganito ngayon? Dahil umaasa siyang makilala siya kahit papaano ng walang kwenta niyang ama na hinayaan ang babae niya na saktan rin ako.
“ Naka block siya sa akin kaya hindi niya ako ma-message, pero ang tanga niyang babae gumawa ng paraan tinawagan niya ang numero ko.
****
Kahit walang ganang makipag usap ang dalaga agad nitong dinampot ang cellphone na nasa ilalim ng kama at agad na sinagot ang tumatawag.
“ Oh, hi Crystal, Asawa nga pala ng papa mo ito. Hanggang ngayon ba umaasa pa rin kayo na babalik ang papa niyo sa into? Ang kapal din nang mukha ng Ina mo na manghingi ng pera sa amin. 26 years na ang lumipas parang uhaw pa rin siya sa atensyon ng papa mo. Hindi pa ba niya tanggap na hindi naman talaga siya mahal ng Asawa ko?” She can't hold her anger nang marinig ang sinabi ng babaeng kinakasama ng ama nito.
“ Are you done? Iyan lang ba ang ibabato mo sa akin, kasi ako marami akong ibabato sa'yo!” matapang na tugon nito sa kausap na nasa kabilang linya. Napakuyom ng kamay ang dalaga nang ibaba ng kausap ang tawag at may senend itong litrato kung saan kasama nito ang unang lalaking nang-iwan sa kanya which is her father, tumawa ito ng pagak dahil ni hindi manlang sila pinagtanggol ng ama.
“ What do you want?” agad na tanong nito sa kabilang linya nang tumawag ito ulit.
“ Masaya ka ba dahil naakit mo siya? Masaya ka na ba dahil may nasira kang pamilya? Masaya bang lokohin ang kaibigan mo?! Akala mo ba hindi ko alam ang ginawa mo? Niloko niyo ang mama ko habang inaalagaan niya ang anak mo sa iba at ikaw naman tina-trabaho mo na pala ang asawa niya. Kaya ka siguro sinaktan ng asawa mo dati dahil jan sa kalandian mo. Oh, I forgot sa bagay wala ka nga palang kilala at kaibigan sa Lugar natin dati dahil bagong salta ka lang, kaya inakit mo siya at niloko mo ang mama ko.” nang-gigigil na sabi nito sa kausap na hindi nakaimik.
“ Nakuha mo nga siya, pero hindi mo mababago ang tingin ng tao sa'yo. Tandaan mo isa kang malandi, higad sa mata ng mga tao. Oh, wait wag mo na siya pakawalan ha, kawawa ka naman baka mawalan kapa ng minamahal na inagaw mo sa kaibigan mo!!” she added at pinatay ang tawag.
Mahigpit na yakap ang natanggap niya mula sa kaibigan pagkatapos niyang i-kwento ang lahat. Humahagulhol ito habang kayakap ang kaibigan what she needs right now is a tight hug from her best friend.
Pinunasan ni Perry, ang pisngi ng kaibigan na ngayo'y nakatulog kakaiyak buong ingat niya itong
inihiga at kinumutan.“ Sorry, tanging yakap lang ang maibigay ko,” bulong nito at pinunasan ang sariling luha.
“ why are you crying?” biglang tanong nito sa kanya tumalikod siya at nagpunas ulit ng luha.
“ W-wala masaya lang ako na i-kweninto mo sa akin ang lahat. Matulog ka lang jan ipagluluto kita gigisingin na lang kita kapag tapos na akong magluto.” tugon niya at tumungo sa kusina.
“ Thank you!” salitang narinig niya mula sa kaibigan na lalong ikinatulo ng luha niya.
“ Ang sakit kapag nakita kitang nasasaktan.” she whispered at inayos ang sarili at sinimulan ang pagluluto.
YOU ARE READING
Love Me Back - Cacius (TO BE PUBLISHED)
Romance[UNEDITED] CRYSTAL MONTEL, a 26-year-old woman who worked as a midwife. She is NBSB because for her, forever does not exist and love is just an invented word. Love for her work is what she considers true love. What if she met a hot, charismatic, and...