Kinabukasan maaga akong nagising dahil sa nakakahiya naman sa pamilyang, Saez kung late na akong gigising diba eh nakikitulog lang naman ako sa Bahay ng mga ito. Kaliwat kanan akong lumingon sa mga nakasarang pinto baka kasi makasalubong ko ang mommy ni Cacius, speaking of Cacius, Hindi ko pa ito nakakausap tungkol sa mga sinabi nito sa pamilya niya.
Nang makababa ako agad akong tumungo sa kusina okay lang naman siguro kung ipagluto ko sila para makabawi manlang ako sa pag-aalaga nila sa'akin buong gabi. Hirap kung abutin at buksan ang cabinet kung saan nandoon ang kawali, at iba pang kagamitan sa pagluluto dahil sa mataas ito ng kaunti.
“ Kaya mo’to Crystal, isipin mo na babawi ka sa kanila.” kausap ko sa aking sarili at sinusubukan ulit na abutin ang kawali, naistatwa ako nang may tumayo sa likod ko at ito na mismo ang kumuha sa kawaling kanina ko pa inaabot.
“ Good morning!” agad akong humarap ng marinig ang boses ni Cacius.
“ Ka-kanina ka pa ba jan?” Tanong ko ngumiti muna ito bago sagutin ang tanong ko.
“ Kakababa ko lang, actually gising na ako kanina pero nagasikaso muna ako bago bumaba at magluluto sana.” tugon nito at nagtimpla ng kape.
“ Ikaw, bakit ang aga mo? Anong gagawin mo sa kawali bakit nagpapakahirap kang abutin ‘yan?” curious na tanong nito at binigay sa'akin ang tinimpla nitong kape.
“ Magtitimpla ako ng kape gamit ang kawaling kinuha mo.” pilosopong sagot ko akala ko magagalit ito dahil sa inasta ko laking gulat ko nang humagalpak ito ng tawa habang tinuturo ang kawali. Tinapunan ko ito ng masamang tingin na siyang ikinatigil niya.
“ Magluluto ako ng almusal pangbawi ko na rin sa pag-aalaga ng mama mo sa'akin buong gabi. Pwede ba ako mangialam sa kusina niyo?” diretsahang tanong ko nadismaya ako nang umiling ito.
“ Ako na ang magluluto maupo ka na lang room at inomin mo itong kapeng tinimpla ko.” kapagkuwang sabi nito at lumapit sa gawi ko at sinubukang agawin ang kawaling hawak ko ngunit agad ko itong inilayo.
“ No. Ako na magluluto kahit ngayon lang hayaan mo ako.” pag-mamatigas kung tugon bumuntong hininga naman ito at agad na sumuko.
“ Okay hahayaan kitang magluto but please let me help you, bisita ka namin hindi tagaluto.” paalala nito at tinanong ako kung ano ba ang lulutuin ko para matulungan niya ako.
“ Cacius! Ako na nga eh madudumihan yang white sando mo.” Saway ko dito nang tangkain nitong agawan ang nakabukas na tomato sauce na hawak ko.
“ Kakaligo mo lang di'ba, hayaan mo na ako kaya ko magluto.” naiinis kong saway dito dahil kinukulit ako nito at natalsikan ng sauce ang suot nitong sando.
“ Nag-alala lang naman ako baka mapano ka, kakagaling mo lang sa lagnat.” mahinang sabi nito.
“ Magbehave ka na lang jan para matapos ko na ang ginagawa ko remember may duty ka.”
“ Okay noted, my future girl—” Hindi na nito natapos ang gustong sabihin ng putulin mo ito.
“ I don't want to hear words about love. Because love is just an invented word.” saglit na kumirot ang puso ko nang bitawan ko ang katagang ‘yon.
Walang ingay kong inahon ang niluto kong afritada at chicken curry. Sinulyapan ko ang lalaking kasama ko na kanina pa tahimik simula nung pinutol ko ang sasabihin nito.
“ I know that's smell, mapaparami yata ako ng almusal.” I heard someone voice na papalapit sa gawi namin.
“ Hi ate, good morning.” bati ni Alliyah ang sumunod kay Cacius.
“ Ikaw ba ang nagluto niyan ate? Amoy palang nagugutom na ako.” natatakam na sambit nito at binata ang kapatid na wala pa ring imik. Napag-pasyahan kong maghugas muna ng kamay bago ko ilipat sana ang niluto ko sa mangkok ngunit pagtingin ko sa kawali wala na itong laman. Sinundan ko ng tingin ang bulto ni Cacius papuntang hapagkainan bitbit ang dalawang mangkok.
“ Come here ate, let's eat hindi na kami makapaghintay na tikman ang niluto mo.” Mahinang sigaw ni Jenny ang bunso sa magkakapatid.
“ Anong tawag sa ulam na’to ate?” Tanong ni Jenny at kinagat ang isang piraso ng chicken curry napangiti ako nang makita ko itong pumikit at nilalasap ang niluto kong ulam.
“ That is chicken curry and that one is Afritada,” turo ko sa dalawang putahe. Napatingin ako sa plato ni Alliyah na tila kinuha lahat nang patatas at carrots sa mangkok.
“ Oh, sorry ate. Mahilig lang po ako sa gulay at favorite ko lo itong patatas at carrots.” agad na sabi nito nang mahuli akong nakatingin sa plato niya.
“ Bakit ang tahimik mo ngayon, son?” Napalunok ako nang mapansin ng mama ni Cacius ang pananahimik nito.
“ Hindi ka ba nasarapan sa luto ng future wi—” he cut what her mother wanted to say na siyang pagtaas ng kilay ng mommy nito.
“ Kumain na lang ho tayo may duty pa kasi ako mom, dad.” agad na bawi nito at walang imik na kumain.
***
I don't know but I think na-offend ko siya sa sinabi ko about sa love. But it's my opinion only kung siya naniniwala sa pagmamahal then it's okay. Sinabi ko lang naman kung ano ang paniniwala ko about love.
Sa dalawangput anim kong namumuhay sa mundong kinalakihan ko na ang salitang walang love does not exist dahil kung totoo ito di sana buo ang pamilya ko.
“ Sorry to him.” bulong ko sa hangin at tahimik na kumain.
YOU ARE READING
Love Me Back - Cacius (TO BE PUBLISHED)
Romance[UNEDITED] CRYSTAL MONTEL, a 26-year-old woman who worked as a midwife. She is NBSB because for her, forever does not exist and love is just an invented word. Love for her work is what she considers true love. What if she met a hot, charismatic, and...