Chapter 1

28 6 0
                                    

(A/N): Jana's picture on the right >>>>>>>>>>>

Chapter 1

Jana's POV

"Tsk! Nasaan na ba kasi? Pinabasa ko lang yun kanina sa iyo, hindi ko sinabing walain mo yun!" asar kong sabi kay Chinny, ang best friend ko.

"Eh sorry naman bhez! Nilapag ko lang naman yun kanina sa desk ko eh. Tapos bigla nalang nawala!" tarantang sabi ni Chinny. "Hayaan mo na kaya yun bhez? Korni naman lahat ng nakasulat dun eh! Hahaha"

"Shut up!! Importante yun saken. Lahat ng mga bagay na galing kay Leo mahalaga saken T.T tapos iwawala mo lang?"

Isang love letter lang naman ang hinahanap namin. Kasalukuyan kaming nandito sa classroom namin at habang walang teacher, hahanapin na namin yun. Hindi naman talaga kasi pwede mawala yun dahil may senti mental value yon na galing kay Leo, ang boyfriend ko. Oo corny nga ang mga nakasulat doon pero appreciated pa din dahil mahal ko naman si Leo.

Hanggang sa nagimbal ang aking pag mumuni muni nang may nagsalita sa likuran namin ni Chinny.

"DEAR JANNA 

KUMAIN KA NA BA? HAPPY 2nD MONTHSARY PALA AND I LOVE YOU!!!"

>_____<

Minamalas nga naman oh!! Ang sulat nasa mabuting palad pala ni Krisha! Ang pangalawang best friend ko. T.T

"Hoy anong tinatawa mo jan!?" iritable kong tanong kay Chinny na kasalukuyang natatawa. Pero ang bruha hindi ako narinig. Imbis na marinig ako, mas narinig pa ang mga susunod na narinig namin.

"SANA NAGUSTUHAN MO YUNG GIFT KO SAYO. GUSTO KO LAGI MONG DALA YUN HA? KUNDI MAGAGALIT AKO SAYO NA PARANG GANITO >:| HAHAHA"

Sheeet! Binabasa niya pa talaga eh noh. Pero buti nalang kami kami lang ang nakakarinig kundi susundutin ko na toh ng ballpen si Krisha! >___< Namumula na talaga ako!

"Hoy babae akin na yan! T__T" pilit kong kinukuha kay Krisha yung sulat pero hindi nito inaabot.

"Bhez okay lang naman yun. Parang hindi naman tayo bff nyan ahihi!"

Aba talaga naman tong babaeng to ah! Pasalamat siya bff ko siya. :) Pero nahihiya pa din ako. >_<

TUT TUT*

"Oops! May text ako! Yey! Sino kaya iyon..." mabilis kong kinapa ang bulsa ko para kunin ang phone ko.

LEO KO

[Hi.Kain ka na po]

-_____-" 

Eto lang ang ayoko eh. Masyadong matipid lagi ang mga text niya sa akin. Parang bored siya. :(

To: LEO KO

[Mamaya.Bye]

sent..

Haha ganti ganti din! Paiklian pala ng text ah!! ^___^

TUT TUT*

LEO KO

[K po.]

-____________- 

Sige na ikaw na panalo sa shortest text message! Haaay.

Bigla akong nangisi dahil nakalapag nalang pala sa desk ni Krisha ang letter. Syempre mabilis ang kamay ko kaya mabilis ko naman yun nakuha. :D

"Hey!!--"

"Got it girl!! Bleeeh." sa wakas nasa akin na ang letter na iniingatan ko.

LOVING LIKE YOU (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon