Chapter 8

40 3 0
                                    

Jana's POV

"Ahh. Napaka walang kwenta niya talaga! Dapat sa kanya pinapakulong at sintensyahan ng habang buhay na pagkakabilanggo."

"Hoy Chinny akala mo naman ikaw ang broken hearted! Affected ka masyado." -___-

Napapailing nalang ako sa kanilang dalawa. Grabe, napaka OA talaga nila kapag problemado ang isa. But thankful ako kasi natutulungan nila ako sa problema ko. Nandito kami ngayon sa SM food court dahil nag-aya akong gumala dito kasama sila. Ayoko magmukmok sa bahay dahil naaalala ko lang yung nangyare. Tutal Sunday ngayon kaya libre ngayon yung dalawang ito.

"Tara sa Tom's World naman tayo?" Aya ni Krisha.

"Sige ba! Ok lang Jans?" -Chinny

"Oo naman bakit hindi." -ako

Naglakad lakad na kami papuntang Tom's world, hindi naman kalayuan yun sa food court kaya mabilis kaming nakarating. Ang daming tao ngayon, malamang Sunday nga kasi. Aaminin ko, kapag nakakapasok ako sa mga ganito, nawawala ang stress ko at nakakalimutan ko ang problema ko. I think kaya nag-aya dito si Krisha kasi alam niyang ito lang ang makakapagpasaya sa akin. Mababaw lang naman ako.

"Oh ito na, 200 pesos yan ha. Kasya na iyan." nag-abot ako ng pera kay Chinny.

"So you mean ako ang uutusan mong bumili ng tokens ganun?" -Chinny

"Oo obvious naman di ba?" *pout*

"Okay! ^__^ pasalamat ka problemado ka ngayon. Pagbibigyan kita." -Chinny

Nagpunta na si Chinny sa kung saan bilihan ng token. Swerte walang nakapila kaya agad siyang nakabili ng tokens. Limang plastik ng tokens ang nakita kong bitbit niya. 

"Hey ang dami naman. Saan natin iyan gagamitin?" -Krisha

"Edi doon!" tinuro ng nguso ni Chinny ang Live videoke. Kung saan kakanta ka in public na mapapanood ka ng mga tao dito.

"Hah? Ayoko nga! Ikaw nalang." worried na sabi ni Krisha.

"Deal ako jan! Tara Chins gusto ko magwala in public." masiglang sabi ko kay Chinny.

"Oh Krisha iwan ka nalang dito. Ako may hawak ng tokens natin. ^___^" Bahagyang tinaas ni Chinny ang dala niyang token para asarin si Krisha.

"Tss. Sige na sasama na!" pagmamaktol ni Krisha.

Nagtungo na kami sa live videoke. May dalawang mag-boyfriend ang kumakanta ngayon sa stage with matching hawak kamay pa. Sige sila na sweet! Ako bitter. -___- Duet sila eh. Naupo muna kami sa mga upuan habang ang mga tao sa harapan namin ay humihiyaw pa. Tss. Anong nakakakilig sa pagkanta nung dalawa? Ang babaw na talaga ng mga tao ngayon.

Uwaaaa! Gusto ko na magwala. Ang tagal nila kumanta. Damang dama pa nila yung kinakanta nila grabe.

"Tara Jana pili na tayo sa song book there." -Chinny

Oo nga pala pipili pa pala sa song book ng kakantahin. Alangan naman basta nalang ako susugod sa stage ng wala pa palang napiling kanta. -_____-"

Scanning.... Scanning....

"46389 sa akin bhez." nakapili na ako ng kakantahin ko. hah!

Nagpipindot na si Chinny doon at naghulog ng coins. Sa harap na ako umupo dahil ako na ang next na kakanta.

LOVING LIKE YOU (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon