Chapter 5

43 3 0
                                    

Jana's POV

Haaays! Sabado pala ngayon. Nawala sa isip ko na Friday pala kahapon. Ang araw na nakita ko si Raquel.

Puyat na puyat ako kagabi dahil sa pag ooverthink ko. Kasi naman eh! Hindi na tuloy ako mapakale. Tiwala lang lang Jana, past is past!

*sigh*

"Jana handa na ang pagkain dito oh lumabas ka na jan. Gising ka na ba?"

Si mama talaga oh. Sabi ng sabi na handa na ang pagkain pero hindi pa pala niya alam kung gising na ba ako o hindi pa. Grabe. ^____^

"Opo ma lalabas na po!" sigaw ko habang tinutupi ang kumot ng higaan ko.

*TUT TUT*

Tumunog ang phone ko. Malamang may nagtext!

From: LEO'KO <3

[Good morning! :-) Ngayon lang ako nag-unli ulit eh, nagbreakfast ka na?]

Hala. Himala ah. Naalala na ako ni Leo sa wakas! ^___^ Tutal may load naman ako kaya rereplyan ko siya.

TO: LEO'KO <3

[Kagigising ko lang hehe. Oo kakain na ako, ikaw?]

sent...

A smile formed to my face. Aba, natuwa naman kasi talaga ako dahil kinamusta na niya ako finally. Once in a blue moon lang siya magparamdam eh.

*TUT TUT*

FROM: LEO'KO <3

[Ahh okay po.. Hmm labas tayo mamaya, treat ko ofcourse! :) Pwede ka?]

Ohno! Bakit ngayon pa ito nag-aya? Kung kelan walang pasok. Ayst. Pahirapan nanaman nito tumakas mamaya eh. Di kami legal sa side ko, remember?

TO: LEO'KO <3

[S-sure pwede ako! I'll text you later pag nakagawa ko ng paraan. You know! :)]

sent...

"Jana! Ang tagal mo naman lumabas jan!! Yung pagkain mo lumalamig na!"

Oo nga pala. May naghihintay palang pagkain sa akin sa labas. Tsk.

"Opo ma! Lalabas na po!" sigaw ko habang tinutupi ko ang kumot sa higaan ko.

Pagka labas ko ng kwarto, nakita ko si mama na sinisimulan na palang kumain. Siguro hindi n niya matiis ang gutom dahil sa kakahintay sa akin.

"Ano ba ginagawa mo, bakit ang tagal mong lumabas?" tanong ni mama pagtapos humigop ng kape.

"Nagligpit po ng higaan." simpleng sagot ko. Totoo naman eh. -____- "Nasaan po pala si papa? Hindi ko po ata naramdaman yung awra niya ngayon?

"Ah nasa bahay ng lola mo ang awra niya ngayon. Hindi nga nagpaalam sa akin yun bago umalis." -mama

I just nodded. Hmm favorite ko pala itong ulam ngayon. Ham & Bacon with fried rice lang naman eh. So yummy talaga! ^__^ 

"Oh ikaw na bahala jan ha. Hugasan mo na lahat yan pagkatapos mo jan kumain." -mama

"Opo mama." -ako

Pagkatapos kong enjoyin ang kinakain ko, agad ko na itong niligpit at dinala sa dish washing area namin. Konti lang naman ang huhugasan ko kaya tinapos ko na ito agad.

LOVING LIKE YOU (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon