Leo's POV
Mali! Mali itong ginawa ko.
Hindi ko dapat dinamay si Jana sa nakaraan ko. Mahal ko si Jana pero hindi ko pa din nakakalimutan ang past ko.
Childhood friend ko si Jana, kaya naman kilalang kilala ko na talaga siya buong pagkatao niya. Hindi siya mahirap mahalin dahil mabait siya, maganda, simple, matalino. Lahat na siguro ng gusto ng matinong lalake nasa kanya na. Pero ni hindi ko pa din magawang kalimutan si Raquel, ang Ex ko, kahit sapat na pagmamahal ang ibinibigay sa akin ni Jana.
Nagkataon lang naman na nasa tabi ko si Jana nung mga time na nasa moving on stage ako kay Raquel eh. Thankful naman ako kasi napapasaya niya ako that time. Kahit alam niyang hirap ako makalimot kay Raquel, gumagawa siya ng paraan para mapasaya ako. Siguro nga kung wala sa tabi ko nun si Jana, halos nabaliw na siguro ako hanggang ngayon dahil sa past ko.
..flashback..
Mag-isa akong nakaupo sa bench sa park nang nakatungo lang. 5 months ago matapos ang break up namin ni Raquel. Sa hindi ko malaman na dahilan, iniwan niya nalang ako basta-basta. Kaya sobrang sakit talaga sa akin ng ginawa niya, sobrang mahal ko siya.
Napasipa nalang ako bigla sa lata na nasa harap ng paa ko nang bigla namang may sumigaw na babae sa burger corner dito sa park. It's Jana. Natamaan siya ng lata na sinipa ko. -___- Sa wakas may makakausap ako ngayon, psh. Lumapit ako sa kinatatayuan ni Jana para humingi ng sorry.
"Ang sakit naman! Sino ba yun? Ayus yun ah." inis na sabi niya habang inaabot ang kaliwang paa na natamaan ng lata.
"Sorry, ako yung sumipa ng lata."
"Leo?! Bakit ba bigla bigla ka nalang sumisipa jan ng lata? Kung sisipa ka ng anomang bagay, make sure wala kang matatamaan na ibang tao." T.T
"Sorry Jans."
"Hija, ito na yung order mo." nakangiting sabi ng tindera kay Jana.
o_0
Dalawang footlong, at dalawang chese burger ang inoreder ni Jana?! May kasama ba siya? Siya ba lahat kakain niyan? Naging matakaw na nga itong isang 'to kaya bumibilog eh.
"Salamat po, ito na po yung bayad. Wala na po akong sukli jan." ^_^ sabi ni Jana sa tindera na parang hirap na inaabot ang bayad dahil sa bitbit na pagkain.
"Ako na magdadala." inilahad ko ang kamay ko sa bitbit niya.
"Sus! Ako na. Nga pala una na ako Leo, bye." -Jana
"San ka punta? Sama ako.."
"Eh? Sige ba. Kakain lang naman ako doon oh." tinuro niya yung malaking puno. "Doon masarap mag-stay kasi malilim." ^___^
Nginitian ko nalang si Jana. Ang ganda talaga niya lalo na kapag nakangiti siya.
"sssharuuuph!" kumagat na si Jana sa footlong. "gushtu mu?" inalukan pa ako ng burger.
"sige akin nalang ito. Marami ka naman pagkain jan, mamahagi ka ng isa." -ako
"BUUUUUURPPPP!!"
O___O
"Ubos agad yung kaninang footlong?" gulat kong tanong.
"Hmm. Oo. Favorite ko yon eh." nahihiyang sabi ni Jana.
"Takaw mo talaga Jans! HAHAHA!"
"Ngayon lang! >.<"
"At magpakailanman!" dugtong ko sa sinabi niya. Matakaw naman talaga siya.
"FINE!" >.<
Ang cute maasar ni Jana. Ngayon ko lang napagtanto sa sarili ko na bahagya kong nakalimutan si Raquel dahil kay Jana. Masarap kasi kasama si Jana. All the time kahit inaasar ko siya, ang bait niya pa din sa akin. Palangiti siyang tao kahit problemado siya. Nakaka inlove nga eh.
"HOY!"
Damn! Nakatitig pala ako ng matagal kay Jana nang nakangiti. >__<
"inlove ka sa akin no? haha!" asar ni Jana sa akin.
"ASA. -___-"
This time may kakaiba na sa nararamdaman ko. Mukang paninindigan ko na nga yung sinabi ko, nakaka inlove talaga siya...
..end of flashback..
Pero aaminin ko, hanggang ngayon hindi ko pa din nakakalimutan si Raquel kahit almost 2 months na ang relasyon namin ni Jana ngayon. Kaya nakokonsensya talaga ako dahil ginawa kong panakip butas si Jana. Hayst.
I need to decide now, hangga't maaga pa. Kailangan ko ng lumayo kay Jana. Dahil hindi talag tama magmahal ng dalawang tao sa parehong panahon. Ang nakaraan ko at ang kasalukuyan ko. Hayst.
Letter boy ako.. Kumuha ako ng piece of stationary. Hindi ko kaya sa personal. Bahala na. -___-
Sorry Jana...
**
(A/N): Leo's picture :) -->>>>>>>>>>>>>>>>>>

BINABASA MO ANG
LOVING LIKE YOU (On-going)
Fiksi Remaja-Kahit anong pilit kong kaayawan kita.. hindi ko makaya.. dahil mahal kita.. ------- -Kahit anong gawin kong iwas sa iyo.. hindi ko naman magawa.. dahil para sa akin, IKAW at IKAW pa din talaga ang gusto ko.. ~Ganito ba talaga? Hindi ba pwedeng... T...