Chapter 7

45 3 0
                                    

Leo's POV

"Who is she?"

Tinatanaw ko pa din si Jana habang tumatakbo siya palayo. Sa ngayon ay para na akong tuod dahil sa hindi ako makakilos. Tensyonado ako ngayon.

"Girlfriend ko." tugon ko sa tanong ni Raquel. Hindi pa niya kilala si Jana as my girlfriend.

"Bakit hindi mo pa siya sundan ngayon? Marahil ay nasaktan siya dahil nakita niya tayong magkayakap kanina. You should explain to her." sabi ni Raquel. "Mahal mo ba siya?" dugtong niya.

"Oo mahal ko siya."

Tumingin ako sa mga mata ni Raquel at naramdaman kong sa titig niyang iyon ay may hinihintay pa siyang ibang sagot mula sa akin.

"Pero mahal pa din kita hanggang ngayon." *sigh* 

Bakas sa mukha ni Raquel ang pag-aalala sa huli kong sinabi. 

"Leo, gawin mo ang nararapat. Hindi tamang nagmamahal ka ng dalawa sa parehong oras. Now, isa lang ang dapat mong piliin para walang nasasaktan. If you love me, just stay and tell her the truth that you still love me. But if you love her, then go ahead. Huwag na huwag mo siyang hayaang mawala sa iyo."

I just nodded. Tama si Raquel. Ang laki ko naman tanga, bakit hindi ko pa ito nagawa noon. Kailangan pang dumating si Raquel para lang magawa ko ito. Nakakaasar.

"I will follow her."

A fake smile formed to Raquel's face.

"And tell her the truth, because I really love you Raquel."

Raquel hugged me. I hugged her back. Ngayon gumaan ang pakiramdam ko. Masyado na kasi komplikado ang mga nangyayare sa akin ngayon, at lahat ng ito ay kasalanan ko. Bumitaw na kami sa pagkakayakap at susundan ko na ngayon si Jana. Gusto ko ng matapos ito lahat ngayon.

Tumakbo ako sa direksyon na pinuntahan ni Jana. Sana maabutan ko pa siya. Grabe hingal na hingal na ako pero hindi ko pa rin talaga siya mahagilap. I was about to worry na baka may nangyare na sa kanya na hindi maganda, argh I need to see her. Malapit na mag-gabi, malapit na din dumilim. Kailangan ko na talaga siya mahanap hangga't maliwanag pa.

Bahagyang tumigil muna ako sa pagtakbo dahil pagod na pagod na ako at hinihingal na din ako, pero patuloy pa rin akong naglalakad. Hanggang sa nakita ko ang babaeng tumatakbo, and I know she is Jana. Damit pa lang niya, alam kong siya na yun. Inipon ko ang lakas ko upang mahabol siya. Nang naabutan ko siya, hinawakan ko siya sa braso para pigilan.

"Jana! Wait!" sigaw ko sa kanya.

Hindi pa rin siya lumilingon o nag sasalita, imbis na tumigil siya ay pinipilit pa din niyang makatakbo para kumawala sa kamay kong nakahawak sa kaniya. Lalo ko pang hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kaniya sa paraan na masasaktan ang braso niya.

"Nagkita na pala kayo ni Raquel. Masaya ako para sa inyo." sabi ni Jana nang hindi lumilingon.

"I can explain." this time pumunta ako sa harap ni Jana para maging pormal naman ang pag-uusap namin.

"Explain what? Haaaay. Leo alam ko naman----" napatigil sa pagsasalita si Jana dahil sa hindi niya na pala namalayan na tumulo na ang luha sa kanyang mata. Alam ko si Jana kapag naiiyak na, hindi na talaga siya makapagsalita ng maayos, nagiging weak siya. I hug her para mailabas niya ang sakit na nararamdaman niya dulot ng mga kasalanan ko sa kanya. And this time, binuhos na niya ang luhang gustong makawala sa kanyang mata.

LOVING LIKE YOU (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon