Chapter 6

35 3 0
                                    

Jana's POV

..flashback..

4:00pm..

Hala.. Hindi ko namalayan yung oras. Hanggang ngayon hindi pa din ako tapos sa paglilinis ng kwarto ko. Kailangan ko itong gawin para payagan talaga ako ni mama na makaalis mamaya. Pakitang gilas ba. ^__^ Buti nalang talaga pumayag si Krisha na ipaalam ako kay mama mamaya. Habang naglilinis ako, iniisip ko kung anong damit ang isusuot ko. Excited ako eh.

"Wooh! Natapos ko din." sabi ko sa sarili ko. Finally makakapag-ayos na ako ng sarili ko. Magpapaka-simple nalang ako.

Kumuha muna ako ng damit na isusuot ko sa aparador. Skinny jeans, sandong panloob at blazer ang trip kong outfit ngayon. Simple nga lang di ba. After kong maligo, isinuot ko na ang mga damit na nilapag ko sa kama ko.

* knock knock *

"Anak, nasa sala ngayon si Krisha! Hinahanap ka."

Ay. Ang aga ni bhez. Pero okay lang nakabihis naman na ako. Nag-presspowder nalang ako at lipgloss. Agad na akong lumabas sa kwarto para mapuntahan si Krisha. At ayun nakita ko siyang nakaupo sa sofa namin, at mukhang uneasy ang dating niya. Bakit kaya?

"Oh may lakad ba kayo ngayon?" Tanong ni mama na kay Krisha nakatingin.

Siniko ko naman si Krisha na kasalukuyan kong katabi ngayon sa sofa. Alam na ito ni Krisha kaya ipapaubaya ko nalang sa kanya ang gagawin niyang pagpapaalam kay mama. Napag-usapan naman na namin ito kanina.

"A-ah eh tita, may usapan po kasi kami ni Jana na ililibre niya ako ng ice cream ngayon eh. Nangako po kasi siya sa akin kapalit ng pagiging.... mabait at matulungin ko sa kanya sa.... homework!" -Krisha

"Ice cream lang pala eh bakit kailangan pang nakabihis kayo ng bongga? May tindang dirty ice cream dun sa tindahan sa tapat, pwede naman kayong bumili dun. Kayo talagang mga bata kayo oh. Tsk." sabi ni mama na napahimas pa sa kanyang noo.

"Ay hindi po tita! Ang gusto ko po kasing ice cream ay yung binibenta doon sa..... Caramel Park! Ayy Carmen Park po pala." -Krisha

"Opo mama, mas masarap po kasi ang ice cream don. Kaya bibili po kami ng ice cream DOON." tinulungan ko na si Krisha. Halatang kabado ang bruha.

"Osya sige! Umuwi agad kayo, ice cream lang naman kailangan niyo doon." -mama

Nauna ng tumayo si Krisha. Kabado siya ah. Bumeso na kami kay mama at sinabi kong "uuwi din po ako agad, mabilis lang po iyon."

Tumango nalang si mama. Sa wakas pinayagan akong umalis! Phew! Pahirapan talaga kapag ganitong sitwasyon eh.

"Grabe si tita, ngayon naiintindihan na kita, ang hirap magpaalam sa kanya na aalis." sabi ni Krisha nang nakangiti.

"Kaya nga kailangan ko nang taong ipapaalam ako para payagan ako makaalis. Time check?"

"4:30 na bhez. Sakto lang yan, medyo malapit lang naman dito yung pupuntahan natin diba?" -Krisha

"Oo.. tsaka sana nandoon na si Leo. Mainipin kasi ako, ayoko yung pinag-hihintay ako." 

"Malamang nandun na iyon. Basta bhez ha? Yung ice cream ko." Nagpout pa si Krisha.

"Oo nga bhez.. Tumutupad ako sa usapan, alam mo yan." ^____^

..after 15 minutes..

Nandito na kami ngayon sa park. Ang dami naman tao ngayon. Nanjan na kaya si Leo? Ang sabi niya sa akin sa punong malaki daw niya ako hihintayin. Pupuntahan ko na yun ngayon.

"Bhez saan kayo magkikita?"

"Doon sa punong iyon." tinuro ko ng nguso ko.

Lakad.. Lakad.. Malapit na kami sa puno ng may narinig akong umiiyak na babae. At ang boses ni...

"Bhez sino yung kasama ni Leo?" -Krisha

Nakita kong may kayakap si Leo. Naningkit ang mga mata ko. Si Raquel pala ang kayakap niya. Siya pala yung naririnig kong umiiyak. Hindi muna ako lumapit sa kanila, sa halip ay nakinig ako sa usapan nila. Hindi ako nakita ni Leo dahil nakatalikod siya at ang mukha ni Raquel ang nakikita ko ngayon. Magkayakap sila.

"Im sorry to hear that. Don't worry I'm always here for you."

"Thank you Leo. Oh by the way, what are you doing here? May kasama ka ba? May hinihintay ka dito? And for whom this bouquet of roses? Very beautiful huh." 

Inaamoy ni Raquel yung bulaklak na hawak niya. Agad akong nakaramdam ng kaba sa dibdib ko.

"I-it's for you." Leo said.

"Oh really? How sweet. Thank you Leo." 

That moment, I saw Raquel kissed Leo on his cheeks. Biglang natahimik ang pag galaw ng mundo ko. Nanikip ang dibdib ko sa nakita ko. Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ngayon. Gusto ko silang lapitan pero naunahan ako ng takot at kaba. Mas pinili ko nalang tumakbo palayo sa kanila. Ayokong makita ni Leo na nasasaktan ako.

"Janaaa!!"

Hindi ko pinansin ang sigaw ni Krisha. This time wala akong pakialam sa paligid ko, basta ang alam ko umiiyak ako ngayon habang tumatakbo palayo. Dumating na nga yung araw na kinatatakutan ko. Ang magkita sila ni Raquel. Hindi ko na alam kung saan ako papunta ngayon.

Gusto kong tumakbo ng tumakbo hanggang saan ako makarating. Gusto kong ibuhos lahat ng luha ko. Hindi ko akalain na ganito ang mangyayare sa akin ngayon, sabik na sabik pa naman ako pero.... Nakita ko siyang kayakap si Raquel, and hinalikan pa siya. Yung bulaklak na iyon para kay Raquel pala iyon. Nagkabalikan na ba sila? T_____T

Ang sakit sa pakiramdam. Halos hindi na ako makahinga sa pag-iyak ko at hinihingal na ako sa ginagawa ko.

* bugsh! *

"S-sorry po!" may nabangga akong lalake.

"Ayos lang." sabi nung nabangga kong lalake.

Nagkatinginan kami ng lalakeng nabangga ko. Halatang nagtataka siya kung bakit ako tumatakbo habang umiiyak. Nakita ko ang kamay niya na may inaabot sa akin na panyo.

"OH. Ipahid mo jan sa mukha mo, ayoko may nakikitang umiiyak na babae." sabi nito.

Tinignan ko lang ng matagal ang panyong iniaabot niya sa akin. Pero imbis na kunin ko ito, bigla nanaman bumuhos ang luha ko at tumakbo uli ako.

Wala ako sa mood ngayon at isa pa hindi ako nakikipag-entertain sa mga hindi ko kilala. Nagulat nalang ako nang may biglang humawak sa braso ko. Ang higpit ng pagkakahawak. At kahit hindi ako lumingon, alam ko na kung sino ito.

"Jana! Wait!"

Si Leo.

Ang dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon..

**

A/N: Iyan lang muna po, sa next chapter nalang yung iba. :) May lakad eh. Nagmamadali. Chos!

LOVING LIKE YOU (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon