(a/n): Bryan Alcantara's picture -------->>>>>>>>>>>>>>>>>
^__^
------------------------------------------
Third Person's POV
Pasado alas sais na ng gabi pero madami pa din mga bata ang nagkalat dito sa Carmen Subdivision. Ang iba ay naglalakad lakad lang upang malibang ang sarili. Mistulang fiesta ang dating gabi-gabi sa subdivision na ito dahil sa mga residenteng naglalabasan kapag sumasapit na ang gabi.
Masarap ang manirahan dito. Ang mga street lights ay buhay na buhay, kaya naman ayos lang sa mga residente ang maglakad lakad tuwing gabi dahil hindi madilim. Halos lahat ng mga bilihan ng pagkain dito ay hindi pa din nagsasara kahit gabi na dahil alam nila na sa ganitong paraan ay marami silang mapagbebentahan.
Meron din naman mga tambay na kabataan kahit saan. May mga nag-iinuman at nagkakantahan. Kaya naman ang subdivision na ito ay maingay at masaya kahit dis oras na ng gabi.
Sa di kalayuan ay mapapansin ang kumpol kumpol na tao. Mga taong nanunuod sa mga naglalaro ng basketball. Isang covered court na katamtaman lang ang laki ang makikita. At sa mga ganitong oras ay may naglalaro pa din sa court na yun.
"Ishoot mo na!"
"Ipasa mo nalang sakin yan!"
"For the win na yan! Wag mo na palagpasin ang pagkakataon!"
*baaaaagg!!*
"Bryan!!!!"
"Sino ang gagong yon!?!"
Si Bryan ang may hawak ng bola nang bigla nalang may sumiko ng malakas sa kanyang dibdib na naging dahilan ng pagka bagsak niya. Kalaban nila ang may gawa nun para hindi niya ma-ishoot ang bola sa ring.
*PAK!*
*BLAAG!*
Hindi naiwasang magsigawan ang mga tao sa court dahil sa nag-aaway na dalawang player dito.
"Ayusin mo yang laro mo! Hindi yung nandadaya ka!"
"Ang hina mo na nga, mabagal ka pa! Yan ang napapala sa mga mababagal!!"
"Eh gago ka pala eh!!!"
*PAAAAK!* *BLAAAAG!*
"Tol! Tama na."
Agad na pinigilan ni Harry si Bryan sa panununtok nito sa kalaro niya. Pero ayaw pa din magpaawat ni Bryan kahit na ito ay medyo duguan na ang labi.
"Umuwi na tayo. Tumigil ka na." Pag aaya sa kanya ni Harry.
Nanlilisik ang mga mata ni Bryan sa kaaway niya at tuluyan na nilang nilisan ang court na nakakuyom ang mga kamay niya. Hindi na niya tinuloy ang panununtok sa kalaro niya dahil mukhang mas nakakaawa pa ang itsura nito kesa sa kanya dahil magang maga na ang labi at mata niya.
"Tambay muna ako sa inyo. Ikaw lang naman tao doon ngayon diba?" Tanong ni Bryan kay Harry.
"Oo. Bry mag usap nga tayo." Seryosong sabi ni Harry.
"Nag-uusap na nga tayo diba?" Sarkastikong tanong ni Bryan.
"Hays." Nag buntong hininga na lang si Harry sa narinig niya kay Bryan.
"Umupo na nga muna tayo. Ang layo ng bahay niyo hindi ko na kakayanin maglakad pagod na ako." -Bryan
Napangiti ng bahagya si Harry dahil sa kinatatayuan nila ay malapit doon sa itinuturo ni Bryan na upuan na alam niyang sila lang ang tao doon at tahimik pa dahil sa wakas ay makakausap na niya ng seryoso itong si Bryan.
Kasalukuyan nang nakaupo ngayon sila Bryan at Harry. Walang nagsalita. Awkward. Kaya nakahanap na ng pagkakataon si Harry. Huminga muna siya ng malalim.
"Kailan ka ba magbabago?" Tanong ni Harry na nakatingin ng seryoso kay Bryan.
"Tss! Hindi na ako magbabago." -bryan
"Bryan, lahat may chance na magbago kung gugustuhin! Ikaw lang naman itong----"
"Hindi ka ba nakakaintindi!? Sabi ko hindi na ako magbabago. Kung ano ako, ito na talaga ako!"
"Nakakalungkot isipin, kahit akong bestfriend mo hindi ka kayang mapatino." -harry
"Eh sino ba may sabi sa iyo na pilitin mong magbago ako?" -bryan
"Concern ako bilang kaibigan mo. Ang magulang mo nagttrabaho ng maayos para lang sa iyo. Ikaw nagpapaka-gago ka lang lalo? Napapansin ko nga nagiging basagulero ka na eh, babaero, adik. Nagiging worst ka na talaga!" -harry
"Ah. Mahal ko magulang ko. Pero kahit sino pa kumausap sakin, hindi na talaga ako magbabago. Ikaw, kung ayaw mong may kaibigan kang gago, edi iwasan mo na ako!" -Bryan
"Sana may dumating na tao sa buhay mo na kaya kang patinuin." -harry
Hindi na tumugon si Bryan sa huling sinabi ni Harry sa kanya. Mas pinili nalang niyang tumahimik at ipahinga ang sarili kesa magsayang lang ng laway sa sasabihin. Sanay na sanay na si Bryan sa mga ganitong drama ni Harry sa kanya. Bata palang ay magbestfriend na talaga sila kaya alam na alam na nila ang buong pagkatao nila, kaya ganito nalang kung magpayo sa kanya si Harry.
"Uwi na ako. Pagod na ako eh." Tumayo na si Harry pagkakaupo.
"Ge bukas nalang. Bar tayo bukas." Bored na sabi ni Bryan kay Harry.
Tumango nalang si Harry.
Nagdesisyon si Bryan na wag munang umuwi dahil mas gugustuhin niya pang tumambay sa labas kesa magmukmok sa bahay.
Kumuha ng lighter at sigarilyo si Bryan sa bulsa ng kanyang tokong at agad niyang sinindihan ito. Ang pag yoyosi ang nakakapag parelax kay Bryan bukod sa alak. Matagal na niya itong bisyo simula nang maimpluwensyahan siya ng kanyang mga tropa.
Hindi naman ginusto ni Bryan na maging ganito siya. Lumaki siya ng wala sa tabi niya ang mga magulang niya. 9 years old pa lang siya ng iwan siya ng kanyang magulang para magtrabaho sa ibang bansa. Tanging ang ate niya lang ang nag-aalaga sa kanya simula noon hanggang ngayon.
Tama ang sinabi sa kanya ni Harry na nagiging worst na siya sa mga araw na lumilipas. Nalululong na kasi si Bryan sa iba't ibang bisyo, nagiging basagulero, at tumitindi pa ang pagiging babaero niya. Pero lahat ng mga payo sa kanya ni Harry at lumalabas lang sa kabilang tenga dahil sawang sawa na siya na puro ganoon ang payo sa kanya nito.
"Hindi niyo naman ako masisisi kung bakit ako nagkaganito." Hindi nalang namalayan ni Bryan na nasabi niya ito habang nakatingin siya sa kawalan.
Pero ang hindi nila alam, hinihiling din ni Bryan na sana ay may dumating sa buhay niya na kaya siyang baguhin at kaya siyang tanggapin kahit ano pa ang pagkatao niya, pero agad na pumapasok sa isipan niya na wala na sigurong tao na kaya siyang patinuin dahil mismong si Harry na kanyang malapit na kaibigan ay hindi naman magawang patinuin siya. Lalo na ang kanyang sarili. Kaya mas pipiliin nalang niyang maging loko-loko kesa umasa sa taong darating sa buhay niya balang araw para baguhin ang pagkatao niya.
"I really miss you, mama." Sambit ni Bryan dahil naalala niya ang mama niya na ngayon ay nasa ibang bansa.
Lagi itong binabanggit ni Bryan kapag mag-isa na siya. Pero kahit ganito, iniisip niya na hindi naman siya naaalala ng kanyang mama kaya kapag nangyayari ang ganitong pagkakataon, bumabalik sa pagiging worst si Bryan.
Dahil ang pagkakaalam niya, hindi na siya babalikan ng kanyang magulang.
Kada buwan papalit palit si Bryan ng girlfriend. Wala siyang sineryoso sa kanila ni isa simula nung iwan siya dati ng babaeng mahal niya. Alam naman din niyang ginagawa lang siyang past time ng mga nagiging girlfriend niya pero wala lang ito sa kanya. Kaya naman naging hobby na niya ang pambababae dahil akala niya wala ng babaeng mamahalin siya ng totoo.
AYUN ANG AKALA NIYA.
**
(A/N:) Short UD lang muna po. :))
Intindihin nalang ang mga typos. ^__^
BINABASA MO ANG
LOVING LIKE YOU (On-going)
Teen Fiction-Kahit anong pilit kong kaayawan kita.. hindi ko makaya.. dahil mahal kita.. ------- -Kahit anong gawin kong iwas sa iyo.. hindi ko naman magawa.. dahil para sa akin, IKAW at IKAW pa din talaga ang gusto ko.. ~Ganito ba talaga? Hindi ba pwedeng... T...