24

5 2 0
                                    

Reacted 😆 to your message

Leigh:

Sorry. Napadaldal ako hhahahaa

Dami kasing kontrabida sa buhay naming magkakaibigan.

Sarap nila sakalin. Kagigil.

Ays hanggang ngayon kapag maalala ko mga mukha nila, nabweset na kaagad ako.

Neil:

Ayos lang. Hahahaah

Now I know kung baʼt minsan naririnig ko na pinag-uusapan kayo ng 2B at sinasabihan na ang ingay raw ng 2A. Dahil pala sa inyo 'yon HAHAHAHAHAHA

No wonder kasi sa chat palang mukhang madaldal ka na nga hahahaha

At napapansin ko rin kasi kapag dumadaan ang circle of friends mo sa hallway, malayo palang naririnig ko na boses niyo. Lalo na 'yong pandak na babae.

Kidding aside but true HAHAHAHA

Leigh:

Hala, grabe siya hahahahahhaa

Ang judgerist. 🙄

Si Jezreel 'yang tinutukoy mo. Sumbong kita 😠

Reacted 🤣 to your message

Pero gagi, hindi na namin napapansin 'yan, a?!

Basta tumatawa lang kami. 'Yon na iyon hahahaha😭

Wala na kaming pakialam sa iisipin ng iba, ang importante masaya kami 🤭

Neil:

Yeah, true HAHAHAAHA

So paano nga pala nabuo ang pagkakaibigan niyo?

Leigh:

Basta nagkasundo lang kami sa panlalait, the rest is the story.

Charot Hhahahaha. Baka masapok ako ng mga kaibigan ko, e.

Actually hindi ko nga rin alam, e. Kasi dalawa lang naman ang una kong naging close, hanggang sa mag-2nd year kami. Bigla na lang kami naging close. Di ko nga alam kailan kami nagsimulang magsama. 😭

Unexpected friendships lang talaga 'to.

Neil:

As expected, ganoʼn talaga kadalasan hahahaha

You guys are cute.

Kahit sino mainggit sa inyo.

Leigh:

Mas kyut po ako. Ay joke hahahaahhaa

Reacted 😆 to your message

Pero seryoso, thank you 🤧

Sana wala ng mababawas sa amin. Malulungkot ako ng husto.

Reacted ❤️ to your message

Huyyyy ang corny. Kadiri. Pero yaan na, corn beef nga walang mais, e.

Uy, 'di ka pa ba matutulog?

Halos 1 A.M na, o? Hindi ka pa antok?

Neil:

Hindi pa ako antok.

Iʼm enjoying talking with you.

But if you want to sleep, then maybe I will sleep too.

Leigh:

Huh? Gago?

Ang aga-aga nagpapakilig ka.

Huwag ka ganyan HAHAHAHA

Neil:

Iʼm serious.

Leigh:

Oo na. Sorry po :<

Biglang nagbago ang mood, e.

May nangyari ba?

Neil:

May naisip lang bigla.

Pero wala lang 'to.

Leigh:

Talaga?

Ano 'yon?

Sabihin mo 🤧

Neil:

Wala. Huwag mo na lang pansinin.

Hindi naman 'to big deal.

Leigh:

Ays, sira.

Sinabi-sabi tapos wala? Gago lang?

Ano nga?

Hindi ako matahimik, na-curious ako.

Neil:

Wala lang talaga 'to, huwag na makulit.

Leigh:

Okay. Nagku-kuwento nga ako tapos ikaw ang damot mo.

Charot 🤣

Pero ayoko na lang mamilit hahaha

Ay oo nga pala? Na-curious ako. Nabanggit kasi ng kaibigan ko na naka-in relationships na raw si Denice sa fb.

Kaso hindi ikaw. Totoo?

Sino 'yon? Donʼt tell me iyon ang iniisip mo?

Jusq, hindi talaga ako mapalagay.

Feeling ko may obligation ako para i-comfort ka.

Reacted 🤸 to your message

Huyyyy anong react 'yan?! Parang sira, e. Nag-aalala na nga ko rito 😭

Reacted 😔 to your message

Unloving Him ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon