"Ajane! Ajane!" Sigaw ko.
Tch! Na babaeng 'to pa VIP pa. Tanghali na ah! Nag effort ako para sunduin sya tapos..
Biglang bumukas yung gate nila.
"Agang aga, bakit mo tinatawag ang anak ko?" Sabi nya.
"Ah.. Eh.." Patay
"Sino ka'ba iho?" Tanong nya.
"Ahm.." Ano 'ba? Tangna nakakakaba!
"Ano?"
"I'm na..." Nang biglang..
"Mom! He's Nathan po. Hehe mama alis na kami." Biglang sagot ni Ajane.
"Nathan? Sya ba yung sinasabi mong bastos na tch na lalaki na umagaw sayo ng upuan nung first day ng schooling nyo? Ajane?!" Sunod sunod na tanong nitong mom ni Ajane, aba't ganito pala pinagkukuwento ng Ajane na 'to sa mom nya. Tch!
"Ah eh mama hindi noh. Mabait nga yan eh. Hehe ano ka ba mom." Halatang halatang nagyayabang 'tong Ajane na 'to. Tch!
"Boyfriend nya po ako mommy." Sabi ko sabay smile.
"Boyfriend?!" Shocked na sabi ng mommy nya.
"Mommy?!" Shocked na sabi ni Ajane. Tch!
Anong masama sa sinabi ko? Wala naman di'ba? Tch!
"Ajane, anong pinagsasabi ng lalaking 'to?" Tanong ng mom nya.
"Hindi pa po ba nagsasabi ni Ajane na boyfriend na po nya ako. Nako malelate po kami mommy sa school eh. Hatid ko na po anak nyo. Alis na po kami." Sabi saka hinila si Ajane papasok sa kotse ko.
Naiwan namang nakatulala yung mama ni Ajane, habang pinapanood kaming umalis. Nagda-drive ako ngayon. Actually, maaga pa naman 8am simula ng first class namin. Look 6:30am palang. Tch! Masyado ba akong excited? Fvck!
"Ano ba yan traffic!" Sabi ko napansin kong ang tahimik kaya tiningnan ko si Ajane. Nakatingin lang sya sakin. Parang maamong pusa na nagtataka. Tch!
"At bakit ganyan ka makatingin? Baka matunaw ako!" Sabi ko medyo awkward kasi. Fvck! Ganito pala feeling ng kada umaga may su sunduin ako at may kasabay akong pumasok. Tch!
Umiwas lang sya ng tingin at tumingin sa may car window. Anong meron dito sa babaeng 'to? Parang naninibago ako sa kanya, hindi naman sya ganito ah. Kalimantan madaldal, makulit sya pero bakit parang...
"Pasensya na ha, kinakabahan kasi ako." Sabi habang hindi parin tumitingin sakin.
"Ano ka'ba? Ikaw ba yan Ajane ha? Tch! Ganyan ka ba pag nakakasama ng isang gwapong lalaki. Fvck! Masanay ka na at magiging madalas 'to." Sabi ko sabay smirk, para mawala yung tension na bumabalot saming dalawa.
"Aray! bakit mo ko hinampas?" Tanong ko.
"Yabang mo kasi! Psh! Anong akala mo sakin mag babago lang dahil dito sa pakulo mong 'to? Hays iniisip ko lang anong palusot Sasabihin ko kay mama mamaya." Sabi nya.
Napangiti naman ako, parang tanga lang pero natutuwa ako dahil bumalik na sya sa dati. Fvck! Haha natatawa ako.
"Anong nginingiti- ngiti mo dyan ha? Para kang baliw!" Sabi nya.
Hindi na lang ako nagsalita tutal umandar na din naman ang mga sasakyan. Basta ang alam ko magaan ang loob ko sa babaeng kasama ko ngayon.
(AJANE POV)
"Nandito na tayo." Sabi nya. Oo hinatid nya ako hindi naman big deal ang paghahatid nya sakin kasi papasok din naman sya, parang nakisabay lang ako at ps, part to ng script bilang in a relationship kami.
BINABASA MO ANG
Secretly Loving You
FanfictionHanggang kailan mo kayang hindi sabihin ang iyong nararamdaman? Kung kailang kasama mo sya o Kung kailang kasama na sya ng iba? Siguro ang hirap magmahal ng palihim, tipong nasayo na sya pero ayaw mo pa. Pa ano kaya iikot ang mundo nina Jinhye Lee...