(AJANE POV)
Shocks! masyado akong kinakabahan pano ba naman 'tong si Nathan na ito hindi man lang ako sinabihan na ngayon nya ako ipapakilala sa ate nya at ang init ng dugo nya ha, anong bang problema nito wala naman akong ginagawang masama. Sabi pa nya, ano bang meron as inyong dalawa ha? Eh sino ba tinutukoy ng Nathan na yun? Hays nakakainis talaga.
Kasalukuyang papunta na kami ngayon sa bahay nila. Nakakainis din pala ang katahimikan, hindi ko na matiis kaya nagsalita na ako.
"Malayo pa ba tayo?" Medyo irita kong tanong, syempre kanina pa kami Malay ko Kung san nya ako dalhin hindi ko pa naman alam bahay nila.
Tumingin ako sa kanya kasi hindi sya umiimik.
"Wala ka bang balak sabihin? Nagtatanong ako ng maayos, Kung ayaw mo pakibaba na lang ako jan sa tabi. Uuwi na lang ako."
"Ang dami mo kasing tanong." Sabi nya.
Aba't.. "Eh malay ko ba san bahay nyo." Sagot ko.
"Anong akala mo sakin kidnapper para dalhin ka Kung saan? Tch!"
"Eh Sa gusto kong malaman eh."
"Pupunta na din naman tayo, nagtatanong ka pa."
"Kung sinabi mo na sana Kung malapit na tayo eh di hindi na tumagal pa ang usapan!" Sabi ko.
"Eh Kung hindi ka sana nag tanong eh di hindi ko na pinatagal ang usapan!"
Niloloko ba ako nito?
"Ewan ko sayo Nathan."
Nag focus nalang ulit sya sa pagmamaneho. Maya maya lang nakarating na din kami sa isang..
Nanlaki ang mga mata ko. Mansyon.. \OoO/ gondo...
"Bahay nyo?" Tanong ko.
"Sa katulong namin yan. Tch!"
"Tinatanong kita ng maayos tapos ganyan isasagot mo sakin." Sabi ko.
Dire- diretso lang sya sa ginagawa nya, bumaba na sya ng kotse. Ano iniwan nya ako dito sa loob? Biglang bumukas yung pinto ng kotse nya, yun pinagbuksan ako. Haha!
"Wala ka bang balak bumaba?" Tanong nya.
Kanina pa itong Nathan na 'to eh hindi ko maintindihan bakit ganyan ugali nya, parang ewan. Hindi ko sya pinansin.
"Tara na." Sabi nya at nagitla ako ng kunin nya ang kamay ko dahilan nito para ma palabas ako ng kotse.
Hawak nya ang kamay ko habang ako, sumusunod lang as kanya. Gusto kong tanggalin yung kamay ko kasi nakakahiya as mga katulong nila pero ayaw eh. 0////0
Nakapasok na kami as loob ng mansyon nila. Napakaganda! Hindi naman ngangayon lang ako nakakita ng malaking bahay na ganito, hindi naman kami mahirap pero hindi din naman kami mayaman.
Napatingin ako as may hagdanan Kung san may babaeng bumababa. Kilala ko sya, sya ang ate ni Nathan. Bumalik yung kaba ko kanina.
Napansin kong mas lalong humigpit ang hawak ni Nathan Sa kamay ko. Kinakabahan din sya? Sino ba namang hindi, malaman lang ng ate nya na nagpepretend lang kami, ewan ko lang ang mangyari.

BINABASA MO ANG
Secretly Loving You
FanficHanggang kailan mo kayang hindi sabihin ang iyong nararamdaman? Kung kailang kasama mo sya o Kung kailang kasama na sya ng iba? Siguro ang hirap magmahal ng palihim, tipong nasayo na sya pero ayaw mo pa. Pa ano kaya iikot ang mundo nina Jinhye Lee...