Chapter 7: The Plan

18 5 0
                                    

Gumising akong masakit ang ulo ko. Napatingin ako ng biglang nagliwanag ang phone ko.

New message?

From: Nathan

"Don't forgot to attend later at 3:00 in the afternoon at the park. I'll tell you so its important, we need to talk about the plan."

7:00 palang ng umaga. Masyado naman 'tong excited. Hays! Naalala ko yung nangyari kahapon. Halikan ba naman ako sa buong klase at sa harap ng ate nya. Ni wala nga akong kamalay malay sa mga nangyayari ng mga panahong 'yon.

*flashback*

"Fvck! Let me explain." Sigaw sakin ng lokong Nathan na'to. Matapos akong nakawan ng halik mumurahin pa'ko! Sarap sampalin ulit.

"Alam mo, hindi kita maintindihan! Ganyan ba kababa ang tingin mo sa'kin? Hahalik halikan mo ng hindi nagpapaalam? Para akong tanga Nathan! Alam mo yung sabihin mong girlfriend mo'ko sa harap ng ate mo! Hindi yun totoo! Hindi ako parang tape lang jan na pwede mong gamitin panakip butas. Ni hindi nga tayo close eh! Sino ka'ba sa inaakala mo?!" Galit kong sabi. Pinipigilan ko lang pumatak ang mga luha ko kasi nasasaktan ako. Sobra!.

Mukhang nagitla sya sa sinabi ko.

Akmang lalabas ako ng room para habulin yung ate nya ng hawakan nya ako sa braso.

"Ajane.." Sabi nya.

"Ano?! Hahayaan mong maniwala ate mo sa mga kasinungalingan mo kanina? Pwes ako hindi!"

"Tumigil ka nga!" Sabi nya sabay hawak sa mga balikat ko dahilan para mapaharap ako sa kanya.

"Ano ba?!"

"Hindi mo naiintindihan Ajane."

"Oo! Hindi ko talaga naiintindihan, at Kung maintindihan ko man.. For sure for your own sake mo lang yan kaya mo'to ginagawa. At ako pa talaga ha! Ang dami dyang interesado sayo at hindi ako kabilang don!"

"I need your help! Ajane listen to me."

Napa titig ako sa mga mata nya. Mukha syang sincere pero hindi ko basta basta palalampasin ang ginawa nya. Anong akala nya, ako yung tipo ng babaeng easy to get lang? Na sa kaunting pagpapaawa nya ay papayag ako sa Kung anong gusto nyang mangyari? Hindi!

"I don't care! Maraming tao at babae dyan, hindi lang ako! Ang dami kong inaasikaso, sisingit ka pa!"

Bigla syang lumuhod sa harap ko. Parang balewala na saming dalawa ang mga kaklase namin na parang kami lang yung nasa loob ng room na'to.

"Please! I beg you! Just come up with the plan at tatanawin kong malaking utang na loob ko yun sayo."

Naaawa ako sa kanya pero alam kong magaling um-acting 'to eh.

"Really huh?! Ewan ko sayo."

"Pumayag ka na!" Sabay sabay sinasabi ng mga kaklase namin.

Pinagtutulungan ba nila ako. Pati si Chris at Russel sinasabi ng pumayag na daw ako. Kala ba nila ganun kadali yun? Ano nalang Sasabihin ng mommy ko?

"Please." Sabi ni Nathan.

"Anong kapalit?" Tanong ko. Sa mga panahon ngayon kailangan ng maging praktikal sa buhay.

"Ah.." Hindi nya na tuloy yung Sasabihin nya ng biglang dumating ang prof. -.-# panira!

*Flashback ends*

Hay! Ang daming ewan sa mundo, akala ko sa mga libro ko lang nababasa yung mga kunwari girlfriend for one, two, three months tapos pag tapos na yung kontrata nyo break na kayo pero bakit nangyayari sakin 'to? At pumayag ako? Minsan hindi ko din maintindihan ang sarili ko, bahala na nga!

Secretly Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon