HALLOWEEN SPECIAL (part 1)

28 3 0
                                    

3 days after nung huli kaming mag kita ni Nathan. Pumunta kasi sila ng ate nya sa Cebu, niyaya nila ako pero hindi na akong sumama. Hirap kayang makipagplastikan sa kanila, atleast free ako ngayon.

*knock..knock..*

Tumayo ako sa kama para buksan ang pinto.

Nagulat na lang ako, wala namang tao.. Dali dali akong bumaba papuntang kusina..

"Ma! Mom!" Sigaw ko habang papatakbo sa may kusina. Nasan na kaya si mama. Medyo kinakabahan na ako, hindi natatakot na ako.

Nakita kong bukas ang ilaw sa may cr. Siguro nandun si mama. Hinawakan ko yung door knob...

"Jinhye!"

Unti unti kong binuksan ang pinto.. Dugo! May...

"Jinhye!" Sigaw ng isang babae.

"Ahhhhhhhhhh!" Sigaw ko.

"Jinhye! Gumising ka ano bang nangyayari sayo. Pawis na pawis ka oh daig mo pa ang naligo. Bumangon kana at pupunta tayo sa sementeryo. Tanghali na."

Si mama pala. "Sige po." Sagot ko. Grabeng panaginip yun akala ko totoo. Bumangon na ako at nagsimulang magayos ng sarili.

"Ma, ano na kayang balita sa kanya? Buhay pa kaya sya?"

"Ano bang pinagsasasabi ko dyan?" Tanong ni mama.

"Si dad." Ramdam ko ang pagtulo ng aking mga luha. Tumigin ako sa itaas para pigilan ito. Hindi naman malaalis sakin ang pagiisip kung nasan na kaya sya. Oo masama ang loob ko sa kanya pero tatay ko parin sya, at mahal ko sya.

"Tara.. Na nga, dadalawin pa natin ang lola mo. Ikaw talaga kung sino sino pumapasok sa isip mo."

Ramdam ko sa pagsasalita ni mama na nasasaktan din sya. Alam kong mahal nya pa din ang daddy ko. Nararamdaman ko yun.

*kriiing..*

"Hello?" Sagot ko.

[Nasan ka? Kadarating lang namin. Magkita tayo.]

Si Nathan. "Oh namiss mo naman agad ako." Biro ko sa kanya.

[...]

"Hindi ka makasagot, yah namiss mo talaga ako. Hahaha" Biro ko ulit sa kanya.

[Eh ano naman kung namiss kita? Bawal na ba ngayon mamiss ang girlfriend? Tch!] cool nyang sagot.

"He..he.. Eh tumigil ka nga!" Baliw na lalaki yan pakaba!

[So let's see later. Mwuahh]

"Mwuahh ka dyan! Saan?"

Toooot...toooot..

Argh! Bahala sya. Ang gulo kausap.

"Ma?" Nasan na yun.

Ang layo na pala ni mama. Tumakbo ako hanggang maabutan ko sya.

(Nathan POV)

Kadarating lang namin dito galing cebu. Nasan na kaya yung babaeng yun. Baka nagkakalimutan na kami. Mabuti pa tawagan ko na.

Secretly Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon