Chapter 9

25 5 0
                                    

Nandito kami ngayon sa teen park. Medyo maraming tao, langhap na langhap mo yung mga street foods na nagkalat sa paligid. Mararamdaman mo din ang malamig na simoy ng hangin. 6:00 na kasi ng gabi pero maliwanag pa naman dahil sa mga street light dito.

"Anong gusto mo Ajane? Pupunta kami ni Russel sa may Mcdo dun oh, binili sana kami dun ng pagkain." Tanong sakin ni Chris.

"Ah, sasama na lang ako." Sagot ko.

"Wag na Ajane maiiwan dito si Nathan." Sabi ni Chris.

"Hindi ka sasama?" Tanong ko kay Nathan habang sarap na sarap sya sa pagkakaupo. Naglatag kasi kami dito ng tela yung parang sa mga picnic groove lang ang peg.

"Hindi. Mukha bang may balak ako? tch!" Sagot nya.

"Eh di maiiwan ka dito!" Sabi ko. Nakakainis 'to magtatanong ng maayos yung tao eh. Psh!

Tatayo na sana ako nang bigla nyang hawakan ang kamay ko. "Dito ka lang." Sabi nya.

"At bakit naman? Ha?" Tanong ko.

Tumingin sya sakin. "Baka ma-rape ako, Ajane. Tingnan mo ang daming babaeng nakatingin sakin oh. Natatakot ako sa kanila." Sabi ng Nathan na 'to.

Bigla akong napatawa. "Haha.. Ano ka'ba Nathan! Hahah.. Parang bak.."

"Subukan mo lang ituloy ang sasabihin mo ha halikan kita." Sabi nya.

Nanlaki ang mga mata ko. "Okay I zipped my mouth. Chris ibili mo na lang ako ng double patties na burger at large fries samahan mo na din ng large coke float at isang Mcflurry. Yun lang diet ako eh." Sabi ko sabay abot ng bayad habang nakangiti.

"Sure ka Ajane diet ka?" Tanong ni Chris.

"Haha joke lang noh, Gutom na kaya ako. Haha." Sabi ko.

"Haha! Ikaw naman Nathan?" Tanong ni Chris.

"Katulad ng kanya pero yung burger isa lang ang pattie, yung fries regular lang pati yung coke float regular din. Ayoko ng Mcflurry." Sabi ni Nathan.

"Okay, copy sir." Biro ni Chris. "Bili na kami ha, dyan muna kayo." Sabi pa nya.

Umalis na sila. Naiwan kami dito ni Nathan. Kinuha ko na lang ang phone ko, maitext si mama kasi baka gabihin ako ngayon.

[To: Mama]

"Mom, kasama ko po si Chris at iba pa naming kaibigan. Baka po gabihin ako ma, wag po kayong mag alala sakin nandito lang po kami sa may teen park. Nagkaganyan po kasi. Love you ma."

[sent]

"Sinong tinext mo?"

Napatingin naman ako kay Nathan.

Tenen..ten..tenen.. Mom is calling...

"Wait lang ha." Tumayo ako at lumayo ng konti.

Sinagot ko tawag ni mama. "Hello ma?"

[Buti naman naisipan mong mag text kung nasaan ka. Sinong kasama mo bukod kay Chris? Ilan kayo?]

"Apat po kami ma."

[Sino-sino?]

"Mom, naman daming tanong."

[Ajane..]

"Si Chris po, si Russel at si Na...."

[Nathan?]

"Opo mommy kasama ko po anak nyo, wag po kayong mag alala wala pa naman po sa isip namin ang mga ganong bagay. Study first po muna kami, hindi ko naman po minamadali si Ajane eh." Sabi ni Nathan pagkatapos nyang agawin ang phone ko sakin.

Secretly Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon