"Jinhye!!!" Isang sigaw ng babae ang gumising sa mala prinsesa kong pag tulog.
Napa upo ako sa kama mula sa pagkakahiga. Habang kinukusot ang aking mata.
"Gabing gabi ka ng umuwi kagabi kaya hindi na kita naabutan at nakatulog na ako. Nako ikaw talagang bata ka."
"Sorry po ma."
"Aba't sino naman yang nakasulat ng pagkakalaking Mark na yan? Akala ko ba Nathan ang pangalan ng boyfriend mo? Nako Jinhye."
"Ah eh ma.."
"Sandali, parang yan yung pangalan ng lalaking nag dala ng cellphone mo dito kanina. Naiwan mo daw ng sumakay ka ng taxi. Eto oh, yan ang dami pang text ni Nathan." Sabi ni mama saka inabot sakin ang phone ko.
Naguguluhan ako sa mga nangyayari, akala ko nananaginip lang ako kagabi tungkol kay Mark, eh bakit sya ang nagsauli ng phone ko.
"Sino daw mark ma?" Tanong ko.
"Anak daw ng driver ng sinakyan mong taxi kagabi." Sagot ni mama.
"Nandyan pa ba ma?" Tanong ko, habang nagmamadaling tumayo at maglakad palabas ng kwarto ko.
"Kakaalis lang. Nagmamadali nga ata. Bakit ba Jinhye? Kilala mo?" Tanong naman nya.
"Ah eh. Hindi ma, baka may naalala na naman ako." Sagot ko. Nagiging weird mga nangyayari sakin ngayon.
"Sya, magaayos ka na at may pasok ka pa. Tanghali na oh."
"Opo." Sabi ko saka nag simulang mag ayos.
(NATHAN POV)
Halos hindi ako makatulog simula ng gawin sakin yun ng Ajane na yan. Patay talaga sya sakin. Naalala ko pa ang mga pangyayari.
*flashback*
Dahan dahan syang lumalapit sakin, medyo kinakabahan ako sa ginagawa nya. Hindi ko sya maintindihan, sine seduct nya ba ako? Fvck this feeling! Hindi ako makakatanggi nito!
"Uwi.. Ka..ya.. tayo... A..jane.." Sabi ko, hindi ko mapigilang mapalunok kasi ang totoo nagiinit ako sa kanya. Fvck! May ganito palang mode 'tong babaeng 'to.
Kitang kita ko sa mga mata nya ang pangaakit. Patuloy parin syang lumalapit sa akin hanggang sa maglapat ng bahagya ang mga katawan namin. Fvck men! Nagiinit na ako.
Ramdam ko ang pamumula ng aking mukha. Dahan dahan nyang ikinawit ang braso nya sa leeg ko. Nanlaki ang mata ko nung ginawa nya yun, Akmang magsasalita ako ng hawakan nya gamit ng isa nyang daliri ang labi ko. Ano kayang nasaisip ng babaeng 'to? Talaga bang ganon nalang ako ka gwapo para akitin nya, nadadala naman ako sa matinong usapan eh hehe.
Inalis na nya ang daliri nyang nakasangga sa bibig ko at dahan dahan nyang inilalapit ang labi nya sa akin, hindi pa man naglalapat ay hindi ko napigilan ang mga mata ko na unti unting magsarado. Fvck!
Boooogsh!
*flashback end*
Letcheng babae yan! Paasa! Tangna! Untugin ba naman ako. Fvck talaga nakakahiya dahil akala ko gagawin nya talaga yun. Putek! Hindi parin ako maka paniwala na kaya nya yung gawin. May araw din yang babaeng yan sakin! Humanda sya!
Maaga akong nagising, naalala ko nga pala yung assignment ng professor namin hindi ko pa nagagawa. Tumayo na ako sa kama at kumuha ng papel at ball pen. Sino naman kayang ilalagay ko dito.
Magsusulat na sana ako ng pangalan, kahit sino na lang nang..
"Fvck! Naman oh!"
Walang tinta yung ball pen. Pumunta ako sa may drawer sa kwarto ni ate, may ball pen siguro sya. Asan ba yun? Agang aga wala sa bahay.
BINABASA MO ANG
Secretly Loving You
FanfictionHanggang kailan mo kayang hindi sabihin ang iyong nararamdaman? Kung kailang kasama mo sya o Kung kailang kasama na sya ng iba? Siguro ang hirap magmahal ng palihim, tipong nasayo na sya pero ayaw mo pa. Pa ano kaya iikot ang mundo nina Jinhye Lee...