"Jusko!!!!"
Napasigaw ako when I see it. I caught him in the act. Nagising ako habang unaakyat sa bintana si Charlemagne. Which means umalis na naman siya kagabi?
Eh sleeping beauty pa naman ako sa lalim ng tulog.
Kamusta naman na maabutan ng paggising ng mata mo sa umaga, may umaakyat na parang hayop sa bintana mo?
Scary?
No.
Hot!
Hahaha!
"Anong problema?" Tumakbo siya papunta sa kama ko. At ngayon ko lang napansin kung gaano na kadumi 'yung kama ko. Mga footprints niya?!
"W-wala." I tried to compose myself.
"Hindi ka ba nagtsi-tsinelas?" Tinuro ko ang mga paa niya. Sobrang dumi. Hindi ko na siguro napansin kagabi kung gaano ka-itim ang ibang parte ng bed sheet ko dahil sa kalandiang taglay ko. At dahil na rin madilim!
Unahin ba naman momol 'diba?
Tumingin siya sa mga paa niya at napansin naman kung anong sinasabi ko.
"Patawad."
He's doe-eyed. Hindi alam ang gagawin.
"Carlo, halika." Tinawag ko siya at pinapaupo sa tabi ko.
"Pero 'ang mga paa ko?"
"Hindi, madumi na naman, aarte pa ba?"
Tumabi na siya sa'kin pero halata pa rin pag-aalala.
Actually, hindi ko alam itatanong ko. Hindi ko alam kung seryoso 'yung sinabi niya kagabi na dapat walang tanong-tanong? Ayaw niyang magtanong ako tungkol sa kanya? Eh alangan naman magtanong ako tungkol sa kung anong meron kami.
Girlfriend lang ang peg?!
"Hahahahahaha!" Natawa na naman ako sa iniisip ko. Para kasi akong may ka-live-in na stranger!
"Anong nakakatawa?"
"Wala. Um, Carlo." Hinawakan ko siya sa balikat. "Ano 'tong ginagawa natin?" Ngumiti pa ako. Pabebe ako amputs.
"Ginagawa natin?"
He's still playing the charade.
"Eto." Tinaas ko 'yung kamay naming magka-hawak.
Imbis na sumagot, tinanggal niya na lang 'yung kamay niya na parang nahihiya. Ano ba 'to.
"Hindi kasi hindi naman tayo magkakilala talaga 'diba?" Napapakamot ako. Para akong nagtuturo sa bata.
"Magkakilala na tayo. Ikaw si Lauren, ako si Carlo Magno."
"Hindi. Ang ibig kong sabihin..." Pano ba 'to. Siyempre sabi niya nga hwag akong magtatanong tungkol sa kanya. Pero paano? "Hindi naman tayo talaga magkakilala dahil ayaw mo naman akong magtanong tungkol sa'yo... Pero naggaganito tayo."
Geez. I can't believe I'm this 'accepting' as a person. Kasi sa totoo, maangal nga ako sa life eh. Pero... Ganito ba ako ka-liberated? Eh Tinder nga hindi ako gumagamit, considering may details na 'yung makaka-match mo 'dun na connected sa facebook usually 'yung mga profiles.
Eh 'eto, napulot ko lang siya sa batis?! Connect na kami agad-agad?
"A-anong ganito?"
Facepalm. Paano 'to Lord.
![](https://img.wattpad.com/cover/44208800-288-k920680.jpg)
BINABASA MO ANG
Loving Charlemagne Baldivia
WerewolfNapakawalang kwentang fantasy! Yep. Isang pantasya nakakatawang pagpapantasya kay Carlo Magno Baldivia.