"Natatakot ka?"
Hindi ko pa rin alam kung saan lilingon. Naririnig ko siya pero I couldn't really point out where. It's like one second he's right beside me, pero pagkatapos nasa malayo na ulit 'yung boses niya.
"Hindi ako natatakot."
"Natatakot ka. Umiiyak ka."
Walangyang 'to. Jinudge na ako agad?
"Hindi nga ako natatakot!" Naiinis na 'tuloy ako.
"Lauren--"
"Kapag umiiyak, takot agad? 'Di ba pwedeng masakit kasi?!" Jusko nakakagigil talaga siya. Suddenly, I have a theory na wala na siyang alam sa mundo siguro kundi momol, magpa-gwapo, at maging wolf. Kapag common sense na, diyan tayo nadadale!
Masakit pwet ko malamang iiyak ako. Takot ba pag masakit pwet?
"Halika." I felt his hands from behind, slowly wrapping around my waist. Itinatayo ako.
"Teka lang. Teka."
I'm curious about one thing.
"Gusto ko lang itanong kung may damit ka na."
I heard a grunt which constituted as a little laugh. Aba. Pinagtatawanan niya ako. Hinila niya ulit ako patayo in another attempt to pull me close. Pero hindi ako nagpatinag.
"Ano nga. Meron nga? Meron ka na bang damit ulit?" I pushed the question. Mamaya-maya, makita ko na naman kahubdan niya. Dahil sa totoo, I have a feeling that I passed out not just because of his beastly transformation, pero dahil din sa nakakalokang hubo't-hubad na katawan niyang naka-display lang sa harap ko. Oh yes.
Pero hindi siya sumagot.
"Aahhh! Saglit! Saglit-saglit wait lang." Napasigaw na lang ako habang bigla niya akong hinihigit hanggang sa hinarap niya ako sa kanya. Madilim pero naaninag ko at naramdaman ko na may damit naman pala siya. Thank the Gods. May damit naman siya. May jeans.
So nagpapantalon pala ang mga lobo? I'll take note of that.
"Bakit nakatingin ka sa pantalon ko." I was too busy overthinking kaya hindi ko namalayang obvious na obvious na pala ako sa pagtingin sa pambaba niya.
"Paano ka nakapagdamit?"
"'Yan talaga ang iniintindi mo?" Pinunasan niya 'yung luha sa pisngi ko. Tska siya lumuhod at tinignan 'yung tuhod ko na parang malinaw niya itong nakikita kahit madilim.
Well, I think he can really see it clearly. He went to check the places that really hurt. Apparently, hindi lang pandinig ang malakas sa kanya, he can see everything in this pitch black forest.
"Halika iuuwi na kita."
He scooped me hanggang buha't-buhay niya na naman ako katulad nung unang nagkita kami dahil nabubog ako.
And thinking about it, never ko palang naramdaman na 'yung sakit ng sugat ko sa paa. It's like it never happened. Kung hindi ko pa inisip, hindi ko maalala. Gumaling na pala agad 'yun?
Habang naglalakad siya ng walang tigil sa dilim, hindi ko alam kung saan ako titingin. So I kept staring at his eyes. Intense. His features seems softer than before, nung bago siya umalis, pero 'yung mga mata niya hindi ko maintindihan kung galit o naiinis.
"Uy teka Carlo, wait." Hinawakan ko siya sa braso nang mapansin kong malapit na kami pumasok sa fence. "Baka may tao, baka makita ka nila."
"Walang tao. Kung magtatagal pa tayo ng isang minuto, makikita na nila ako."
BINABASA MO ANG
Loving Charlemagne Baldivia
Hombres LoboNapakawalang kwentang fantasy! Yep. Isang pantasya nakakatawang pagpapantasya kay Carlo Magno Baldivia.