(2) simula

1 0 0
                                    

Nakita ko na lang ang mga sasakyan ng mga pulis na nakapaligid na pinangyarihan. May mga wizard din na kasali sa opisyal lalo na kapag ganito ang pinupuntahan nila.

"Mga bata, kayo ba ang tumalo sa halimaw?" Sabi nung mama na naglalakad papalapit samin. Aakma pa lang sana ako ng may malalim na tinig na sumagot.

"Ako lang po boss, wala namang ginawang 'yang isa kung hindi mamangha sa kagalingan ko!" Mataas ang tindig niya habang sinasabi iyon.

Ano ulit?! Bastos na lalaking 'to! Ano naman ang in-expect niyang magagawa ng tulad ko?! Nabubwiset talaga ako rito. Ang sarap pigain ang leeg hanggang sa magkulay violet siya.

"Sorry ha, hindi pa naman kase ako nakikipagbakbakan at wala pa akong karanasan. So anong in-expect mong magagawa ng babaeng tulad ko?" I said sarcastically.

Parang hindi siya nainis at ako lang ang mas nag-init ang ulo. "Weh? Babae ka pala?" Doon ay parang tinamaan ako ng sunod-sunod na kidlat.

Bago pa may mangyari ay pumagitna na sa amin ang pulis. "Tama na 'yan, ipagamot niyo muna ang mga sugat niyo saka kayo sasama samin para sa statement," rinig ko pang sabi nito habang ako ay lumilinga-linga na para maghanap ng ligaw na stick para maisaksak ko hambog na lalaking 'to. Kunin ko na lang kaya ang baril niya? Tapos iputok ko bigla sa sintido ng mayabang na lalaking 'to?

"Kuya oh, balak yatang barilin tayo." Agad akong nagising. Nahuli pala niya akong nakatingin sa baril. Tumaas lang naman ang kilay ni kuyang pulis.

Oo ikaw gusto kitang patayin. Nakakairita! Hanggang sa makarating kami sa medic area suot-suot pa rin nito ang ngisi niya. Mukha siyang adik puweh!

Mahanginan sana siya at nang hindi na mabalik 'yang labi niya!

"Magpalit muna po kayo ng damit." Pareho kaming inabutan ng isang paper bag na sa tingin ko ay nandon ang aming pamalit at iba pang kailangan. Umalis din naman yung babae at naiwan kami sa tapat ng banyo ba 'to ay ewan.

Iisa lang ito kaya syempre ako dapat ang mauna. Lalakad na sana ako ngunit nang buksan ko ang pinto agad naman din iyong sumara. Iyong hampas lupang lalaki ang may gawa.

Gamit ang matatalas kong tingin ay tinitigan ko siya. Halos makalimutan kong galit ako sa kaniya sa itsura nito. Ngayong malapitan talaga namang.... Hindi! Mukha siyang uwak!

"Ano ba?!"

"Ako ang mauuna, sino ba ang may ginawa?" Sumbat pa. Sumbatero. Biggest turn off ka na!

"Sino ba ang babae?" Sabi ko na parang gusto ko na lang din bawiin dahil agad itong ngumisi. Luminga-linga siya sa paligid saka bumalik sa akin ang tingin.

Bumagsak ang tingin niya sa aking dibdib at tumagal doon ng ilang sandali.

"Wala e," inosente nitong sagot. Kung kasing laki lang niya talaga ako ay ibinaon ko na ito sa lupa. Paano hanggang balikat lamang ako nito.

Wala na akong nagawa at hinayaan na lang siya. Narinig ko pa ang bahagyang pagtawa nito. Pati boses ang panget parang siya!

Nang nag-iisa na lang ako doon ko naalala na naman ang nangyari kanina. Patikim pa lamang iyon, sigurado akong marami pa akong masasaksihan na senaryo.

Sa sandali ay nakaramdam ako ng pangamba. Talaga bang kaya ko? Paano pala kung talagang malalakas sila at hindi ko magawang makipagsabayan?

Bahala na nga. Naniniwala akong hindi mo malalaman ang isang bagay kung hindi ikaw mismo ang susubok nito. Hindi ka lalago kung hindi ka susugal. Parte iyon ng ikot ng buhay. Wala kang makukuha kung hindi ka marunong magbigay.

Minsan may mga pagkakataon na inaayawan natin ang isang bagay kahit hindi pa naman talaga natin nasusubukan. Dahil sa takot, sa duda kung magagawa mo ba iyon. Pero naniniwala akong hindi mo dapat problemahin 'yon. Saka mo na isipin ang isang bagay kapag nangyari na. Pero minsan ang hirap.

Tumunog ang pinto at doon lamang ako nagising. Mabuti na lang at napawi ko ang aking wisyo bago niya na naman ako makita.

Seryoso ang mukha niya paglabas habang nagpupunas pa. Ngunit napawi rin iyon ng makita ako. Tumaas ang sulok ng labi nito at nandoon na naman ang kung anong liwanag sa kaniyang mata. Para bang nabuhay iyon dahil may mabwibwiset na naman siya.

Inirapan ko ito. Ayoko na siyang titigan! Ang panget niya! Hindi bagay sa kaniya ang kulot 'no! Mukha siyang pancit canton na spicy flavor.

Pumasok na ako bago pa bumuka ang bibig niya. Sana lang talaga ay ito na ang huling pagkakataon na makikita ko ang hambog na lalaking 'yon.

Ang yabang akala mo naman pogi at mabango. Mukha siyang ipis! Mukha siyang tipaklong! Masama talaga ang pakiramdam ko. Kapag nakikita ko ang mukha niya pakiramdam ko magiging miserable ang buhay ko kapag nakasama ko pa siya.

Manefesting na hindi na siya makita.

Ilang minuto ko rin siyang sinumpa sa loob at napagdesisyunang lumabas na. Ang buong akala ko ay umalis na ito ngunit kabaliktaran ang nakita ko.

Naka-dekuwatro ito habang nakatingala. Doon ay nadedepina ng husto ang bawat hulma ng kaniyang mukha. Sino ba ang artist nito? Ang panget!

Naramdaman niya lang na nakalabas na ako at doon bahagyang inihilig ang ulo. Napakapit ako ng wala sa oras sa doornap. Pa-cool masyado e hindi naman bagay 'no.

Nagulat ako ng tumayo na ito. Nasa bulsa ang isang kamay. Matangkad siya... Bwiset ang tangkad niya. Alam kong kasing edad ko lamang ito pero kumpara sa mga kalalakihang makikita mo ay talagang naiiba siya. Maganda na kase ang tindig niya at talagang nadadala niya ang sarili.

Nagulat ako ng maglahad ito ng palad. Puputulin ko 'yan? Puno ng pagtataka akong tumingin sa kaniya.

"Cedeen Atratos," ang kaniyang tinig na hindi ko alam kung normal ba dahil sa lalim. Para kang mahuhulog at isang pagkakamali iyon. Nagliliwanag na naman ang mata niya, ang mata niyang pula.

Nasa ere pa rin ang kamay nito. Teka anong gagawin ko? Kakamayan ko ba siya? Yuck! Ako rin ang kinilabutan sa naisip ko. Bago pa ako makapagsalita ay tumalikod na ito. Suot pa rin ang mapaglaro niyang ngiti.

Sandali niyang ikinumpas ang kamay sa ere at doon nagsalita. "Hanggang sa muli nating pagkikita,"

Muli?! Anong muli? Ayoko na!

Mula sa biglaang pagsulpot ng isang halimaw sa isang lugar na sakop ng blue zone hanggang sa pagkikita namin ng lalaking na Cedeen daw ang pangalan. Ang daming pumapasok sa aking isipan. Pero ano 'tong nararamdaman ko? Excitement? Nababaliw na ako...

Pero sa kabila no'n may kung ano sa loob ko ang nagsasabing ito na. Ito na ang simula ng kabanata ko aa mundo ng mahika. Ang pagpasok at pagpili ko sa daan nila. At ang lalaking 'yon, para bang magiging malaking parte siya ng paglalakbay ko.

WIZARD ( The Flying Titans)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon