Nagsimula na ang pangalawang pagsubok para sa mga manlalahok ngayong taon. Hindi ko alam na ganito pala ang magiging karanasan ko. Ibang-iba kasi ito sa mga naunang Wizard Qualifiers Exam, ang layo tuloy ng imagination ko.
Bago lumihera ang mga team na nabuo ay binigyan sila ng mga numero bilang palatandaan.
"Nandito na ang pagkakasunod-sunod ng bawat team," ang lahat ay tumingin sa biglang pag-flash ng isang screen sa ere. Unti-unti ay lumabas doon ang mga numero at kung anong rank iyon.
"Ang nasa ikalawang ranggo ay ang team number 6!" Pag-announce. Teka, bakit blangko iyong una? Hindi ba niya sasabihin kung sino ang nasa unang puwesto?
Wala akong inaasahan sa rank namin dahil hindi ko pa naman alam kung anong mahika nila at kung gaano sila kalakas. Base sa mga pinagdaanan ko habang kasama sila, hindi ko na rin siguro gugustuhing malaman.
"At ang nasa unang ranggo naman ay walang iba kung hindi ang..." Ano 'yon? Bakit siya huminto? Bigla na lang akong nakaramdaman ng kakaiba, parang may maling nangyari. Nawala ang aking pagiisip ng bumalik na sa pagsasalita si kuyang host. "Team 8!"
Tumango-tango ako. "Sabi na nga ba–" hindi ko na natapos dahil unti-unti nag-sink in sa akin ang narinig.
"A-ano... ANO RAW?!" Tumalsik pa yata ang mga laway ko at nagsidapo sa kung saan. Namumutla ako sa gulat. Paanong nangyari 'yon?!
Sinabi pa ng host ang iba pang team pero hindi ko na iyon pinansin. Gulat na gulat pa rin sa narinig, nasa unahan kami?! Seryoso ba 'to?
Gulat na gulat din sila, gulat na gulat maliban sa isa. Kay Asahi. Sa itsura nito ay parang naaaliw pa, sino ba talaga ang babaeng 'to?
"Totoo ba 'yon? Tayo ang una? Kung ganon hindi ganon kalakas ang mga kalaban?" Hindi rin makapaniwala si Namin.
"Malamang, hindi na rin ako magtataka dahil kasama niyo naman ako," naghugis puso ang mga mata ni Namin at parang bunudburan ng asin sa likot. "Tama ka, hubby!"
Naipatong ko ang aking baba sa aking kamay na nakatiklop. Paano nga kaya? Baka dahil talaga sa 'kin? joke siyempre, isang hampas lang siguro sa 'kin ng kahit sino rito ay sure akong magpa-fly away ako.
"Meron pa! Dahil nalaman niyo na ang mga ranking, ito ang plot twist, ang sinumang team na makakapag-out sa nasa unang ranggo ay awtomatikong pasok na at aabante sa susunod na pagsubok,"
Doon ay sabay-sabay kaming namuti. Parang pinihit sabay-sabay ang kanilang ulo at itinutok sa amin.
"Hindi pa nagsisimula pero parang gusto na nila tayong patayin,"
"Nakakatakot sila!"
"Shit, mahihirapan tayo,"
"Ano ba namang kamalasan ito," napapahilot kong sabi.
Parang natakpan ang kalangitan at biglang dumilim. Ang simoy ng hangin ay numipis.
Ang mga tingin nila, para kaming ginigisa!
Kami ang nasa una kaya siguradong mainit kami sa mga mata nila. Kahit iyong koponan ng team na nasa pangalawang pwesto umaabot sakin ang mga boses nila.
Para silang mangangatay!
Hindi ko alam pero siguro iniisip nila na mas mabilis at madali kung kami na lang ang tatargetin nila para makapasok. Sa bagay, kahit ako ganon ang iisipin. Pero parang hindi man lang sila natatakot? Excuse me, rank 1 kami matakot naman kayo!
"Ready team?" Kumabog ang dibdib ko.
Magsisimula na.
"The battle begins in 3..."
BINABASA MO ANG
WIZARD ( The Flying Titans)
FantasíaWizard, tungkulin ng isang wizard na labanan ang kasamaan. Ang puksain ang mga halimaw. Ang magligtas. Ang mga salamangkero ay palaging nasa panig dapat ng liwanag. Ara will do anything just to fulfill her biggest and highest dream. Ang makilala bil...