"Pajama check. Jacket check." Isa-isa kong chinechekan ang bawat box para masigurong wala akong maiiwan.
Dumating na ang araw na pinakahihintay ko. Ang araw ng aking pakikipagsapalaran.
"Parang sobrang saya mo ha," si yumi. Number one basher ko sa buhay.
"Syempre excited!" Nagpatuloy ako sa paghahanda. Maya-maya lang ay dadating na ang inupahan kong sasakyan para sa paglalakbay ko.
"Tatawanan kita kapag namatay ka," tanging nasabi nito. Noon pa man ay alam kong may duda si Yumi sa aking balak. Nag-ooverthink siya na baka mabalitaan na lang daw niyang wala na ako at nakain na ng buo ng mga halimaw.
"Tawa well," pang-aasar ko sa kaniya kaya binato ako nito ng unan. Nasa higaan ko kase ito.
Sandali kaming naging tahimik ngunit nagbukas na naman siya ng topic.
"Ara tingin mo magiging masaya ka?" Nabigla ako sa tanong nito. Buong-buo naman na ang loob ko tungkol dito kaya sigurado akong magiging masaya ako.
"Naman, bakit mo natanong?" Bumagsak ang tingin niya sa ibaba at umiling. Tumango ako, ayaw nang ungkatin ang kung ano mang naglalakbay sa kaniyang isipan.
Transparent si Yumi sa nararamdaman niya. Hindi niya iyon kinahihiya kaya madalas ko siyang marinig na ngumawa. Kani-kanina lang habang papa-alis ako ay kulang na lang ay maglupasay ito.
Kahit ganoon grabe ang suportang ibinigay niya sa akin. Si Yumi ay matagal ko ng kaibigan at wala akong balak na ipagpalit siya. Subukan lang niya akong ipagpalit at talagang masasakal ko siya.
Habang nasa byahe ay lumilipad na naman ang isip ko. Halo-halong emosyon ang nararamdaman. Excited kase matagal ko na 'tong hinintay at gustong mangyari. Kaso natatakot din ako, nakakatakot na umuwing bagsak ang balikat. Parang hindi ko yata kaya kapag hindi ako nakapasa.
Pagbubutihin ko!
Maya-maya ay tumigil na ang sinasakyan kong sasakyan. Hila-hila ang isang maleta ko ay bumaba na ako.
Paglabas ko pa lang ay nagsitayuan na ang mga balahibo ko.
Sa pagdilat ko roon tumambad ang tila malaparaisong tanawin.
Ang ganda! Ito na nga 'yon, ang Aoba! Ang isa sa mga kilalang bayan na pinaninirahan ng mga manglalakbay. Hmm, pati ang hangin ay mabango.
Sa nakikita ko parang piyesta ang nagaganap dito. May mga tindahan sa bawat sulok at may iba't iba silang pakulo. Parang mga ganap lang sa school ang peg.
Kahit gusto ko pang maglibot sa bayan minabuti ko munang puntahan ang tutuluyan ko. Nandito ako ngayon sa Basyon Central, malapit ito sa simbahan na hindi rin kalayuan sa gaganapan ng Wizard Qualification Exam. Hindi na rin naman masama ang nakuha kong tutuluyan.
May isang kuwarto ito at malaking sala, may mga libreng kagamitan pa! Ang ganda rin ng banyo nila dahil may hot water at shower!
Grabe, pakiramdam ko nasa isang nobela ako at ako ang bida! Para akong siraulo na tumatawa at minsan ay iikot sa kama. Lumipas ng ganoon ang gabi ko at dumating na nga ang pinaka hihintay ko.
"Late na ako!" Parang gusto kong ibato ang kabibili ko lang na alarm clock dahil hindi naman 'to tumunog! Humanda talaga sa 'kin si Yumi!
Sobrang bilis ko lang naghanda halos matapilok at ma-untog ako sa mga kanto sa kakamadali. Ang malas naman, ito ang first day ko kaya bakit kailangang ma-late ako?!
Sa wakas natapos na ako at naghanap na ng masasakyan. Buti na lang at madali lang ako nakasakay. Hindi mapakali ang paa ko habang nasa loob ng bus, bakit ba ang bagal nito?!
BINABASA MO ANG
WIZARD ( The Flying Titans)
FantasyWizard, tungkulin ng isang wizard na labanan ang kasamaan. Ang puksain ang mga halimaw. Ang magligtas. Ang mga salamangkero ay palaging nasa panig dapat ng liwanag. Ara will do anything just to fulfill her biggest and highest dream. Ang makilala bil...