(5) team up

0 0 0
                                    

"So sinasabi niyong iisa ang nangyari sa ating lahat?" Nakataas kilay na tanong pa ni blonde hair.

Matapos namin malagpasan ang nakakasirang ulong pagtatagpo kanina nag-uusap-usap na kami ngayon. Hindi ako makapaniwala anong ginagawa ng panget na 'to rito?

Hindi ko alam pero hindi pa rin ako masanay-sanay sa kislap ng kaniyang mga mata. Makikita mo ang lihim na pagkislap no'n ngunit nangingibabaw ang pagiging malamlam. Para kang lumulutang sa tuwing mapapatingin ka rito.

"Abala naman talaga," bulong ng lalaking kanina lang ay magiging dahilan ng maaga kong pagkamatay. Ngayong natitigan ko ito. Mabilis niyang pinasadahan ang kaniyang malagong buhok. Bagsak ito na bumabagay sa kaniyang orihinal na mata. Simple lang siya kung titingnan mo.

Walang kulay ang buhok, ang mata. May hikaw siya sa gilid ng kaniyang labi na talagang dumagdag sa kaniya. Halos magkasing tangkad lang sila nung Cedeen, hanggang balikat lamang nila kami maliban lang doon sa blonde hair na abot tenga nila.

"Mabuti pa maghanap na tayo ng kung anong clue or ano rito at nang makalabas na tayo,"

"Ikutin muna kaya natin ang paligid," ito ang unang beses na nagsalita iyong babaeng patay na patay sa black hair guy. Kalmado siya at maamo na hindi tulad kanina na mukhang kakain talaga siya ng buhay na tao.

"Naikot ko na ang lugar, walang kahit na ano akong nakita,"

Awtomatikong lumingon ito sa akin na may madidilim na mata. "Kinokontra mo ba ako?" Malalim na tinig niyang usal.

"Hindi! Sinasabi ko lang para hindi na tayo magsayang pa ng oras! Saka may oras na ibinigay 'di ba, malay natin kung gaano na kalaki ang naaaksaya,"

"Sinasabi mong pagsasayang lang ng oras ang mga sinasabi ko? Ganoon ba?" Asik niya.

Mukhang walang tamang sagot sa babaeng 'to. Halata naman na pinag-iinitan niya ako!

"A-ah..."

"Pagsasayang naman talaga sa oras ang sinabi mo," napalingon ako ron sa Cedeen magsalita ito. Parang wala lang sa kaniya iyong sinabi at nakataas pa ang parehong mga braso na nakapuwesto sa likod ng kaniyang ulo.

Sabay-sabay kaming napasinghap ng umalingawngaw ang isang malakas na tunog.

"Aray! Bakit mo ako sinuntok?!" Uubo-ubong sabi niya. "Baka maglaho yung abs ko!" Napa-irap ako.

"Gumawa ka naman ng paraan," lapit ko ron sa lalaking black hair.

"Ano naman ang gagawin ko?" Burdong sagot niya. Ito naman akala mo palaging gustong humilata e.

"Hoy ikaw! Pagsabihan mo nga 'tong girlfriend mo! Hindi ako namamatol ng babae kaya kapag ako namatay!" Sigaw sa amin nung Cedeen.

"Engot! Hindi ko 'yan girlfriend, ni hindi ko nga 'yan kakilala!" Nagising yata yung diwa nung black hair at napasigaw na rin. Nahinto saglit si Cedeen at saka ipit na napatawa. Tinuro niya ang babae. "Basted ka pala e–"

Isang sapak uli ang natampo niya. Sinasangha niya iyon ng laniyang braso na may laman at mukhang tigasin din kaya siguro kahit papaano ay hindi masakit.

Ang gulo nila! Hindi ako nagpunta rito para dito!

Sabay-sabay kaming napapiksi ng may mga nagsisulputan na mga espada at nakatutuok na sa amin. Walang sino man ang nakagalaw at ang lahat ay gulantang.

"Enough with chitchat, saka na kayo magpatayan kapag nasiguro ko ng pasado ako," Kalmado ngunit puno ng pagbabanta ang kaniyang tono.

Narinig ko pa ang lunok ng bawat isa. Iba pala 'to kapag nagseryoso!

WIZARD ( The Flying Titans)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon