(8) huwag kang mahuhulog

0 0 0
                                    

"Binabati ko kayong lahat dahil nalagpasan niyo ang unang pagsubok!" Maligayang aniya nito.

"Bibigyan ng oras na makapagpahinga ang mga manlalahok bago sumabak sa pangalawang pagsubok na magdidikta kung karapat-dapat nga silang tawaging wizard! Iyon lamang mga peoples!" Pagkatapos ay agad na ring nawala ang boses.

Hindi ko alam kung papaano at kung kailan kami nakarating dito. Naawa na siguro mismo iyong halimaw at siya na ang naghatid sa amin. Ang alam ko lang kasi ay muntikan na akong mawalan ng malay tapos ay nagliwanag na lang ang paligid, pagkatingin ko ay nandito na kami.

Hindi ko alam kung matatawag mo ba 'yon na suwerte. Hindi bale na nga, magpapahinga na muna ako dahil pakiramdam ko malapit na akong pumanaw. May mga binigay na room sa mga manlalahok, libre ang lahat dito pati ang pagkain.

Laking pasasalamat ko sa lahat ng santo at nawala na rin sa paningin ko ang mga wirdo na 'yon. Ewan ko ba, puro kamalasan ang nangyayari sakin kapag kasama ko sila.

Nakarating na ako sa kuwarto, sakto lang ang laki at may sariling cr na rin. May mga pagkain at higaan na–

"ANONG GINAGAWA NIYO RITO?!" Halos lumuwa ang aking mga mata sa nakita. Paglingon na paglingon ko ay doon, may hampas lupang nakahiga sa kama ko! Si Cedeen!

"Bakit ba ang ingay niyo?" Napa-igtad ako. Si Nicolas na nasa gilid ng kama, natatakpan ng kumot!

Magsasalita na sana ako ng may bumangga sa akin mula sa likuran. Nasubsob tuloy ako sa sahig.

"Hubby! Kumain ka na, pinaghanda kita oh," pati ang pagkain ko?!

Mga wala ba silang kuwarto?! Ayoko na! No! Tumakbo ako kung saan nakalagay ang mga damit at iba pang gamit ko. Ako na lang aalis, ayoko na!

Ang kaso ay pagbukas ko pa lang ng cabinet niyakap na ako ng mga mabibigat at sandamakmak na kung ano-anong uri ng patalim.

"Ang mga espada ko, ang mga baby ko." Hinimas-himas pa ng babae ang mga sandata na akala mo ay batang nasaktan.

Samantalang ako na nadadaganan ay hindi alintana! Muntik pang tumarak sa leeg ko iyong maliit pero matalim na sandata niya.

"T-tulong! Tulong...." Nakataas ang isa kong kamay, humihingi ng saklolo.

"Hoy anong nilalaro niyo? Mukhang masaya ha," tumatawang sabi nung Cedeen.

Umaapoy akong sumigaw, gusto kong pilipitin ang leeg niya hanggang sa magkulay violet siya! "Mukha ba kaming naglalaro?! At saka bakit. Kayo. Nandito?!" May diin sa bawat sabi ko.

Kumakamot itong humarap sa akin, naka-upo siya sa kama ko habang may unan na nakapatong sa mga hita niya. "Binisita lang kita baka kasi namiss mo 'ko,"

"At bakit kita mamimiss?!" Sus maryosep!

"Ikaw anong ginagawa mo rito ha, Nicolas?!"

"Ano pa ba edi nagpapahinga, namali ako ng pasok tapos tinamad na akong maglakad kaya nahiga na lang ako," napaka walang kuwentang paliwanag grabe! Ngayon lang ako nakasalamuha ng mga katulad nila.

"At ikaw–"

"Hindi ko naman gusto na nandito ako bukod sa maliit, marumi at mainit hindi ko rin gustong makita ang mukha mo pero no choice, nandito ang hubby ko,"

"Wow thankyou ha!"

Napasintido ako.

"Hindi mo ba ako tatanungin?" Udyo sa akin ni Asahi.

"Hindi na."

"Okay, kaya ako nandito dahil masyadong maliit iyong kuwarto ko, hindi ako makakapagpahinga nang maayos kung ganon, saka mag-isa lang ako ron, natatakot ako," hindi ko talaga malaman-laman kung nasa tamang pag-iisip pa ang babaeng 'to.

WIZARD ( The Flying Titans)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon