=Prologue=
"Hi, love!" Bati ko kay Gyo pag pasok nya sa kwarto namin, pero hindi niya ako pinansin at nag deretso siya sa banyo. Sinundan ko siya at napasukan ko siya na nasa harapan ng salamin at nakayuko.
"Love, may problema ba?" Nag-aalangan kong tanong. Hindi ko rin malaman kung hahawakan ko ba siya o ano. Sa huli ay ipinatong ko sa balikat niya ang isang kamay ko.
Bigla siyang humarap sa akin at napakatalim ng kanyang tingin.
"May problema nga ba ha, Nao?"
Saglit na kumunot ang noo ko. May naisip na ako na maaari na ikagalit niya pero hindi ko naman kayang sabihin sa kanya. Atsaka malay ko ba kung hindi naman iyon ang tinutukoy niya.
"Tumawag saken si Ate Luktan!"
'Shit! Yun nga pala!'
"O, ano na naman ba daw ang kailangan ng Ate mo?" Nag-iwas ako ng tingin at lumabas na ako sa banyo pero ako naman ang sinundan ngayon ni Gyo.
"Buntis daw sya!"
Kinakabahan na napalunok ako ng laway.
"O, tapos?... Ikaw na naman ba ang magso shoulder sa kanya?"
"Hindi ako!"
"Buti naman kung ganun! Namimihasa na ang Ate mo, e!"
"Ikaw ang mag iintindi ngayon sa Ate ko! Dahil sayo daw ang dinadala nya!" Kalmado pero malamig na sabi sa akin ni Gyo.
"P-paanong ako?"
"E, ewan ko sayo! Paano nga bang naging ikaw?"
3 months earlier
Chapter 1
"Nao, tumawag si Ate Tan. Nagtatanong kung pwede daw ba na dumito muna siya habang naghahanap pa siya ng trabaho?"
Tinapos ko muna ang pagsisipilyo ko saka ko sinagot ang asawa ko.
"O, anong sabi mo?" Tanong ko din sa kanya saka ako tumabi sa kanya sa kama.
"Sabi ko itatanong ko muna sayo."
"Ano ba kasi talaga ang nangyari sa trabaho at apartment na binigay sa kanya ni Ate Ploy?"
"Natanggal na siya sa trabaho dahil mas madami pa ang absent nya sa ipinapasok nya. Iyon namang apartment isinangla daw sa sugalan. Nao, hindi ko na alam ang gagawin ko sa Ate ko, eh!"
Humilig sa balikat ko si Gyo at ramdam ko na labis talaga ang pamumoblema nito sa nakakatandang kapatid. Naalala ko na dahil nga din pala doon sa Ate nya kaya siya nakuha ng Kapatid ko para sa akin. Kahit naman pala sakit sa ulo iyong Ate niya ay may naidulot pa din na mabuti sa amin, iyon ay ang nakilala ko si Gyo at naging Asawa ko.
"Sige, payag ako na dumito muna si Ate Luktan, basta lang wala kamo siyang dadalhin at gagawin na problema dito at sabihan mo din siya na tutulong-tulong siya dito sa atin. Alam naman nya na wala tayong mga kasambahay." Sabi ko na lang para kahit paano ay mabawasan ang alalahanin ng asawa ko.
"Talaga, love payag ka?" Halata na masaya ng hinarap ako nito.
"Oo nga! At saka magtatanong na din ako kay Kuya Pure, baka maipapasok siyang staff sa isa sa mga resort and hotel namin."
"Love, thank you talaga, ha at pasensya ka na din talaga doon sa Ate kong pasaway!"
"Wala iyon! Pamilya ko na din siya atsaka ayoko din kasi na namomoblema ka lagi!" Inakbayan ko ito at hinalikan ko sa noo. "Pahinga na tayo, love at maaga pa ang work natin bukas." Isinabay ko na nga ito sa paghiga ko at saka niyakap ko.