Gyo's pov
Nag file na muna ako ng one week leave sa utos na din ng Mama ng asawa ko. Nakalabas naman na siya ng ospital at nandito na lang sa bahay. Magkasalo kami ngayong kumakain dito sa kwarto dahil ayaw nitong lumabas.
"Love, magtapat ka nga sa akin!"
"Ng ano?"
"Naiilang ka ba na nandito ang kapatid ko sa bahay? Napapansin ko kasi na halos ayaw mo ng humiwalay sa akin pag nandito tayo sa bahay."
Tumango ito.
"E, paano?"
Nagkibit balikat lang naman ito.
Hindi ko tuloy malaman kung paano akong maninimbang sa asawa at sa kapatid ko.
May pera naman ako pero hindi ako sigurado kung dapat iupa ko na lang ng apartment si Ate kasi baka kung ano na naman ang gawin niyong kalokohan. Magaling dito sa bahay namin kahit paano nababanatayan ko siya at nakakasigurado ako na hindi na siya nagsusugal. Atsaka mukha din namang nalilibang na ang kapatid ko sa mga pamangkin niya kaya napagdesisyunan ko ng hayaan na dumito sa amin si Ate. Ako na lang ang bahala sa asawa ko.
Nao's pov
Akala ko nang magsabi na ako na naiilang nga ako sa kapatid niya ay gagawa na siya ng paraan para umalis na iyon dito sa amin pero wala din naman. Siguro madami ang magsasabi na bakit hindi nalang ako magsabi ng totoo sa asawa ko sa kung ano ba talaga ang mga pinaggagagawa sa akin ng kapatid niya. Madali iyon kung iisipin pero sa totoong buhay napakahirap magtapat ng ganitong bagay lalo at alam ko na pwedeng silang magkapatid ang magkasira o kami mismong mag-asawa ang magkagulo. Kaya hanggat kaya kong umiwas, ay iiwas na lang ako. Saka sa dami ng namomolestya sa mundo, bakit iilan lang ang nagagawang magsumbong kaagad? Dalawa lang ang sagot, dahil natatakot at ang iba naman ay nahihiya. Sa case ko pareho ko iyong nararamdaman.
Nasa salas kami ngayon. Nakaulo ako sa hita ni Gyo habang nanunuod kami ng tv pero ang atensyon naman talaga ng asawa ko ay nasa cellphone niya. Bumangon ako para pumunta sa kusina,. Titingin ako ng makukutkot pero nagulat ako ng makasalubong ko ang hipag ko nakatapi lamang ito ng tuwalya bagong ligo ito katunayan ay amoy ko mula sa kinatatayuan ko ang bango ng sabon o shampoo na ginamit nito. Lalampasan ko na lang sana ito pero nalaglag ang tuwalya na tanging tumatakip sa hubad nitong katawan. Nanlaki ang mga mata ko saka agad akong nag-iwas ng tingin pero talagang nananadya ito dahil sa halip na pulutin nito ang towel at muling itapi iyon sa sarili ay bigla itong yumakap sa akin ng nakahubad. Mahigpit ang pagkakayakap nito sa akin at dahil halos magkasing tangkad lang naman kami ay pilit din niyang inilalapit ang labi sa labi ko pero pandiiwas talaga ako at sa despirasyon ko na makawala sa hipag ko ay itinulak ko na ito. Napalakas iyon kaya naman napaupo ito sa sahig. Iyon naman ang napasukan ni Gyo na sumunod yata sa akin. Agad nitong dinaluhan ang kapatid niya at saka binalot ng twalya.
"Anong nangyari dito?" Tanong ni Gyo na tumingin sa akin. "Ate, napaano ka?" Baling naman nito sa kapatid.
Walang imik na iniwan ko na ang mga ito. Hindi ako sigurado kung ano talaga ang nakita ng asawa ko pero bahala na sila ng kapatid niya na mag-usap.
Nagba browse lang ako sa online shop habang nakaupo sa kama ng pumasok si Gyo sa kwarto namin.
"Love, ano ba talaga ang problema?" Tanong sa akin nito.
Kumunot naman ang noo ko ng tumingin ako dito.
"Problema san?"
"Nakita ko iyong pagtulak mo sa kapatid ko."
"O tapos?"
"Bakit mo ginawa iyon? E, ang sabi ni Ate nahilo lang daw siya kaya siya napayakap sayo pero tinulak mo siya at nakita ko iyon mismo."
"Iyan ba ang sinabi sayo ng kapatid mo?" Hindi ako makapaniwala. Ako pa ngayon ang lumalabas na masama sa paningin ng Asawa ko. Napailing at napabuntong hininga na lang tuloy ako.
"Love, pasensya ka na kung hindi ko talaga mapaalis si Ate. Gusto ko lang talaga na nandito siya sa malapit sa akin para alam ko ang mga pinaggagagawa niya."
"Alam mo nga ba lahat ng mga ginagawa ng kapatid mo?"
"Anong ibig mong sabihin?"
"Wala! Bahala ka sa kung anong gusto mo." Iyon lang at tumayo na ako. Dinampot ko din ang susi ng kotse ko na nasa ibabaw ng vanity atsaka nilampasan ko ito.
"Saan ka pupunta?"
"Papahangin lang!" Iyon lang at tuluyan na akong lumabas ng kwarto.
Hindi ko nakita ang hipag ko sa dinaanan ko. Sa isip ko ay mabuti naman. Pagsakay ko sa kotse ko ay agad ko na iyong minaneho ng wala naman akong specific na pupuntahan. Sa huli ay napagdesisyunan ko na sunduin na lang ang mga anak ko, pero kapag minamalas ka nga naman. Nandoon na din ang hipag ko at hawak nito sa magkabilang kamay ang mga anak ko. Aalis na lang sana ako, pero nakita na Noe ang kotse ko at itinuro iyon sa Tiyahin at kapatid niya.
Hinintay ko ng makasakay ang mga ito sa kotse ko.
"Momma, where is Mommy?" Tanong ni Noe after nitong kumiss sa pisngi ko.
"Nasa bahay!" Tipid na sagot ko.
"Can we eat something, Mama? I'm super hungry." Ungot naman sa akin ni Gino.
"Okey, what do you want to eat?"
"Pizza crepe and lasagna."
"Momma, mine is chocolate banana crepe and chocolate ice cream please."
"Okay sige. Punta tayo sa mall later. Uwi muna tayo para makapagbihis kayo at para masundo din natin si Mommy ninyo." Naka focus lang ako sa pagmamaneho ko at pakikipag usap ko sa mga anak ko. Hindi ko pinapansin ang hipag ko na nasa passenger side.
"Hala, Mama gutom na po ako. Ano oras pa tayo makakakain kung uuwi pa tayo. Let's go straight to the mall, please." - Gino.
"I'm sorry young man! Pero dapat ay kasama natin si Mommy. Atsaka sakto lang na oras ng dinner ang dating natin sa mall mamaya." May pinalidad na sabi ko dahil hindi ko gusto na makasama ng matagal ang hipag ko ng wala ang asawa ko.
Ngumuso at humalukipkip na lang ito na hinayaan ko na lang naman.
"Can't we meet Mommy at the mall nalang?" Maya-maya ay hirit ulit ni Gino.
"Nope!" Sagot ko na may kasama pang pag iling.
Tuluyan naman ng tumahimik ito.
.
.Pagdating sa bahay ay nakaluto naman na pala si Gyo, kaya nagpa deliver na lang ako ng cravings ng mga bata para naman hindi na disappoint ang mga ito. Pagkakain at pagkatapos ng evening routine naming mag asawa sa mga anak namin ay magkasama na kaming bumalik sa kwarto.
"Okay na ba tayo?" Tanong sa akin ni Gyo. Nakaupo ito sa toilet habang ako naman ay nag to toothbrush sa lababo.
Nilingon ko ito at nakangiti ito sa akin. Ngumiti na lang din ako atsaka ako tumango. Hindi ko alam kung ano pa ang mga naghihintay sa aming problema na mag-asawa, basta for now ay okay kami at iyon lang ang mahalaga.