Good thing at pumayag naman ang kapatid ng Asawa ko na sa bahay na nga lang. Luto, linis, at pag iintindi lang naman sa dalawang bata ang gagawin niya, dahil may sadya naman kaming mag-lalaba at taga plantsa every weekend.
Hindi na din ako nalabas sa kwarto ng maaga. Hinihintay ko lagi si Gyo para sabay kami. Kahit sa gabi lagi na lang akong nasa kwarto pagdating namin at lalabas lang pag kakain na at kapag makikipagbonding naman sa mga bata ay kasama ko pa din ang asawa ko. Umiiwas talaga akong maigi sa kapatid ng asawa ko.
Nagising ako ng alangang oras dahil naiihi ako at nauuhaw din. Pero pag angat ko ng tumbler ko ay magaan iyon. Klaseng nalimutan iyong lagyan ni Gyo. Tiningnan ko ang oras sa cp ko 1:43 am. Napilitan na akong lumabas ng kwarto namin para kumuha nga ng tubig. Hindi na ako nagbuhay ng ilaw dahil may pumapasok naman na liwanag mula sa bukas na ilaw sa labas. Sa ref ako nag deretso at ng kukuha ako ng ice cubes ay nakita ko ang lalagyan ng ice cream natukso tuloy akong kumain niyon kaya naman para akong bata na sumampa sa island at nagsimula na nga akong mag midnight snack tinernuhan ko pa iyon ng stick-o na snacks nina Noe at Gino 😂😋
Enjoy na enjoy pa ako sa pagkain ko habang nagkukuyakoy pa ako ng mga paa ng bigla nalang may pumwesto sa pagitan ng mga hita ko. Nakayuko kasi ako noon sa tub ng ice cream kaya hindi ko agad napansin ang paglapit sa akin ng hipag ko.
"A-ate? Anong ginagawa mo? Bat gising ka pa?" Itinaas ko ang paa ko sa island at nag indian seat ako.
"Hindi ako makatulog, e. Iniisip ko kung bakit parang iniiwasan mo ako."
Ipinatong nito ang magkabila nitong kamay sa hita ko.
"Ha? Ako naiwas, hindi naman ah!..... G-gusto mo ba ng ice cream?"
Nagsubo ako sa sarili ko at hinayaan ko muna sa bibig ko ang kutsarita pero kinuha nito iyon atsaka nag scoop ng ice cream at saka isinubo sa sarili niya in a most sensual way. Tapos ay gumapang pa ang isang kamay nito papunta sa pagitan ng mga hita ko. Napaatras tuloy ako at napabilis din ang pagbaba ko sa island.
"S-sige, Ate. Ikaw na ang bahala dyan, ha. Tutulog na ulit ako!" Nakuha ko pang sabihin bago ko ito tuluyang iniwanan sa kusina.
Pagkasara ko ng pinto ng kwarto naming mag-asawa ay napasandal ako doon habang habol ko ang paghinga ko at ramdam ko din ang pagre react ng kakambal ko. Agad na akong sumampa sa kama at niyakap at dinaklayan ko ang asawa ko. Hinihingal ako habang bahagya kong inira rub ang buhay na buhay kung kakambal sa may likurang bahagi ni Gyo. Ipinasok ko na din ang isang kamay ko sa loob ng pantulog nito at papiga kong kinakapa ang isang dibdib nito.
Nagising na si Gyo at nilingon ako nito.
"Nao, ano bang ginagawa mo?"
Halatang inaantok pa na tanong nito sa akin pero sa halip na sagutin ko ito ay inilapat ko na ang labi ko sa labi niya. Tuluyan na itong humarap sa akin at gumanti din naman ng halik.
"Kumain ka na naman ng sweets kaya ang hyper mo na naman." Anito ng bumitaw na sa halik ko. Tiyak na nalasahan nito sa bibig ko ang mga kinain ko kaya nasabi nito iyon.
"Love, pwede ba?" Ungot ko.
"Wala talagang oras iyang ka-elan mo sa katawan e, no. Sige na, ginising mo na din naman ako e."
Napangiti na ako at saka itinuloy ko na nga ang panroromansa ko dito. Pero nasapo ko ang mukha ko ng sexy images ng Hipag ko ang nakikita ko sa isip ko.
"Love, okay ka lang?" Nag-aalalang tanong sa akin ng Asawa ko.
"Oo!" Umalis na ako sa ibabaw nito at hindi ko na itinuloy ang iniuungot ko.
Humarap sa akin si Gyo at tinunghayan ako, hinaplos haplos din nito ang noo at buhok ko. Siguro iniisip nito na sumakit ang ulo ko. Nakunsensya ako sa pumasok sa isip ko kaya napayakap nalang ako kay Gyo at ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib nito. Niyakap na din lang ako nito. At ilang saglit pa ay nakatulog na ulit ako.