Chapter 9

36 5 5
                                    

Anda's pov

Naging normal na ulit ang takbo ng buhay naming mag-asawa. Kinuha ko na din si Ate Pat sa parents ko para may makakatuwang kami ni Gyo sa pag-aasikaso kina Noe at Gino.

Pero hindi tumupad si Gyo sa usapan namin na titigil na siya sa pagtatrabaho sa pabrika ng pamilya ko at lilipat sa shop ko. Hinayaan ko na lang siya, tutal wala naman na ang kapatid niya sa bahay namin. Iyon naman kasi ang major reason kaya ko gusto na makasama lagi ang asawa ko.

3 months later

Hindi ako pumunta sa shop dahil umattend ako sa PTA meeting ng mga bata. Pagkatapos ay umuwi na din ako agad dahil maaga pa naman makakatulog pa ako bago ang oras ng pagsundo ko kay Gyo. Nakahiga na ako sa kama at nagpapaantok ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Tumingin ako sa relo na nasa dingding past 2pm pa lang kaya bakit nandito na ito. Kahit nagtataka sa biglaan na pag uwi nito ay masigla ko pa din itong hinarap.

"Hi, love!" Bati ko kay Gyo pag pasok nya sa kwarto namin, pero hindi niya ako pinansin at nag deretso siya sa banyo. Sinundan ko siya at napasukan ko siya na nasa harapan ng salamin at nakayuko.

"Love, may problema ba?" Nag-aalangan kong tanong. Hindi ko rin malaman kung hahawakan ko ba siya o ano. Sa huli ay ipinatong ko sa balikat niya ang isang kamay ko.

Bigla siyang humarap sa akin at napakatalim ng kanyang tingin.

"May problema nga ba ha, Nao?"

Saglit na kumunot ang noo ko. May naisip na ako na maaari na ikagalit niya pero hindi ko naman kayang sabihin sa kanya. Atsaka malay ko ba kung hindi naman iyon ang tinutukoy niya.

"Tumawag saken si Ate Luktan!"

'Shit! Yun nga pala!'

"O, ano na naman ba daw ang kailangan ng Ate mo?" Nag-iwas ako ng tingin at lumabas na ako sa banyo pero ako naman ang sinundan ngayon ni Gyo.

"Buntis daw sya!"

Kinakabahan na napalunok ako ng laway.

"O, tapos?... Ikaw na naman ba ang magso shoulder sa kanya?"

"Hindi ako!"

"Buti naman kung ganun! Namimihasa na ang Ate mo, e!"

"Ikaw ang mag iintindi ngayon sa Ate ko! Dahil sayo daw ang dinadala nya!" Kalmado pero malamig na sabi sa akin ni Gyo.

"P-paanong ako?"

"E, ewan ko sayo! Paano nga bang naging ikaw?"

"L-love?" Hindi ko malaman kung ano ang sasabihin ko.

"Manao, isang tanong isang sagot! May nangyari ba sa inyo ni Ate Tan?"

Kalmado lang si Gyo pero ramdam ko na galit na ito.

"L-love, I'm sorry!" Sinubukan ko na hawakan ang kamay niya pero tinabig niya iyon atsaka sinampal niya ako ng napakalakas.

"Paano mo nagawa saken to, Manao? At sa kapatid ko pa talaga! Hayop ka!"

Umiiyak na ito sa sobrang galit. Napaluhod na ako sa paanan niya dahil totoo naman na pinagsisisihan ko ang nangyari sa amin ng kapatid niya. Sinubukan ko na hawakan siya pero umatras siya.

Gyoza's pov

"Wag mo akong hahawakan! Nandidiri ako sayo!"

Gusto kong tadyakan si Manao sa sobrang galit na nararamdaman ko sa kanya. Kaya pala iba ang mga ikinikilos niya noong nandito pa ang kapatid ko! Ang lagay pala ay niloloko na nila akong pareho. Ang tanga ko lang sa part na hindi ko nahalata iyon.

"Love, isang beses lang may nangyare sa amin ng Ate mo at pagkatapos nun. Pinakiusapan ko na si Kuya Pure na kuhanin na at ilayo si Ate Tan!"

"So ang ibig mong sabihin nung gabing nasa trabaho ako, noon may nangyari sa inyong dalawa?"

Tumango ito.

"Tang ina mo! Manao, may nangyari pa sa atin nung pagdating ko nung umaga!"

"Naligo naman ako ng ayos nung pagkatapos-"

Hindi ko na pinatapos ang sinasabi nito, agad ko na itong sinabunutan at muling sinampal.

"Hayop ka! Naireason mo pa talaga sa akin na naligo ka naman ng ayos!" Isa pa ulit na sampal ang pinadapo ko sa mapula ng pisngi nito.

"Love, hindi ko naman talaga ginusto iyon, e. Matagal ko ng sinasabi sayo noon na naiilang ako sa kapatid mo, iyon ay dahil kung anu-ano na ang mga pinaggagagawa niya sa akin, pero gusto mo na nandito siya!"

"At ngayon ako pa pala ang may kasalanan kung bakit mo nabuntis ang kapatid ko!"

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin-"

"Manao, tama na!" Muli kong pinutol ang sinasabi niya. "Panagutan mo na lang si Ate Tan."

"Paano tayo?"

"Maghiwalay na muna tayo! Doon na muna kami ng mga bata kina Daddy at Aunt Letty. Hindi ko kaya na makita ka pa!" Sabi ko at saka nagsimula na nga akong mag impake ng mga gamit ko.

"Love, wag namang ganito! Pag usapan natin ito, ayusin natin ito. Mahal na mahal kita, kayo ng mga anak natin."

Inaalis nito ang bawat damit na inilalagay ko sa luggage ko. Itinigil ko ang ginagawa kong pag iimpake at hinarap ko ito.

"Nao, paano mong nasasabi na mahal mo ako? Pagkatapos mong sumiping sa iba at nabuntis mo pa?"

"Pero ikaw lang talaga ang mahal ko, Gyo, love."

"Kung totoo sana iyang sinasabi mo, e di sana hindi ka nagpatukso sa kapatid ko! Hindi naman ako nagkulang sayo pagdating sa sex, eh! Lahat ng gusto mo sinusunod ko, ginagawa ko! Kahit pagod ako or natutulog ako, kapag nagyaya ka ay sige lang ako. Kaya bakit nagawa mo pa din na tumikim ng iba?"

"Love, natukso lang talaga ako!"

Pinahid ko na ang mga luha ko at tumango nalang ako saka muli na akong bumalik sa pag iimpake ko. Hindi ko na pinansin pa si Manao. Parang bigla ay nabingi, nabulag, at namanhid na ako. Dahil wala na akong naririnig sa mga sinasabi nito. Wala na akong nakikita parang ako na lang mag isa. Wala din akong maramdaman. Hindi ko nga din alam kung paano akong nakapagmaneho para masundo ang mga anak ko at kung paano kaming nakarating sa bahay ng mga Daddy ko ng ligtas.

Pumasok agad ako sa kwarto na ginagamit ko noon dito sa bahay nina Daddy. Matapos kong ibilin sa kanila ang mga anak ko. Hindi ko sinagot ang mga tanong nina Daddy at Aunt Letty. Ang gusto ko lang ay ang mapag isa ako. Pagkasarang-pagkasara ko ng pinto ay parang bukas na gripo na naman na umagos ang mga luha ko. Pigil na pigil ko ang paghagulhul ko dahil ayoko na may makarinig sa akin. Hindi ko alam kung gaano akong katagal na nag-iiyak habang nakalupagi ako sa sahig. Narinig ko na lang na kinakatok ako ni Aunt Letty dahil kakain na daw ng hapunan. Nagdahilan na lang ako na busog pa ako, kahit pa nga ang totoo ay hindi ako nakakain ng lunch dahil sa tawag nga ng kapatid ko na nagsasabi na buntis ito at ang asawa ko ang may gawa. Muli na naman tuloy akong napaiyak.


how could you say you love me! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon