Finally I had decided to pay a visit in my brother's studio. Nagshower muna ako at ginawa ang morning routine bago lumabas ng kwarto ko at nagtungo sa kwarto ni Kuya. Kumatok ako ng tatlong beses. Nang walang narinig mula sa loob, kusa ko ng pinihit pabukas ang seradura ng pinto.
Napasimangot ako nang hindi ko makita si Kuya sa study table niya at ganoon din sa kaniyang kama. Marahan akong naglakad palapit sa banyo at ilang beses na tinawag ang pangalan ng kapatid pero wala pa ring sumasagot.
"Kuya?" I knocked the bathroom's door. "Kuya Christoff, are you there? Knock three times if you need help!"
Mas lalo akong napasimangot dahil walang natanggap na response mula sa loob ng banyo. Lumabas na lamang ako ng kwarto dahil baka nasa ibaba si Kuya.
"Kuya!" malakas na tawag ko nang makita ko siyang nakapandekwatrong nakaupo sa sala. Mabilis akong naglakad pababa ng hagdan at nakangiting lumapit sa pwesto niya.
Kunot-noo niya akong tiningnan, bakas sa mukha ang pagtataka. "What?"
"Napag-isip-isip ko kasi kagabi na dapat bumisita ako kahit minsan man lang sa studio mo," I slowly said. "And now tada! Nakapagdesisyon na akong bibisita today sa studio mo."
"Busy ang studio ngayon, pati na rin ako. So, maybe next time." tinaasan niya ako ng kilay. Binalik niya ulit ang paningin sa tv kaya lumipat ako ng pwesto sa harap niya.
"Magiging busy din ako the next day, Kuya! Ngayon lang ako free."
"At ano naman ang pagkakabusy-han mo?"
"Watching dramas. . ." ngumuso ako.
Ilang beses akong nagpumilit kay Kuya na isama niya ako sa studio niya. But, he kept on declining. Malakas akong napabuntong-hininga dahil kahit anong pagpupumilit sa kaniya ay hindi talaga lumalambot ang puso niya.
Maybe I'll go there myself, huh? Isusurprise ko na lang siya pagdating ko sa studio. Alam ko naman kung nasaan ang studio niya.
"May plano ka ba ngayong araw, Mara? Maliban sa pagkukulong sa kwarto mo?" mahinahong tanong ni Dad.
Nasa hapagkainan kaming apat. Nasa kabisera si Dad, magkatabi kami ni Mommy at nasa kabilang side naman si Kuya Christoff.
Maliit akong ngumiti dahil sa tanong na iyon.
Maybe I should grab this chance to tell them about my plan today. Kung hindi papayag si Kuya, e 'di kina Mommy at Daddy na lang ako magpaalam.
Nilunok ko ang pagkain bago binuksan ang bibig para magsalita. "Bibisita po sana ako sa studio ni Kuya, Dad. Pero sabi ni Kuya busy siya kaya huwag ko muna raw ituloy ang pagbisita."
"May shoot kami mamaya kaya hindi ko pwedeng isama si Mara sa studio," sabat ni Kuya.
"Why not? E 'di mas pabor nga kung isama mo ang kapatid mo sa shoot baka sakaling makuha nito ang interest ni Mara."
"I don't think Mara would have an interest in modeling, Dad. Mas may passion siya sa pagsusulat ng poems kaysa magpose sa harap ng camera. . ." he paused. "Hayaan niyo na lang siyang magkulong sa kwarto niya, watching whatever dramas."
Tiningnan ko siya ng masama dahil gumagawa rin siya ng paraan para hindi ako makabisita sa studio niya.
"Tsk! Just let your sister visit your studio. Ngayon lang lalabas ang kapatid mo ipagkakait mo pa sa kaniya," ani Mommy. Nilalagyan niya ng ulam ang pinggan ko.
BINABASA MO ANG
Hold On (ongoing)
RomanceDisclaimer: This story is UNEDITED. All chapters are in their first draft. Thank you! What if the very thing you thought would break you becomes the catalyst for your greatest strength? In the wake of a profound personal loss, a young woman finds he...