Napalunok siya nang mapansin niya rin ang distansya naming dalawa. Isang tulak na lang ng malakas na hangin ay maglalapat na ang labi naming dalawa.
Nasulyapan ko ang pagtaas-baba ng adams apple niya habang nakatitig sa akin. Pigil ko naman ang paghinga dahil nacoconcious ako sa hininga ko. Wala akong bad breath pero sa distansya namin ay parang nakakahiyang huminga.
He was about to open his mouth to utter something when we heard the room’s door opened. Mabilis pa sa alas kwatro ang naging kilos ko palayo kay Rhett bago pa man kami makita ni Kuya na kakapasok pa lang.
“What the fuck are you doing here?” magkasalubong ang kilay ni Kuya na diretsong nakatingin kay Rhett.
“You’re always in wrong timing, bro. How dare you barged in while I’m having my moment.” nakangising sinalubong ni Rhett si Kuya.
They do a fist bump. Nagtataka ang mukha ni Kuya Christoff sa sinabi ng kaibigan niya.
Nag-usap sila saglit at kalaunan, bumaling din sa akin ang kapatid at sinabi na uuwi na kami. Hindi man lang ako na-i-tour sa loob ng studio, uuwi agad! ’Di bale na, may next time pa naman siguro.
Nakasunod si Kuya sa akin na naglalakad papasok sa bahay. Nagulat ako nang biglang malakas na nag-beep ang cellphone ko mula sa bulsa.
Tumigil ako saglit para tingnan kung para saan ang pagtunog ng cellphone. I saw a text from an unknown number. I tapped it.
Unknown Number:
Hi, I got your number from your brother. Please, save my number to your contacts, thank you!I gasped. Sino naman ang posibleng pagbibigyan ni Kuya ng number ko? How dare him gave my contact number to a stranger!
I replied a question to know who is the sender of that message.
Do I know you?
Wala pang isang minuto ay muling nagbeep ang phone ko.
Unknown Number:
It’s Rhett. ;)Parang kiniliti ang kaloob-looban ko nang makita ang reply ng unknown user na may cute na emoticon sa dulo. Hindi ko napansin na nakatayo na lang pala ako sa gitna ng pinto habang nangingiting nakatingin sa screen ng phone ko.
Napalingon ako kay Kuya nang marinig siyang malakas na tumikhim. I stiffle my giggles because he was looking at me with his brows furrowed.
Lakad-takbo ang ginawa ko paakyat sa kwarto ko sa second floor. Ni-lock ko ang pinto.
Dumiretso ako sa kama at tumitiling isinubsob ang mukha sa unan. Ilang beses kong inayos ang buhok ko at huminga ng malalim. Kinuha ko ulit ang cellphone para magtype ng short na reply.
Ah, okay.
I saved his number. Walang naging reply si Rhett kaya ibinaba ko na ang phone.
Nanunuod ako ng k-drama, as usual, when my phone beeped for a message. Tamad ko itong inabot na nasa side table. Ayaw na ayaw kong nai-isturbo kapag nanunuod ako ng palabas pero hindi ko mapigilan ang sariling tingnan kung kanino nanggaling ang text.
Rhett:
Good evening, gising ka pa?Kahit nakakaiyak ang episode ng pinapanuod kong drama ay hindi ko mapigilang mapangiti sa mensaheng iyon.
I took a piece of tissue just beside of my laptop and wiped my tears. Nagtype ako ng reply.
Yeah.
BINABASA MO ANG
Hold On (ongoing)
RomanceDisclaimer: This story is UNEDITED. All chapters are in their first draft. Thank you! What if the very thing you thought would break you becomes the catalyst for your greatest strength? In the wake of a profound personal loss, a young woman finds he...