Chapter 14 - Interest

34 1 0
                                    

Asikasong-asikaso si Rhett sa akin nang dumating ang inorder niya. Hindi ko nga alam kung nabusog ba siya dahil maya’t-maya ang pag-aasikaso niya sa akin.

Dalawang charcuterie board ang inorder niya para sa appetizer, isang caesar salad na may grilled chicken at classic italian pasta na tinatawag na penne alla vodka naman ang sa main course. Nag-order din siya ng desert na isang chocolate fondant at panna cotta— creamy italian dessert na may kasamang berries. Nag-order din siya ng isang espresso at wine naman para sa kanya.

“Ako na. Kaya ko naman, hindi pa naman ako lumpo,” suway ko sa kanya nang akmang aagawin niya na naman sa kamay ko ang tinidor.

Nagsalubong lang ang kanyang kilay. “Just let me, Cali. This is our first date. Alam kong hindi ka lumpo o ano pa man, gusto ko lang pagsilbihan ka, may mali ba roon?”

Nag-init ang pisngi ko dahil sa naunang sinabi niya. First date?

Inilayo ko sa kamay niya ang plato ko at sinamaan siya ng tingin. Napabuntong hininga siya at pinatunog ang kanyang dila.

Nagtaka ako nang kunot-noo siyang tumayo at umikot sa tabi ko. Tiningala ko siya gamit ang nagtatanong kong mga mata. Sinundan ko lang siya ng tingin nang hilahin niya ang katabing upoan at doon umupo.

Napanguso ako nang walang paalam niyang hinablot ang tinidor sa aking plato. Nag-scoop siya ng pasta at ambang iuumang na saking bibig nang mag-ring ang kanyang cell phone.

Nakapatong ang cell phone niya sa ibabaw ng mesa kaya nakikita ko ang pangalan ng tumatawag sa kanya. Matagal na tumutunog ang ring tone ng phone niya pero hindi niya ito pinapansin.

“May tumatawag sa phone mo,” saad ko dahil mukhang wala talaga siyang balak na sagutin ang tawag.

“Don’t mind it.” Nilapit niya ang tinidor sa akin.

Iniwas ko ang mukha ko palayo sa tinidor. “Baka importante,” tukoy ko sa tawag.

Malalim siyang bumuntong-hininga saka bumaling at inabot ang phone niya. Nagsalubong ang makakapal niyang kilay nang mabasa ang pangalan ng tumatawag.

“What?”

“I miss you, Rhett!” matinis na tili ng babae sa kabilang linya.

Napasubo ako ng pagkain at inabala ang sarili sa mga pagkain sa harap.

“I’m busy, Sofia,” tipid niyang saad at sumandal sa sandalan ng upoan.

“Aw, it’s fine! Just give me a second, I wanna tell you that I’m home!” The girl’s laugh echoed from the other end. “Nagdinner ka na? Do you want me to cook your favorite food?”

Sunod-sunod ang pagsubo ko sa pasta at hindi ko namalayan na mahigpit na pala ang pagkakahawak ko sa kubyertos.

“Don’t bother, Sofia. I have to hang up now.”

Sumimangot ako nang maramdaman ko ang braso ni Rhett na pumalibot sa aking balikat. Tumikhim siya. 

Napapiling ang ulo ko nang kilitiin niya ang aking tenga. Sinamaan ko siya ng tingin para patigilin sa ginagawa pero nginisihan niya lamang ako.

“Ang bilis mong kumain.” he laughed.

“Inaantok na kasi ako. ’Tsaka baka hahanapin na ako sa bahay.”

Hold On (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon