Napatili ako nang dumulas sa kamay ko ang sinasabunan na babasaging plato. Ipinunas ko sa apron ang bumubula kong kamay at natatarantang pinulot ang pira-pirasong basag na pinggan.
"Ouch!" napadaing ako nang dumaplis sa palad ko ang bubog. Hindi ko na muna pinansin ang sugat ko at nagpatuloy na sa pagpupulot. Tinapon ko ang mga bubog sa maliit na trash bin.
Nang masigurong naitapon ko na ang lahat ay saka ko lamang tiningnan ang aking palad. Napahinga ako ng malalim nang makita ko ang pahaba na sugat. Naghugas ako ng kamay at naghanap ng first aid kit sa cupboard.
I brought the kit with me to the living area to clean the cut on my palm. Wala rito si Rhett dahil bumaba siya saglit para mag-grocery. Kumuha ako ng isang cotton ball at nilagyan ng alcohol saka ko maingat na pinunas sa sugat. Napakagat-labi ako dahil sa hapdi. After cleaning it with alcohol, nilagyan ko ito ng band aid.
Napatingin ako sa pinto nang tumunog ito at pumasok si Rhett na may mga dalang paper bag. Nilagpasan niya ako at dumiretso siya sa kusina para roon ilapag ang kanyang dala. Isinarado ko ang kit at binitbit ko ito para ibalik sa kung saan ko ito kinuha.
Napatingin sa akin si Rhett nang dumaan ako sa likuran niya para tumungo sa cupboard. Nginitian ko siya pagkatapos kong maibalik ng maayos ang kit. Sumilip ako sa mga pinamili niya. I saw different brand of processed goods. Sa isang eco bag naman nakalagay ang mga pinamili niyang karne at mga gulay.
"Ang dami mo namang pinamili na de-lata, tamad ka sigurong magluto," I mumbled.
Hindi niya pinansin ang sinabi ko bagkus ay kinuha niya ang kamay ko at pinakatitigan ito. "Bakit may band aid ang kamay mo?"
Napatingin din ako roon at napanguso. I was contemplating in telling him kung bakit may band aid ako.
Magagalit kaya siya kapag sasabihin ko sa kanyang nabasag ko ang plato niya?
"Anong nangyari?" pukaw niya sa atensyon ko.
"Ah. . ." binawi ko ang aking kamay at nilaro ang hintuturi. "Ano kasi. . . 'wag kang magagalit ha? Yung plato mo kasi nabasag ko kanina pero hindi ko naman sinasadya, maniwala ka."
Nagsalubong ang makakapal niyang kilay at gumalaw ang kanyang bagang. "Bakit nabasagan ka ng plato?"
Napalunok ako dahil sa tono niya. "N-napansin ko kasing maraming hugasin sa sink kaya nagdecide akong hugasan na lang. But promise it wasn't my intention to broke your plate, dumulas lang sa kamay ko."
"Nilinis mo ba—"
"Oo! Oo!" tinuro ko ang maliit na trash bin kung saan ko itinapon ko ang mga bubog. "Diyan ko tinapon."
His brow shot up. "Nilinis mo ba ang sugat mo?" tumingin siya sa palad ko.
Tumango ako at ngumiti sa kanya.
He heaved a sigh. He took my hand and pulled me to the living area. Pinaupo niya ako sa couch at umalis siya ulit. Pagbalik niya ay bitbit niya na naman ang first aid kit at nilapag niya ito sa harap ko. Nag-squat siya at pinunasan niya ang aking sugat ng alcohol, kasunod n'on ay kumuha siya ng betadine. Pinapanuod ko lang siyang gawin ang lahat ng iyon hanggang sa matapos siya at malagyan na muli ng band aid.
"Stay here, I'll prepare our food." he stood and left with the kit on his right hand.
I nodded.
BINABASA MO ANG
Hold On (ongoing)
RomantikDisclaimer: This story is UNEDITED. All chapters are in their first draft. Thank you! What if the very thing you thought would break you becomes the catalyst for your greatest strength? In the wake of a profound personal loss, a young woman finds he...