Sa pangatlong pagkakataon na sumama ako kay Kuya sa studio ay may hinihintay akong isang tao. I waited him to visit in Kuya’s studio, pero wala. Walang Rhett na pumunta. Hindi na siya ulit nagpakita sa studio pagkatapos niyang bumili ng tubig at milktea.
“Oh, ito tubig mo. Kapal ng mukha mong utosan ako.” sinaksak niya kay kuya ang limang bottled water at nakangiting naglakad patungo sa akin na parang walang nangyari. Inabot niya sa akin ang matcha flavored na milktea. “Here’s your milktea, miss ma’am.”
Maliit akong ngumiti at tinanggap ang inabot niya. I’m not into matcha flavored drinks or anything about matcha but I would not dare to reject the milktea he gave.
“Salamat,” I uttered. Tumingin ulit ako sa harap.
Nang mapansin niyang hindi ko ginalaw ang inumin ay kinuha niya ito sa kamay ko at siya na ang nagtusok ng straw. At nakangiting muling binigay sa akin.
Nagkunware akong humigop sa straw dahil nakatingin siya sa akin. Inalis niya lang ang tingin nang tumunog ang cell phone niya para sa isang tawag.
His brows furrowed when he saw the caller ID. He tapped the green button and excused himself. Bago pa man siya makalayo ng kaunti ay narinig ko pa ang mahinhin na boses babae sa kabilang linya.
Bumuntong-hininga ako at pinanuod ang papalayo niyang bulto. Few minutes passed, I heard my phone beeped for a message. Kinuha ko ito sa bulsa at tiningnan ang dalawang mensahe na nanggagaling sa iisang tao.
Rhett:
Hey. . .
I’m sorry, I have to leave. May biglaan lang na emergency.Nagdadalawang-isip ako kung magrereply ba ako. But I think there’s no need for me to reply. Nagpaalam siyang aalis dahil masyadong impormal kung basta na lamang siyang mawawala nang hindi magpapaalam sa mga kasama niya.
I slid my phone back to my pocket.
After the shoot, I went to Kuya Christoff and offered him the drink Rhett gave me.
“Where’s Rhett?”
“May emergency raw.”
Hindi naman ito tinanggihan ni Kuya dahil alam niyang ayaw ko sa matcha. Binigay niya sa akin ang isang bottled water na hindi pa nabubuksan, at doon ako uminom para maibsan ang uhaw ko.
Hapon na nang makalabas kami sa studio, kaya bago kami tumulak pauwi ay dumaan muna si Kuya sa isang drive thru.
After that day, Rhett has no any message for me. Ayaw ko ring magfirst move sa kanya kasi nakakahiya.
Pero kalaunan ay nanalo pa rin ang pag-aalala ko sa kanya at hindi ko na mapigilan ang sariling i-text siya.
Uhm, hello. Kumusta?
I shivered when the message sent.
Napansin ni Kuya ang pagkabalisa ko habang kumakain kami ng hapunan. Nagsalubong ang makakapal niyang kilay. Inirapan ko siya at binilisan ang pagsubo ng pagkain. Pagkaubos ng pagkain sa plato ay uminom ako ng tubig at nagpaalam na aakyat na sa taas.
“Matutulog na po ako.” humalik ako sa pisngi ni Mommy at ganoon din kay Daddy.
Humiga ako sa kama at tiningnan ang cellphone kung may text ba pero wala.
Isang linggo nang walang reply si Rhett sa pangungumusta ko. Hindi ako makatulog sa gabing iyon, at wala rin akong ganang manuod ng drama.
BINABASA MO ANG
Hold On (ongoing)
RomanceDisclaimer: This story is UNEDITED. All chapters are in their first draft. Thank you! What if the very thing you thought would break you becomes the catalyst for your greatest strength? In the wake of a profound personal loss, a young woman finds he...