together again

234 6 0
                                    

chapter 03

₊✩‧₊˚౨ৎ˚₊✩‧₊𐙚

My head rested sideways on the library table as I absentmindedly turned the pages of a book.

Nakaramdam ako ng lungkot matapos makita sa social media ang isa kong kaibigan— he's now a successful photographer in Paris, living his dream and following his passion.

I just wish my parents could see that photography can also lead to success and fulfillment.

Multimedia arts are beneficial, and I know that, but I want to pursue and focus only on photography. Ayoko sa mga gawain tulad ng animations, video production editing, sound design, and etc.

Huminga ako ng malalim saka isinara ang librong kanina ko pang pinaglalaruan. Tumayo ako sa kinauupuan ko at ibinalik ang libro sa shelf bago ko pa man ito mapunit nang tuluyan.

Pagkatapos kong ilagay ito, napansin ko ang tatlong babae sa gilid, nakatayo habang may tinitingnan sa isang papel. Humahalakhak pa sila sa kilig habang pinag-uusapan ito. Naging curious ako, kaya't dahan-dahan akong lumapit, nagkunwaring naghahanap ng mababasang libro.

"Freshman 'to. Nakita ko siya sa personal, sobrang gwapo."

"Oo nga! I saw him also sa gym last week. Nagta-tryouts siguro."

"From multimedia arts 1D department raw siya."

"He looks like a prince charming," sabi pa ng isa, niyakap ang papel na parang nananaginip.

Habang kunwari’y may kinukuha akong libro, bigla akong nadulas at natumba. Napalingon ang mga babae sa akin, kaya mabilis kong pinulot ang librong nahulog at tumalikod para umalis.

Mas lalo akong naintriga dahil nabanggit nila ang section na kung saan nando'n ako at mas lalo kong gustong malaman kung sino sa isa sa mga kaklase ko ang pinagkakaguluhan nila ng malala.

Akala ko naman kung anong pinag-uusapan nila. At saka wala naman akong nakikitang mukhang prince charming do'n sa room namin.

Umupo ako muli sa upuan ko at nakita ang tatlo na umuupo rin hindi kalayuan sa pwesto. Inilagay nila ang bag nila sa table saka 'yong parang poster na dala-dala nila.

Pagkaiwas nila sa pwesto para maghanap ng libro na mababasa, agad akong lumapit at sinilip kung ano ang pinagkakaguluhan nila kanina.

Base sa nakita ko sa ginawa kong side-eye, mukhang sports ang tema nito. Maraming lalaking naka-jersey, pero ang isang nasa gitna ang pinakatampok, hawak ang bola habang ang iba ay nasa likuran niya.

Hindi ko maklaro kung sino iyon kaya pasimple pa akong umusog.

"What are you doing?" biglang tanong ng isang boses.

Napaurong ako at mabilis na tinakpan ang mukha ko sa hiya, sabay likpit ng gamit ko. Nakakahiya! Shuta! Bakit pa kasi ako nakiusyoso.

Tinungo ko agad ang exit pagkatapos no'n.
Napahinto nalang ako bigla sa pwesto ng librarian nang may nakita akong mga nakaprint na poster kaparehas sa mga dala ng mga babae.

Kumuha ako ng isa sa printer sabay takbo. Hindi ko na nilingon ang librarian kahit rinig ko pang sinita ako. Talagang lumalabas ang pagiging tsismoso ko kapag wala akong magawa.

Hingal akong nakarating sa labas ng room habang tumutulo ang pawis ko sa kinuha kong poster.

Pagdating ko sa labas, humihingal kong tiningnan ang poster. Pero imbis na kilig o excitement, parang may kung anong bumagsak sa loob ko nang makilala ko ang lalaking nasa gitna.

Until We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon