too close

85 3 0
                                    

chapter 18

₊✩‧₊˚౨ৎ˚₊✩‧₊𐙚

Halos mag-iisang oras na akong naghihintay sa labas ng isang room sa Engineering Department habang dala ang camera ko.

I will be the photographer for Clark today. Ewan ko ba kung bakit sa department nila ako tumutulong, hindi rin naman nagsabi 'yong department namin na need ng photographer kaya hindi na rin ako nag abala.

Nag-ayos ako ng upo ng biglang mayroong lumabas na babae. May dala pa itong makeup brush.

"Ikaw ba 'yong photographer today?" tanong niya sakin, tumango naman ako "Dito ka nalang sa loob mag wait hindi pa kasi tapos ang makeup ni Clark"

Tumayo ako sa kinauupuan ko saka pumasok sa loob. Natanaw ko agad si Clark na nakaupo sa harap ng salamin at may kakaunting makeup na sa kaniyang mukha habang siya ay abala kababasa sa parang magazine.

Napaupo lang ako sa gilid at hinintay nalang silang matapos. Pinunasan ko 'yong lens ng camera ko dahil nabagot ako kahihintay. Buti nalang puro morning class lang kami. 

Tumingin ako uli kay Clark habang minemakeupan siya at nagtama ang paningin namin sa salamin. Nag-pogi sign lang siya sakin at ngumisi. Dumila lang ako sa kaniya pang-asar.

Sana naman talaga maging worth it 'tong gagawin ko ngayong araw. Hindi naman ako masyadong nag-eexpect dahil marami naman talagang magaling pa kaysa sakin, pero gustong-gusto ko talaga makapasok doon, and maybe if i'll get in, this will be one reason that my parents will realize that i love doing this.

"Noah right?"

May babaeng kulot ang buhok na umupo sa tabi ko at may hinihipak siyang vape. May lumalabas na usok mula sa bibig niya dahilan para mapatakip ako ng ilong.

"Uhm yes" sagot ko naman

"So how long have you been taking photos"

Kinabahan ako. "I've been capturing photos since kid. Meron kasi akong natanggap noon na camera mula sa relatives ko and then i started playing with it and times goes by mas naging interesado ako"

Umangat ang kilay niya. Humipak siya uli ng vape at seryosong nakatingin sakin.

"Are you aware that taking photos and capturing photos are two different things?"

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Sa dami kong sinabi tapos mali pala ang term na nasambit ko. Naging blanko lang ang reaksyon ng mukha ko kaharap siya. Tumawa lang siya sakin nahahalata ata na hindi ko alam ang pagkakaiba ng dalawa.

"Taking photos is the simple act of using a camera to create an image, while capturing suggests preserving the essence or emotion of the moment in the photo."

Bakit niya alam ang mga bagay na 'to? Nacucurious tuloy ako kung photographer ba siya or what.

"Kung hindi mo naitatanong, i once studied Photography in college. And then i shifted to another course because i've realized that  my passion is slowly fading. I'm a fashion designer as of now. Ako 'yong gumagawa sa damit na susuotin ni Clark"

Sunod-sunod na lunok ang ginawa ko. Gusto ko siyang tanungin kaso nilalamon ako ng hiya ko. Titig lang ako ng titig sa kaniya habang humihipak siya ng vape.

"Gusto mo?" bigla niyang abot sa vape sakin

Agad ko naman itong tinanggihan at natatarantang umayaw sa alok niya. Tinawanan niya lang ako dahil para akong bata sa inasta ko.

"From what department are you?"

"Sa arts department. Multimedia arts ang course ko"

"Oh, really? Well hindi narin naman bago marami din talagang mga aspiring photographer sa multimedia arts. Doon kasi maraming naniniwala na mas more opportunity dahil pinagsama na siya lahat"

Until We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon