ideal person

76 4 0
                                    

chapter 16

₊✩‧₊˚౨ৎ˚₊✩‧₊𐙚

Tinitigan ko siya nang mabuti sinusubukang basahin ang nararamdaman niya. Hindi ko alam kung paano kami nauwi sa ganito. Parang iritable siya tingnan. Maybe I said something wrong but I don't know exactly what he's feeling right now.

"So, kung sakali... ano ba 'yong ideal na tao para sa'yo? Yung tipong gusto mong mahalin?" nagbukas ako ng bagong tanong

Medyo nag-alinlangan siya tila nag-iisip kung dapat bang sabihin. Naging mas malalim ang tingin niya parang may binubuo pa rin sa isip.

"Honestly?" tanong niya, parang gusto niyang tiyakin kung gusto ko talagang malaman.

Tumango ako, hinihintay ang sagot niya.

"Someone who already knows me—the good and the bad. Yung nakikita ako sa lahat ng anggulo—kahit sa mga ayokong ipakita sa iba. Someone who's still willing to stay despite everything," sagot niya, may halong bigat sa boses.

"Parang ang dali-dali naman ng hinihingi mo,"

"Akala mo lang madali, pero mahirap pala hanapin 'yong ganun. Lalo na kung alam mo nang kilala ka nila pero... natatakot ka pa ring magbukas," sagot niya, sabay iling.

Tahimik akong nakikinig, sinusubukan kong intindihin kung ano ang gustong iparating ng mga salita niya. "So, you're saying na ang ideal person mo ay someone who knows all your sides but stays anyway?"

Tumango siya. "Exactly. Someone who's seen both the worst and best of me but still thinks I'm worth it. Pero minsan, kahit nandiyan na 'yong tao, natatakot pa rin akong ipakita lahat."

Para akong kinurot sa sinabi niya. May halong lungkot at pagsisisi sa boses niya at parang may pinupunto siyang hindi niya kayang ipaglaban.

Bago pa ako makapagsalita, umiwas siya ng tingin at tumingin sa malayo. "Anyway, ikaw naman. Ano 'yong ideal person mo?" tanong niya, tila gusto niyang ibalik ang tanong sa akin.

Napangiti ako pero alam kong may gusto siyang iwasan sa usapan. "Hmm... siguro, someone na kaya akong samahan kahit gaano kahirap. Someone na susuportahan ako sa mga pangarap ko kahit na minsan pati 'yong love namin ang nakataya."

Napailing siya na may halong ngiti. "Sounds like you're looking for someone who's ready to sacrifice everything for you, huh?"

"More like someone who'll stay by my side even when it gets rough, even if it means putting our love at risk for something bigger," sagot ko nang seryoso, ramdam ko rin ang bigat ng sinabi ko.

Natahimik kami ulit, parehas kaming nakatingin sa mga ilaw na kumukutitap sa paligid. Parang may sariling buhay ang katahimikan—‘yong tipong gustong lumunok ng mga salita na nagpipilit lumabas.

"Sabihin mo na kasi sa 'kin kung sino 'yang nagustuhan mo," pilit kong tanong

"Bakit ba gusto mong malaman?" tanong niya, kunot ang noo.

Sa totoo lang gusto ko lang naman malaman dahil nagbabakasakali ako na si Chloe ‘yon. Wala namang imposible sa mundo, ‘di ba?

Expect the unexpected sabi nga nila. Hindi ko rin naman inakala na si Khalel pala gusto nitong si Chloe—kaya baka may chance.

"No reasons," ang tanging sagot ko

"Then, I will not tell you," sagot niya diretso at walang alinlangan.

Umasim lang ang mukha ko at hindi ko na uli siya pinilit. If he's not comfortable to say it, then I totally understand him. Pero kahit ganun, nakakainis pa rin.

Until We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon