fleeting clash

96 3 0
                                    

chapter 20

₊✩‧₊˚౨ৎ˚₊✩‧₊𐙚

Mabilis kong hinila si Liam at itinulak palayo sa lalaking nasa harapan niya. Kita ko sa mukha niya ang galit pero 'yung lalaki parang walang pakialam. Pinagpagan pa niya ang uniporme niya matapos kong ilayo si Liam na para bang alikabok lang 'yung gulo.

"Sa susunod, itali niyo 'yang aso niyo," sabi niya, kalmado pero halatang may inis habang naglalakad palayo.

"Aba!"

Akmang susugurin pa ni Liam, pero hinigpitan ko ang hawak ko sa kaniya.

"Halika na! Umalis na tayo," bulong ko, pilit siyang pinapakalma habang hinihila palayo.

Naglakad kaming tatlo papunta sa ibang direksyon para iwas gulo. Ewan ko ba, bakit mainit ang ulo ni Liam sa lalaking 'yun? Ano ba ang nangyari bago kami dumating para ganito siya umasta?

Pagdating namin sa canteen, nagpaalam si Khalel na babalik na siya sa court. Naiwan kaming dalawa ni Liam, parehong tahimik at hindi makatingin ng diretso sa isa't isa.

Binilhan ko siya ng mineral water at agad niya itong tinunggab. Halata sa kilos niya—iwas tingin, tikom ang bibig—na ayaw niyang pag-usapan ang nangyari kanina. Pero hindi ako pwedeng manahimik. Ayoko nang bumalik siya sa pagiging bully.

"Anong ginawa mo doon sa lalaki kanina?" tanong ko.

He clenched his jaw and turned away, frustration radiating off him. "Wala!" bulyaw niya, halatang inis.

"Sa tingin mo ba wala lang yung nakita namin?"

His voice was sharper now, as if he wanted to end the conversation right there. "Ba't ba ang kulit mo?"

Hindi ko inaasahan ang ganoong reaksyon. "Bakit ka ba ganyan?" tanong ko, hindi ko maiwasang ma-frustrate din. "Kung wala, bakit parang ang bigat ng galit mo?"

"Bakit? Hindi ba puwedeng mainis ako?!" he snapped, his eyes flashing with irritation. "Siya naman ang nanggulo, hindi ako!"

I frowned, sensing there was more to this than just annoyance. "Oo, pero hindi mo kailangang magalit nang ganito. Parang may hindi ka sinasabi."

"Ayoko na pag-usapan, okay? Huwag mo akong pilitin!"

Napabuntong-hininga ako, naiinis na rin pero sinubukan kong magpakalma. "Hindi kita pinipilit. Gusto ko lang maintindihan kung bakit ka ganito ngayon."

His face hardened, his walls going up higher. "Wala kang dapat maintindihan. Basta 'wag mo na akong kulitin."

"Talaga bang ayaw mong sabihin?" tanong ko ulit.

Bakit ba ang hirap niyang kausapin? Alam kong may nangyari, pero sa tuwing sinusubukan kong makuha ang totoo, puro galit at inis ang ibinabalik niya. Parang may bagay siyang hindi kayang sabihin, pero ako ang napapagod sa paulit-ulit na pag-aaway.

"Huwag mo muna akong kausapin hanggang sa maisipan mong sabihin sa akin ang totoo," sabi ko, habang marahan kong iniwas ang tingin. Hindi ko na hinintay ang sagot niya—bago pa ako tuluyang sumabog, tumalikod na ako at iniwan siya roon.

I heard him call out, his voice strained, but I didn't stop. Ayokong makipagtalo nang ganito ulit at hindi na ako puwedeng maghintay ng wala. Dumiretso na agad ako sa Engineering department pagkatapos ng pagtatalo namin ni Liam para i-transfer na ang mga photos.

"Oh, bakit ganyan ang mukha mo?" tanong ni Clark nang salubungin ako.

"Wala," sagot ko habang tinatransfer ang mga photos.

Until We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon